39

322 11 3
                                    

Tin POV

Napahawak ako sa ulo ko nang magising ako. Grabe, ang sakit sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa sobrang bigat ng ulo ko at parang nakikita ko na ang Milky Way Galaxy sa sobrang hilo ko.

Teka nga.. Bakit ba ako nasa kama ko? Ang naaalala ko, naglalakad pa lang ako papunta sa loob ng kwarto ko.

Gabi na at tulog na lahat ng kasama ko dito sa dorm kaya naman naisipan kong pumunta sa kusina para magtimpla ng gatas. Pampaantok para makatulog na ulit ako.

Habang nagtitimpla naman ako ay nabigla ako nang may marinig akong nabasag mula sa kwarto ni Han. Nagmadali naman akong pumunta dun para tingnan yun dahil baka mamaya kung ano na ang nangyari kay Han. Laking gulat ko na lang nang makita ko si Ayo na nasa loob ng kwarto ni Han at hawak hawak ang basag na bote ng alak.

“T-teka, anong nangyayari dito?” Akmang pupulutin ko na ang mga bubog nang pigilan ako ni Ayo.

“What do you think you're doing, Primo? This is harassment.” Sabi ni Han. Mukhang hindi maganda ang usapan sa pagitan nilang dalawa.

“Ikaw ang naglagay ng vodka sa tumbler ni Tin para malasing siya at magkalat sa harap ng inspector para mabawasan ang grades niya at umangat ka ulit sa rank mo. Tama ba ako?” Nagulat naman ako sa sinabi ni Ayo. Ibig sabihin, kaya ganun na lang ang lasa nun kanina at kaya sumakit ng sobra ang ulo ko ay dahil nalasing ako sa vodka!

Tumingin lang ako kay Han at hindi siya makatingin ng maayos sa amin ni Ayo.

“Totoo ba? Totoo ba yun, Han?” Tanong ko kay Han. She crossed her arms and walked towards me. Tinaasan niya rin ako ng kilay.

“Kung totoo man, wala ka nang pakialam. Hindi ka naman napahamak di’ba? So what's the point of arguing here? Get out of my room.” Tinulak tulak ako ni Han palabas ng kwarto niya pero hinila ko ang kamay niya.

“Ano bang ginawa kong masama sayo? Bakit mo ginagawa sakin ‘to?” Hindi sumagot si Han at imbes ay tinulak ako ng malakas tsaka sinarado ang pintuan.

Hinawakan naman ako ni Ayo nang kamuntik na akong matisod. Tumingin lang ako sakanya at napadako sa kamay niyang may hawak na basag na bote. Laking gulat ko na lang na nagdudugo na ang kamay niya na yun.

“Ayo, yung kamay mo!” Mukha namang di alam ni Ayo yun at tiningnan pa nya ang kamay nya.

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Where stories live. Discover now