Chapter Twenty-One(Friend Daw?)

45.5K 786 5
                                    

This day is the fiesta, ito nga at busy ang lahat except sa akin. Si mama naman kasi hindi ako pinapatulong ang OA talaga kainis na. Ito pang si Sungit nag se-second dimotion naman na ayaw din akong patulungin. Edi ako na walang ginagawa!

"Ma sige na naman oh.." pamimilit ko parin, kanina pa kasi ako nakatunganga dito.

"No. Hintayin mo na lang ang ibang bisitang dumating go." sabi niya lang. Hay! Ayoko na! I surrender! Suko na ako!! I quit!

Naglakad naman ako papunta sa labas ng bahay at sumandal sa gilid ng gate. Asan ba yong si Sungit? Palagi na lang nawawala e! Nga pala pang anim na araw na namin dito and bukas uuwi na kami. Ang bilis no! Ang sarap tumira dito e! Tsaka nga pala may e chi-chika ako sa inyo. Si Kyle at si regie mae. Nililigawan na siya ni Kyle, edi sila na may lovelife! Ewan kong pano basta sinabi lang sakin ni Regie Mae na nililigawan na siya, syempre bilang pinsan niya sobrang saya ko. Sa wakas magkaka lovelife narin ang pinsan ko.

Nakapikit naman ako na nakasandal lang sa pader malapit sa gate at nakaheadphone din ako. Dinadamdam ko ang music e! 'Twirk it like Miley' kasi. Napapasayaw tuloy ako.

"HOY!"

"AY ANAK NI JUDAS!!" napasigaw naman ako ng may biglang sumigaw sa tinga ko.

Nakita ko naman si sungit na patay na patay sa kakatawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Masaya ka?" pamimilosopo ko.

"Yeah!"

"Tulungan kita sa pagtawa ha, parang ikamamatay mo kasi!" inis na sabi ko.

"Ikaw naman, I was just joking." sabi niya pa at inakbayan ako.

"Tse! San ka na naman galing? Ikaw palagi ka na lang missing in Action!" sabi ko naman sa kanya. Totoo naman talaga para nga siyang kabuti minsan kahit saan na lang sumusulpot.

"I just met a friend there, she is a doctor.!" She! Ibig sabihin babae.

"Ah, masaya ka naman? Sige dyan ka na nga!" at inalis ko yong pagkakaakbay niya at papasok na sana ng bigla niyang hinawakan ang wrist ko at bigla na lang na napalapit ako sa kanya.

"Where are you going, Stay here, we're going to welcome your tita's visitors.." sabi niya pa. Inismiran ko lang siya at nag cross arm.

Isang oras na ang nakakalipas at panay bati lang kami sa nagsisidatingan. Nakakangawit sa bibig ang ngiti ng ngiti! Grabe!

Naagaw naman ng atensyon ng isang babae ang atensyon ko. Nakita ko naman siyang nakangiti kay Sungit tinignan ko naman si Sungit, na ngayon ay panay ang ngiti! Magngitian lang kayo dyan! Mapunit sana labi nyo!

"Bryan! You're here," at hinalikan niya si Sungit sa pisngi.

"Hindi. Kaluluwa yan.." mahina kong sabi yong ako lang ang makakarinig.  Nakita ko namng siniko ako ni Sungit! Problema nito!

"Yeah! What are you doing here too...?" balik na tanong niya. Inferness makinis, maganda, matangkad, pasadong-pasado para sa kanya. Tsk! Whatever!

"Ah, Jes invited me, she's my mom's bestfriend.." paliwanag pa niya. Sino ba'to!!?

"ahm, by the way. Maxine she's Ryanalene and Ryana she's Maxine.." pakilala naman ni Sungit.

"Ow. Hi Ms. Ryana, nice meeting you, I'm Bryan's friend!" at nakipagkamay naman siya sakin. Syempre ngumiti naman ako bait kaya ako.!

"I'll go inside?" tumangi naman ako at pumasok na siya.

"Friend daw." bulalas ko pa sa gilid ko yong saktong ako lang nakakarinig.

"What are you talking about?" napatingin naman ako sa kanya na nagtatanong.

