49

300 9 2
                                    

Tin POV

Nakaupo lang ako sa club room habang pinaglalaruan ang ballpen ko. Naglalaro din kasi sa isip ko ang nararamdaman ko.

Napatingin ako kay Ayo. Hindi lang ako makapaniwala na nagkagusto nga ako kay Ayo.

“Miss Montecillo.” Napatayo ako nang tawagin ako ni Sir Trent. “Pang anim na beses ko ng tawag sayo. Hindi ka nakikinig sa klase ko, gusto mo bang lumabas?”

“S-s-sorry po.. Sir—”

“Hindi ito ang unang beses na hindi ka nakikinig sa klase ko. If you find my subject boring, you are free to leave—”

“Shut up and continue teaching.” Napalingon ako kay Ayo nang galabugin niya ang desk niya. Mukha namang natakot si Sir Trent kaya inayos nito ang necktie niya at nagtuloy na sa pagdidiscuss. Naupo naman ako tyaka itinuon ang atensyon ko sa pag-aaral.

Saka ko na siguro iisipin ‘to, kapag natapos ang nalalapit na exams.

Hindi rin naman nagtagal at natapos na ang klase ni Sir Trent. Ako naman naghabol ng notes dahil lumulutang nga ang utak ko kanina.

“Tin.” Napatingin ako ng magsalita si Ayo. Napatitig ako sakanya pero bumawi rin ako kaagad.

“B-bakit?”

Namulsa ito at tumalikod.

“Saturday, 3 PM. Do not dare to be late.”

Bago pa man ako makapagsalita ay nakalabas na si Ayo.

Saturday, 3 PM.. Ibig sabihin yung date namin.

Di’ba?

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

PAGLABAS ko ng clubroom ay didiretso na sana ako sa library para mag-review nang makita ko si Aly na patakbong lumalapit sa akin.

“Tin! Mabuti naabutan kita.” Mukhang hingal na hingal na si Aly sa layo ng tinakbo niya.

“Bakit, Aly?”

Iniabot niya sa akin ang isang box ng muffins.

“Pakibigay kay Primo ha? Medyo busy kasi ako ngayon. May meeting pa kami sa Student Council eh. Alam mo na, beastmode kasi si Pres eh. Pakibigay nalang ha? Salamat!! Una na ako, Tin!”

Pagkakuha ko ng muffins ay tumakbo na nga si Aly papalayo.

Bigla akong natauhan.

Oo nga pala.. May gusto si Aly kay Ayo.

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon