Chapter Thirty-One(Family dinner)

42.5K 697 4
                                    

Gabi na at hindi ako lumalabas ng kwarto dahil pagod ako, masakit pa yong ano ko. Hindi naman ako inabala ni mama, kaya dito na lang ako nagkulong sa kwarto.

Iidlip sana ako ulit ng may narinig akong tawanan sa baba. May bisita si mama? Bahala na nga, magpapahinga talaga ako.

Knock! Knock!

"Matutulog ako ma!" sigaw ko at binalot ko ng kumot ang katawan ko. Narinig ko namang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Bahala siya dyan! Pagod ako!

Kinulbit naman ako ni mama.

"Mama naman e! Natutulog ang tao e!" inis na sabi ko at nanatili parin sa kumot.

Naramdaman ko namang humiga siya at niyakap ako. Teka nga? Parang lumaki yata si mama. Inalis ko naman ang pagkakakumot ko.

O_O

"What the Fuck! Anong ginagawa mo dito!?" gulat na sabi ko at napaluhod sa kama.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at humiga ng maayos yong dalawang palad niya nasa likod ng ulo niya.

"Stop cursing lady," nakasalobung naman ang kilay niya ngayon.

"e! Ano nga kasi ang ginagawa mo dito! Baka makita tayo ni mama na magkasama, baka ano pa isipin non!" nakanguso kong sabi.

"And then? Ano naman kong makita niya tayo?" walang paki niyang sabi.

"Bryan naman!! Tsaka ano bang ingay don sa baba? Kanina pa yon ah," naiinis na sabi ko.

"It's just them." casual na sabi niya.

"Them!!?" I ask curiously.

"Let's go down stairs." at nagsimula na siyang maglakad palabas ng pinto. Sumunod na lang ako at bumaba na.

Pilit niya namang hinahawak ang kamay ko habang pababa kami ng hagdanan, pilit ko ding iniiwas ang kamay ko sa kanya. Nang makarating kami sa baba panay naman ang pangiirap ko sa kanya. Siya naman nakasalubong ang kilay. Ang bwisit niya ha!

"Tumigil ka nga!" inis na sabi ko. Nakakaasar na kasi. Sipain ko to e!

Nakita ko namang siyang tumingin sa likuran ko. Salubong naman ang kilay ko na tumingin don at laking gulat ko ng makita si mama at ang mama niya also ate Jem.

"Aso't pusa diba?" sabi ni mama kay Tita. Ako naman nakaawang lang ang bibig ko.

"Tama ka nga," sangayon pa ni tita. Teka nga ano tong nangyayari? Tinignan ko naman si Bryan at nagkibit balikat lang siya.

"Hi Ryana! Nice to see you again, nagulat ka ba?" at bigla akong niyakap ni ate Jem.

"h-ha?" hindi ko alam kong anong isasagot ko.

"I know what you feel, ganyan din ako dati e! Pag nagugulat!" sabi niya pa at naglakad na kami papunta sa dining area.

"Su no como su!(Your not like her)" rinig kong sabi ni bryan.

"callate feo,(Tumahimik ka pangit)!" rinig na sabi rin ni ate Jem. Ano daw?

"Nga pala balae," tita. Anong balae!!?

"Po!!?" gulat na tinignan ko sila na kasalukoyang umuopu sa upuan.

"Ah, a-ano k-kasi w-wala n-naman," sabi din ni mama. Ang weird ha!

"Okey," at umupo na ako katabi ni Bryan. Kaharap naman namin si tita at ate Jem at nasa gitna si mama.

"Nga po pala, naparito po kayo?" tanong ko habang nilalagyan ni Bryan ang pinggan ko ng pagkain. Matagal pa bago niya ako sinagot, kaya uminom muna ako ng tubig at bigla siyang nagsalita.

My Strict Doctor √Where stories live. Discover now