"h-ha wala naman akong sinabi ah," pagmamaang-mangan ko pa.

"tss.." Sungit talaga! Bapolar!

"Close kayo?" nakangiting tanong ko pero halatang plastic lang.

"Yeah, she's been my friend for a long time.." nakangiti niya ring sabi. Napawi naman ang ngiti ko at tumalikod sa direkyon niya.

"Whatever!" mahina kong sabi.

"Maysinasabi ka na dyan?" tanong niya at hinawakan ang kanan kong balikat at humarap ako sa kanya.

"Ako? Wala naman ah," sabi ko sabay turo sa sarili ko.

"Let's get in, mainit na oh,!" sabi niya.

"Sige mauna ka na. Susunod na lang ako.." ngiti kong sabi.

"Okey, I'll wait you there." tumango naman ako at bago siya pumasok pinisil niya muna ang pisngi ko at dali-dali siyang tumakbong pumasok.

"Bwisit to!" sabi ko lang ng makaalis na siya. Iiiieehh! Kinikilig ang lola nyo!

Binati ko pa ang mga dumadating na bisita. Ito lang naman kasi ang trabaho ko. Ewan ko sa kanila hindi naman mabigat na bagay ang magluto.
Ilang minuto din ang lumipas pumasok na ako dahil tirik na si haring araw. Nasa labas pa lang ako ng pinto rinig ko na ang tawanan ng mga bisita at may nag ve-vedioke pa. Hindi na nga magkarinigan sa loob dahil sa ingay.

Pagkapasok ko agad naman na nakita ko sa may hagdanan si Sungit at yong Maxine na nakaupo sa gitna ng hagdanan at nagtatawanan. Bwisit! Edi sila na masaya!

"Ayon patay na!" rinig ko namang sabi ni Regie Mae sa gilid ko.

"Anong pinagsasabi mo dyan?!" nakataas na kilay kong tanong.

"Wala naman. Nakakamatay kasi ang titig mo e!" at umalis na siya sa tabi ko. Anong pinagsasabi non?

Naglakad naman ako papalapit sa kanila at don talaga ako sa gitna nila ako dumaan kaya ayon. Ni hindi nga nila ako napansin na papalapit e! Bwisit lang!

At nagpatuloy na ako sa pag-akyat!

Bryan's POV

Nasa hagdanan kami ng biglang dumaan sa gitna namin si Len at umakyat. Napatingin naman ako sa kanya , at padabog siya na umaakyat. What's her problem?

"Ahm, Bryan As what I've said, susunod na lang ako.." inaya ko kasi siyang sumama saakin sa bahay. Diba nga pupunta ako kay mommy.

"Yeah, sige.. Ahm, akyat muna ako ha.." tumango naman siya at naglakad na papuntang sala. Ako naman.umakyat para sundan si Len. Ano kayang nangyari don?

Kumatok naman ako and hindi niya ako pinagbuksan. Kaya napilitan akong pumasok sa kwarto niya, nakita ko naman siyang nakahiga but she's facing the bed.

"hey.." tawag ko sa kanya at hindi niya ako kinibo.

"Len..." ulit ko.

"Ano!!" tanong niya at nanatili parin sa posesyon niya.

"Do we have a problem?" tanong ko ulit.

"Wala!" sagot niya.

"ganon ah," at humiga ako sa kama at inipit ang buong katawan niya.

"Hoy ano ba!!" sigaw niya.

Ryana's POV

"Do we have a problem?" rinig kong tanong niya.

Oo meron. Hindi ko na alam para kasi akong tanga! Ako bato! Bakit ako nagkakaganito, bakit parang nahseslos ako! Pero hindi!

"Wala!" sagot ko lang sa kanya.

"Ah, ganon ah," nagulat naman ako ng bigla siyang pabagsak na humiga sa kama at inipit ang buong katawan ko.

"Hoy ano ba!" pagpupumiglas ko.

"Nagsisinte ka kasi.." sabi pa niya.

"Hindi kaya! Bitaw nga!!" at binitawan niya naman ako.

"Yong totoo. May problema kaba?"

My Strict Doctor √Where stories live. Discover now