34

342 14 6
                                    

Tin POV

Tahimik lang sa dorm namin ngayon. Walang nagtatangkang mag-ingay, yung mga harutan at sakitan ni Kaye at Kiel, wala na. Pansin ko rin ang pag-iiba ni Kaye, mula sa pagiging maingay at madaldal, naging tahimik na siya at bihira na lang kaming kausapin.

Ako naman, pinanindigan ko ang pag-iwas kay Ayo. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay naaalala ko ang nangyari sa stadium.

Hawak hawak ko ang papel na bigay ni Aly, siguro kapag wala silang lahat ay ii-ipit ko na lang ang papel na ‘to sa notebook ni Ayo.

Naglalakad lang ako sa hallway ng dorm para pumunta sa kusina at kumain ng noodles.

Habang naglalakad ako ay nakarinig ako ng gitara kaya naman napatigil ako sa living room at napasandal lang sa pader.

Tanging strumming lang ang naririnig ko pero sigurado ako kung sinong tumutugtog nun. Si Ayo.

Patuloy pa rin ang ginagawa kong pag-iwas kay Ayo. Inisip kong mas mabuti na lang na ganun, baka kasi kung ano pa ang isipin ng iba sa amin tulad na lang ng inakala ni Aly na may gusto ako kay Ayo.

Kruuuuk~

Napahawak ako sa tiyan ko. Hays. Nagugutom na talaga ako. Bakit kasi bad timing at nandyan din sa Ayo sa may living room.

Hindi ko na pinansin at magpapanggap na lang ako na hindi siya nakikita.

Naglakad ako sa harapan niya at dumiretso sa kusina pero nagulat ako nang hilahin nanaman niya ang hoodie ko kaya naman napaharap ako sakanya.

“I-i-ikaw p-pala, Ayo. H-hindi kita napansin d-dyan, m-may kailangan ka ba?” Naglakad lang si Ayo papalapit sa akin at tiningnan ako sa mata, ako naman ay walang ibang ginawa kundi ang umatras hanggang sa napasandal na lang ako sa pader.

“Is it fun?” Hindi ko naman alam kung ano ang ibig sabihin niya nun.

“A-ang alin?”

“Avoiding me. Is it fun?” Napalunok ako saka umiwas ng tingin kay Ayo at ngumiti.

“H-ha? H-hindi k-kita i-iniiwasan—” Nabigla ako nang hampasin niya ang pader.

“Stop the act, Tin. Alam kong iniiwasan mo ako. Anong dahilan? Dahil ba dun sa sinabi ko sa stadium?” Napalingon ako sakanya tsaka napatahimik.

"I don't like Tin at hinding hindi ko siya magugustuhan."

Nang mapansin niyang hindi ako nagsalita ay lumayo siya ng kaunti tsaka inilagay ang kamay niya sa bulsa niya.

“Stop making conclusions in your head. Stop acting like that because you don't know what I'm really feeling.”

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Where stories live. Discover now