16

366 15 9
                                    

Tin POV

NAKAKAINIS talaga si Ayo. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla bigla nalang siya sumusulpot para siyang kabute.

Naglakad ako papasok ng dorm at pagpasok ko ay nakita ko si Ayo na nakaupo sa sala habang may nakapasak na headphones sa tenga niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

Tinanggal niya ang headphones niya tsaka ako nginisian.

“Kamusta date niyo ni Ping?” Tanong niya. Nakunot ko naman ang noo ko. Sino si Ping?

“Ping? Sinong Ping ang sinasabi mo ha?”

“Teka hindi ba Ping ang pangalan nun? Ano ba ulit pangalan niya? Ring? Ting? Sing? Ling? Bing? Shing? Ging? Ying? Ning? Ding? Xing? Hing? Fing? Jing?” Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis ako sa sinabing yun ni Ayo.

“King ang pangalan niya!”

“Ping gusto ko, bakit ba?”

Pagkatapos niyang sabihin yun ay pumasok na siya sa kwarto niya. Ako naman naiwan dito na nagtataka pa rin. Ano bang problema nitong si Ayo?!

Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na sa kwarto. Pagpasok ko ay inilabas ko ang stuff toy na binigay—binalibag sa akin ni Ayo sa arcade kanina.

Kinurot ko naman ang ilong nun.

“At dahil si Ayo ang kumuha sayo, Primo na lang ang itatawag ko sayo.” Parang tangang kausap ko sa stuff toy na pinangalanan kong Primo.

Hay nako. Hanggang ngayon pa rin talaga, ang hirap tantsahin ni Ayo.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Han POV

*PAK!*

Napahawak ako sa pisngi ko nang sampalin ako ni mommy nang makita niya ang Report card ko.

“Why are you so stupid, Han?! I told you before that I don’t like a flawed report card! Sinabi ko sayo, mag-aral ka ng maayos, pero mukhang hindi mo ginagawa!”

“I’m trying..”

*PAK!*

DINURO ako ni mommy tsaka hinawakan ang baba ko tsaka ako sininghalan, “Sa susunod na exams, gusto ko lahat ay maperfect mo at mawala ka sa third spot! Kapag hindi mo nagawa yun, h’wag na h’wag kang haharap sa akin at wag na wag mo rin akong tawaging mommy. Kuha mo?!”

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon