Chapter Seventeen(Kyle and Regie)

52.3K 835 6
                                    

Umupo naman siya sa couch at sumunod lang ako. "walanghiya ka talaga!" sabi ko at sinapak ko siya sa balikat niya.

"Hey! Nagiging brutal kana," sabi niya pa sabay himas niya sa balikat niya.

"OA naman nito!" at inirapan ko naman siya. Naalala ko na tinawagan pala ako ni Regie kanina yung fiesta, malapit na kasi.

"MA! TINAWAGAN KA PO NI TITA JES?" sigaw na sabi ko kay mama. Si tita jes kapatid ni mama tapos anak niya ang monggoloid kong pinsan na si Regie Mae.

"Oo,bakit?" balik na tanong naman niya. "Pupunta ka?" tanong ko din naman.

"Syempre dapat lang.." sagot naman niya. Nakita ko naman si mama na papunta sa amin.

"Bryan, gusto din sana kitang isama samin sa probinsya, pero baka busy ka.." sabi naman ni mama. Tumingin naman ako kay Sungit at inirapan lang siya.

"ahm, tignan ko lang po.." ngiti niyang sagot. Tsk! Ang bait ng bwisit!

"Okey, sige.."

"ahm, mrs. Finch I have to go thank you for inviting me here ." hala! Inimbita siya ni mama. Tinignan ko naman si mama na ngayon ay nakangiti na, talagang mama kong to parang baliw!

"I told ya lately call me Tita since close na kayo ng amazona kong anak.!" sabi niya pa. Ako AMAZONA?

"Excuse m--"

"Dadaan ka!" pamumutol ni mama inirapan ko lang siya.

"tsk hindi kami close no, dyan na nga kayo!" at tumayo na ako at nagsimulang maglakad.

"Hoy hoy! Ihatid mo sa labas si Bryan, dalian mo wag kang pabebe dyan! Hindi na yan uso." sabi pa ni mama. Ewan ko lang ha para kasing hindi ko siya mama e! San ba talaga siya kakampi sakin O sa Alien nato! Ewan.

"Oo na. Ikaw tong Amazona e!" at naglakad na ako palabas, nakita ko namang sumunod na si Sungit.

Pagkalabas namin sa gate, huminto ako sa tapat ng kotse niya at nag cross arm.

"Bye," sabi ko lang.

"see you, beautiful.." at bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Natigilan naman ako. Nakakarami nato ah!

"nakakarami ka na ah!" sigaw ko sa kanya at patakbo naman siya na pumasok sa kotse niya. Ng napaandar na niya kumaway naman siya, kumaway na din ako at hinintay na mawala sa paningin ko ang kotse niya at pumasok na ako sa bahay.

"Ma, kailan tayo pupunta kila tita?" tanong ko ng makapasok na ako.

"Bukas."

"Agad-agad!!" gulat na sabi ko.

"Aba Oo naman, para mahaba yong bakasyon natin don.." sabi pa ni mama.

"Okey sige maghahanda na lang ako ng dadalhin ko sige ma goodnight!" at nag kiss na ako sa pisngi niya.

"Okey goodnight.." at naglakad na ako.

"Ang pangit nyo po ma!" pahabul ko pa ng nasa hagdan na ako.

"Kanino ka ba magmamana!" sigaw din niya! Aray ha! Grabe siya! Ang gondo ko kaya.

Next day

Nakahanda na ang gamit namin ni mama at ready to go na kami. Eight na rin ng umaga, sinabi ko kay mama na ako na ang magmaneho pero as always.

"Hindi pwede.." ayan siya e!

"Oo na, tena-try ko lang e!" baka kasi makalusot kasi. Limang oras din kasi ang byahe kaya ang driver na ni mama ang magmamaniho.

"O siya tara na, hindi ko nga pala sinabi na ngayon tayo pupunta surprise kong baga.." masaya to!

After five hours nakarating na rin sa wakas, nangangawit na ang pwet ko grabe. None stop te!

My Strict Doctor √Where stories live. Discover now