18

372 15 7
                                    

Tin POV

KINABUKASAN ay nagpunta kami sa bahay nila Kaye para simulang magbake ng cakes. Ako at si Kaye ang na-assign sa frostings, si Kiel at Ken ang taga-bake. Si Han at Shanen ang gumawa naman ng mga pangdedesign sa cakes, at si Ayo? Wala! Kumakain ng chips!

“I swear, mapapatay ko si Primo. Ayaw man lang tumulong! GRR.” sabi ni Kaye sa akin. Napabuntong-hininga naman ako. Sana lang ay makatulong siya sa mismong stall.

Habang busy kami sa pag-aayos ay bigla naman akong naka-amoy ng sunog.

Teka.. Sunog?

“Kaye, ano yung nasusunog?!” Tanong ko sakanya. Kaagad rin naman siyang naalarma nang maamoy niya rin yun.

Mabilis kaming tumakbo papunta sa kitchen at sobrang kapal ng maitim na usok don!

“WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE?!” Sigaw ni Kaye tsaka kinuha ang fire extinguisher ng bahay nila at pinatay ang apoy.

Nang mawala ang usok ay nakita namin si Kiel at Ken na puro itim ang mukha at may hawak na mga sunog na cake.

“OH MY GOD! BALAK NIYO BA SUNUGIN ANG BAHAY KO?! GRR!” Sigaw ni Kaye sa dalawa. Nakita ko namang pumunta na rin dito ang iba at nakita ang nangyari.

Sampung cakes ang nasunog. Sayang lang lahat ng ginawa namin buong araw dahil nasunog lang.

“I don't really know how to bake.” Sabi ni Ken. Napabuntong hininga nanaman ako.

“Just make new ones. We need to finish this.” Sabi ni Han.

“Pero sino ang magbebake? Hindi naman pwedeng tayo pa dahil may ginagawa na tayo at lalong hindi pwede ang dalawang ’to, dahil baka tuluyan na nilang masunog ang bahay namin.” Sabi ni Kaye.

“Ako na.” Sabi ni Ayo. Hay nako! Mabuti naman at naisipan naman niyang tumulong!

“Ayon, ligtas na tayo Ken.” Sabi ni Kiel habang tumatawa pa.

Lalong nainis si Kaye sa pagtawa ni Kiel kaya binato niya ng isang sunog na cake si Kiel at bulls eye! Pumasok sa bibig ni Kiel ang cake. Napahawak naman si Kiel sa leeg niya at natumba.

“TUBIG!!” Sigaw ni Kiel. Nagmadali naman akong kumuha ng tubig at binigay kay Kiel. Nang makainom na ng tubig si Kiel ay bigla siyang lumapit kay Kaye.

“Balak mo ba akong patayin!?!” Hinihingal na sabi ni Kiel.

“Yeah, unfortunately you survived.”

“You can’t kill me! May sampung buhay ako!”

“Really? OWEMJI. Since when did unggoys like you have 10 lives?”

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Where stories live. Discover now