6

420 18 14
                                    

Tin POV

KINABUKASAN ay ganun pa rin ang set-up namin. Maaga kami sa club room ngayon dahil napagalitan pa kami dahil sa padalos-dalos na pagsali namin sa club nang hindi man lang tinatanong ang opinyon ni Miss L. Na-guilty nga ako eh, kasi parang kasalanan ko lahat pero sabi naman ni Kaye sa akin,

“Ganyan talaga, ang mga magaganda katulad ko kasi lapitin ng lahat ng bagay, pati kapahamakan.”

Ewan ko kung nakatulong ba ’to para gumaan yung pakiramdam ko o ano eh. Hays.

Dahil nga dun ay nandito kami naghihintay sa kung ano ang balak ni Miss L sa amin. Ang sabi kasi niya ay simula daw ngayon ay mayroon na kaming class instructor na magbabantay sa amin dito sa clubroom.

“Sana lang at h’wag yung panot na teacher ang ilagay sa atin.” Sabi ni Kaye.

“Oo nga, ayoko rin. Bukod sa pangit siya, parang araw araw pang may PMS.” sabi naman ni Shanen.

“Tama ka diyan, like eww naman di’ba? Yung ganito kagandang katulad ko, hindi pwedeng makakita ng pangit na tulad niya.” dagdag pa ni Kaye. Bigla namang tumawa ng napakalakas ni Kiel.

“Bakit, Kaye? Nasaan ka ba nung nagpaulan ng kagandahan?”

“Nasa langit. Nagdonate!” Sabi ni Kaye tsaka inayos ang itsura niya at may hawak pa ring salamin.

“Talaga? Kaya pala walang natira sa mukha mo. Hahaha!” Nagulat naman kami nang maglabas ng libro si Kaye. Binato niya yun kay Kiel at mabuti na lang at tumama sa mukha nito.

Natameme naman ako sa ginawa ni Kaye. Jusko. Hindi ko na siya gagalitin.

"H’wag ka mag-alala, kay Kiel lang ganyan si Kaye.” Sabi ni Shanen sa akin.

"You idiot! Do you want me to murder you right now?!"

Lumapit si Kaye kay Kiel at sinabunutan siya.

"Ouch! Bitaw na Kaye!" Sabi ni Kiel dahil mukhang napakahigpit ng pagkakasabunot ni Kaye sakanya.

"Ehem," Nagtigil lang ang dalawa nang pumasok ang isang lalaking malapit nang maubos ang buhok sa clubroom.

"Kaye and Kiel, haven't we told you apply good manners and right conduct as a member of this club? Now, stand up! The two of you—"

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Where stories live. Discover now