Chapter Seven (Heart Attack)

64.7K 1K 15
                                    

Bryan's POV

Nang makadaung na ang yacht isa-isa na silang bumaba at hinintay ko si Len na bumaba. Nang makababa na silang lahat tinawag na nila ako.

"Hali ka na." sabi pa ni Kathy.

"Susunod ako.." at naglakad ako papunta sa dulo ng yacht.

Nagmamadali akong naglakad papunta don at hindi ko na siya nakita don. Hindi naman ako mapakali kasi hindi siya mahagilap ng mga mata ko.

"Len!" tawag ko sa kanya.

"S-s-sungi--" agad naman akong napatingin sa likod ng pinto ng yacht at nakita ko siya hawak hawak ang parte ng dibdib niya. At nahihirapang huminga.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya.

"what's wrong!? Anong nararamdaman mo sabihin mo!" pasigaw na na tanong ko.

"Wag k-kang s-sumigaw b-bwisit ka!" nahihirapan niyang sabi at sinapak ako sa mukha.


Binuhat ko siya at dinala sa loob ng yacht at pinahiga siya sa nag iisang kama don. Kita ko paring nahihirapan siya sa paghinga kaya kinuha ko ang bag ko sa gilid at hinalukay ang enhaler don. Nang makuha ko na agad na lumapit ako sa kanya.

"Here, use it." at kinuha niya naman at ginamit. Sobrang bilis ng paghabol niya ng hininga niya.

"Are you Okey now?" nag aalala kong tanong.

"O-Oo. Okey na." sabi niya ng makahinga na ng maayos.

"Ano ba kasing nangyari, may ginawa ka bang makakapag pasakit ng puso mo.?"

Ryana's POV

Nanunuod lang ako ng tanawin sa dagat ng biglang sumikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga.

Napahawak naman ako sa parting yon ng sumikip ito.

"S-s-sung-it" tawag ko sa kanya pero parang ako lang ang makakarinig sa sinasabi ko.

Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa hindi ko na makaya! At hanggang sa pinto nalang ako ng yacht napahinto.

Ang sakit sobra!

Hindi-h-hindi ko na k-kaya.

"Len!"

"S-s-sungi--" tawag ko sa kanya na saktong maririnig na niya.

"what's wrong! Anong nararamdaman mo sabihin mo!" sigaw niyang sabi. Nararamdaman ko naman ang pagaalala niya sa sa boses niya. Nakakabwisit kailangang sigawan ako!

"W-wag k-kang s-sumigaw b-bwesit ka!" mahinang sabi ko sa kanya. Nakakainis naman kasi.

Binubat niya ako in bridal style at nilagay sa kama. At naglakad siya papuntang bag niya at may hinalukay siya don.

"Here. Use this!" sabi niya sabay abot ng enhaler, at kinuha ko naman at ginamit.

Hinagod-hagod naman niya ang likod ko para makalma ako.

"Are you Okey now!?" tanong niya at talagang mata sa mata niya yong sinabi. Nakakailang! Kita mo pa ang pag aalala niya sa mga mata niya.

Wag mong bigyan ng kahulugan yan Ry! Baka umasa ka!

Teka bat ako naiilang?

"O-Oo. Okey na." yumuko ako para maiwasan ang tingin niya.

"Ano ba kasing nangyari? May ginawa ka bang makakapagpasakit ng puso mo?"
Pag aalala niyang tanong na may halong inis.

"Wala naman e! Inatake lang." iling-iling kong sagot.

My Strict Doctor √Where stories live. Discover now