44

326 12 18
                                    

Tin POV

“SALO.” Napabalikwas naman ako nang ihagis ni Ayo ang isang malinis na tuwalya at panlalaking damit.

Kung itatanong niyo kung nasaan kami....

Nandito lang naman kami sa condo unit ni Ayo na ngayon ko lang nakita.

Ang buong akala ko ay ibabalik na niya ako sa dorm pero dito kami dumiretso dahil mas malapit ito sa park na pinanggalingan namin.

Napakalaki at napakalinis ng condo unit ni Ayo at hindi mo aakalaing isang lalaki pala ang nakatira dito. Tsaka yung theme ng condo niya, medyo feminine din.

“Stop day dreaming and change your clothes. Gusto mo pa yatang magpatuyo sa mabahong damit na iyan.”

“A-ah, s-sabi ko nga.. Saan yung banyo?” Itinuro naman ni Ayo ang banyo at dumiretso na ako dun.

Pagpasok ko ng banyo ay sobrang namangha pa ako lalo, kasi naman sobrang linis! Nakakapanghinayang gamitin, sobrang kintab at ni isang bakas ng dumi ay wala kang makikita.. Sobrang nakakamangha!

Nagshower na lang ako dahil nanghihinayang akong gamitin ang bath tub.. Baka madumihan ko lang eh.

Nang maalala ko ay basa nga pala ang underwear ko, ano na lang ang gagamitin ko?

Bahagya kong binuksan ang pintuan ng banyo at sumilip. Nakita ko si Ayo na nakatutok lang sa laptop niya. “Ammm, Ayo?”

Lumingon ito sa akin, “What?”

“A-ano, k-kasi.. Basa yung u-underwear ko, m-may extra ka ba diyan na pwede gamitin?”

Ngumisi lang si Ayo tsaka binalik ang tuon niya sa laptop niya. “Okay lang naman kung hindi ka mag-underwear eh, wala namang babakat.”

Bigla naman akong napatingin sa dibdib ko at namula sa inis. “Para sabihin ko sayo may dibdib ako! Maliit nga lang pero meron!”

Napatigil naman si Ayo sa paglalaptop at napatingin sa gawi ko. Pagkatapos nun ay saka ko lang narealize ang mga sinabi ko.

Waah! Sobrang nakakahiya! Ipinagsigawan ko sakanya! Bwiset na bibig to, wala nang ginawang maayos sa buhay ko!

“S-s-s-sabi ko n-n-nga hindi na ako ma-magsasalita eh,” Pagkatapos ay sinarado ko ang pintuan tsaka pinatuloy ang pagligo.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Medyo nagtagal ako sa banyo dahil bahagya kong pinatuyo ang underwear ko para may masuot ako. Pagkatapos ay sinuot ko ang napakaluwang na t-shirt ni Ayo at boxer shorts na pinahiram niya, sabi naman niya ay hindi pa niya nagagamit ang boxer shorts na to.

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Where stories live. Discover now