19

382 19 13
                                    

Tin POV

NAKAHARAP ako sa salamin habang nakatingin sa sarili ko habang suot-suot ko ang costume kong Sailor Moon. Sobrang ikli ng palda at hindi ako sanay. Masyadong naeexpose ang legs ko kaya naman hindi ako masyadong makagalaw ng maayos.

“OMG. Ang pretty ko talaga!” Sabi ni Kaye habang nagpo-pose sa harapan ng salamin.

 Ang pretty ko talaga!” Sabi ni Kaye habang nagpo-pose sa harapan ng salamin

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

“Ang sagwa ng itsura ko~ huhu.” Sabi naman ni Shanen habang pinagmamasdan ang sarili niya.

Si Han naman ay nakaupo lang sa likod namin habang suot ang costume niya.

Hindi pa rin ako makagalaw ng maayos sa harapan ng salamin. Pakiramdam ko kasi isang hakbang ko lang ay makikita na ang buong kaluluwa ko. Omo. (T.T)

“Nakahanda na ang lahat sa stall. Kayo nalang ang kulang. Pumunta na kayo.” Sabi ni Sir Trent. Nagsimula namang lumabas ang mga kasama ko pero nagpaiwan na muna ako saka pinagmasdan pa rin ang sarili ko sa salamin.

“Hays, ako ba talaga ’to?” Sabi ko habang sinusuri ang damit na suot ko. Medyo kita rin kasi ang puson ko dahil maikli ang pang-itaas ko. Hays. Kung hindi lang talaga para sa grade hindi ko talaga susuotin ’to.

Bigla ko namang napagmasdan ang hugis ng katawan ko.

“Bwiset ka Ayo, may korte naman yung katawan ko ha? Hindi man ganun ka-sexy pero hindi naman diretsong parang poste!”

“Eh bakit ba gusto ko poste ka eh,”

“Ay poste ka!” Napalingon ako sa nagsalita at nakita kong nakasandal sa may pintuan ng kwarto namin si Ayo habang suot ang Goku na costume niya.

“Anong ako? Ikaw yung poste diyan eh.” Sabi niya habang nakangisi. Nabaling naman ang tingin ko sa costume niya at sa wig niyang kulay dilaw na nakataas ang buhok.

Ako naman ang napatawa.

“Anong tinatawa-tawa mo?” Hindi ko naman napigilan at napatawa pa rin ako ng mas malakas pa.

“Ikaw kasi... Pppffft.. Hahaha!” Tawang tawa lang talaga ako sa itsura niya.

“What the hell is wrong with you?” Mukhang iritableng tanong ni Ayo sa akin. Tiningnan ko ulit siya at tinawanan pa ulit.

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Where stories live. Discover now