31

350 11 7
                                    

Tin POV

NAPATULALA lang ako sa narinig ko mula kay Ayo.

"I don't like Tin at hinding hindi ko siya magugustuhan."

Alam ko naman sa sarili ko na ayoko kay Ayo, na hindi ko siya gusto pero bakit nang marinig ko yung mga salitang yun parang bigla akong nasaktan?

Napatingin lang sa akin si Ayo pagkatapos niyang sabihin yun samantalang ako, napatulala lang.

“Tin..”

“N-nagugutom na ako, kumain na tayo? Baka matapos na ang breaktime.” Sabi ko kela Aly tsaka ako naglakad palabas ng stadium.

Nauna akong lumabas ng stadium at kasunod ko lang sila Aly. Medyo nanginginig ang mga kamay ko at gulung-gulo ang utak ko.

"I don't like Tin at hinding hindi ko siya magugustuhan."

Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang sinabing yan ni Ayo. Ayaw niya sa akin? Sana man lang tinanong niya muna ako kung gusto ko siya di’ba?!

“NAKAKAINIS!” Sigaw ko habang napapadyak sa sahig.

“Ayos ka lang ba?” Kahit na nag-aalinlangan, tumango ako sa sinabi ni Aly. Bakit nga ba ako naaapektuhan sa sinasabi ni Ayo?

Alam ko naman na hindi niya ako gusto pero bakit nang marinig ko mula sakanya, parang hindi ko matanggap?

"I don't like Tin at hinding hindi ko siya magugustuhan."

TAMA NA!

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Kumain kami sa cafeteria nila Hannah, Aly, Cassi at Misty. Malapit na nilang matapos ang pagkain nila habang ako hindi ko pa rin ginagalaw ang pagkain ko.

“Sigurado ka bang, ayos ka lang?” Tanong sa akin ni Hannah. Ngumiti naman ako sakanya tsaka tumango.

“But you're doing the exact contrary of what you're saying.” Sabi naman ni Cassi.

“Affected ka ba sa sinabi ni Primo?” Sa sinabing yun ni Misty ay napatigil ako sa paglalaro ng pagkain ko.

“Tin, what do you think of Primo?” Tanong sa akin ni Aly. Napatingin naman ako sakanya.

“Si Ayo...” Medyo napatahimik ako. “Ay isang napakalaking jerk. Misteryosong lalaki na mahirap pakisamahan. Mahirap basahin. Magulo.” Pagkatapos ko namang sabihin yun ay binalik ko ulit ang atensyon ko sa paglalaro ng pagkain ko.

“Tin, may gusto ka ba kay Primo?” Nabitawan ko ang tinidor na hawak ko tsaka napatingin kay Aly.

Hindi ako kaagad na nakapagsalita at naka-focus lang silang apat sa akin. Tiningnan ko lang sila.

“H-hindi.” Sabi ko. ”Hindi ko gusto si Ayo.”

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Where stories live. Discover now