12

417 17 5
                                    


Tin POV

*lingon sa kanan*

Si Kaye nakabusangot ang mukha at nakashades. Namumugto kasi ang mata niya dahil magdamag niyang iniyakan ang exams namin sa Science kahapon na kahit kami ni Shanen ay hindi na rin nakatulog ng maayos.

*lingon sa kaliwa*

Si Kiel, punung-puno ng band-aids nanaman ang mukha at mukhang badtrip rin.

Napabuntong-hininga ako, mukha namang hindi talaga pwedeng pagsamahin si Kiel at Kaye. Para silang aso’t pusa, tubig at mantika, araw at buwan. Para silang mathematical expression, ang hirap nilang magets.

Si Ayo naman, hindi pumasok. Hindi ko na rin siya nakita pagkatapos ng activity namin kahapon. Napapaisip nga ako, okay lang kaya siya?

NATAPOS na magturo si Sir Trent at wala pa rin si Ayo sa clubroom. Medyo nagtaka na rin ako dahil hindi man lang siya nagpakita.

Nang mag-lunch break ay hindi ko na sinabayan sila Kaye at Shanen at imbis ay bumalik ako sa dorm. Titingnan ko lang kung nandun nga ba si Ayo.

Pagdating ko dun ay tahimik ang paligid pero nakita ko ang sapatos ni Ayo kaya mukhang nandito nga siya sa loob ng dorm.

Bumili ako ng pagkain, para sana makipag-peace offering kay Ayo dahil dun sa mga ginawa ko sakanya habang nagda-dissect kami.

“Uhmm.. Ayo? Nandito ka ba?” Tanong ko sa paligid pero wala namang sumasagot. Nasan na kaya yun?

Naglakad ako papuntang kwarto nila Ayo. Nagbabakasakaling nandun siya.

Saktong pagbukas ko ng pintuan ay nabitawan ko ang mga hawak ko nang makita ko si Ayo na nakahiga sa lapag. Tuyong tuyo ang labi at namumutla. Nakita kong nanginginig siya.

Nilapitan ko si Ayo para sana alalayang papunta sa kama niya pero bigla kong naalala. May phobia nga pala siya sa physical contact!!

“Aish.. Paano ba ’to?!” Nilingon ko ang paligid saka naman ako nakakita ng kumot. Makapal naman ang mga kumot dito kaya may naisip akong paraan.

Inilatag ko ang kumot sa katawan ni Ayo tsaka pinalibot sa katawan niya. Nakabalot siya ngayon ng kumot kaya naman sinimulan ko na siyang alalayan papunta sa kama niya.

“Jusko Ayo, magdiet ka nga. Ang bigat mo.” Pagkadala ko sakanya sa kama niya ay tinanggal ko ang pagkakabalot ng kumot tsaka inayos sakanya.

Kinuha ko kaagad ang thermometer ko sa bag. Mukha kasing may lagnat si Ayo.

Medyo nahirapan akong i-ipit sa kili-kili niya ang thermometer kasi iniingatan ko ring hindi siya mahawakan.

Nang matapos ay tiningnan ko ang temperature ni Ayo.

"HALA, 40°C. ANG HOT MO AYO! I mean, literal na hot. Sobrang taas ng lagnat mo!”

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Where stories live. Discover now