Chapter Forty-Two(My bestfriends)

40.7K 728 5
                                    

Ryana's POV

Nasa trabaho ako ngayon. Sariling business ko, Flower shop. Habang nag re-recover pa kasi ang puso ko naisipan kong magtayo ng flower shop at tinulungan din naman ako ni papa.

Kasalukuyan akong nag aayus ng mga bulaklak ng biglang bumukas ang pinto. Narinig ko lang naman dahil may tumunug pag bumubukas ang pinto.

"Goodmorning seño--" napatigil ako ng makita ang pumasok sa pinto hindi lang isa,dalawa,tatlo kundi anim sila.

"Ryana..." halos pabulong na nasabi ni Angel. Kahit napalitan na ang puso ko hindi ko parin sila maalis sa isipan ko.

"Angel.." sabi ko lang at dahan dahan na lumapit sa kanila. Kasabay rin don ang pagtulo ng luha ko, niyakap ko siya at niyakap niya din ako.

"namiss kita..." sabi niya. Halod tango lang ang sagot ko at hikbi.

"Ry.." sabi naman ni Tg at niyakap ko din siya.

"Namiss ko kayo..." sabi ko. At niyakap ko din si kenna,kathy,Jm,at harold.

"Ikaw naman kasi*sniff* bruha ka umaalis ka na lang ng hindi nagpapaalam," biglang sabi ni Kenna. Napatawa naman ako ng kaunti.

"Kailan pa kayo dito?" nakangiting tanong ko.

"Ngayon lang," sabi naman ni Jm. Nakita ko namang may batang naka yakap sa binti niya.

"Anak mo?" tanong ko.

"To be exact anak NAMIN," inimphazise niya talaga ang namin na word.

"Ay Oo nga, ang cute niya ha, mana sakin.." sabi ko pa.

"Ikaw magulang te," biglang sabi kath.

"Oy! Kath, musta buhay pagibig mo?" tanong ko.

"Wag ka besh, ang gwapo ng juwa niyan.." sabi ni kenna. Tinignan ko naman si kath na nakakaluko.

"Ikaw ha," sabi ko sabay sundot ko sa tagiliran niya. "tumigil ka Ry ha, hindi ka parin nagbabagi ang siraulo mo parin!" sabu niya at nagtawanan naman kaming lahat.

"Oh harold, may e ke-kwento ka ba sakin?" sabi ko naman at nagkatinginan silang dalawa ni Angel.

"Isa pa yan Ry, bun--"

"Teka nga kenna, hindi ikaw ang tinatanong no!" haha mga baliw talaga.

"Oo na, Ry e pasyal mo kami dito o, bakit nga pala ang lamig?" tanong ni Kenna.

"Wow nagulat ka pa sa lamig dito e sarap na sarap ka pa nga sa Iceland e!" sabi naman ni kath. Ngumiti naman kaming lahat. Mga kalog talaga!

"Malapit na kasi ang winter kaya malamig, bye the way. No problem ipapasyal ko kayo," nakangiting sabi ko at pinaupo ko sila sa couch na nandito sa Shop.

"Si bryan nga pala Ry," sumeryoso naman ang tingin ko kay Angel. Nakita ko namang siniko siya ni Tg.

"a-ahm, nag lunch na ba kayo?" pangiiba ko ng usapan. Halos naka tingin kasi silang lahat sakin at sa ngayon ayaw ko munang buksan ang paksang yon. Hindi pa ako handa.

Tumikhim naman si Harold ng napansin niyang umiba ang expression ng lahat.

"Wala pa Ry, ano treat mo?" sabi ni harold.

"Sure ako pa!" nakangiting sagot ko at ngumiti silang lahat.

Restau..

Nasa kalagitnaan kami ng paguusap ng nagtanong ako.

"Bakit nyo nga pala alam na nandito ako?" tanong ko at uminom ng tubig.

Nagtinginan naman silang lahat at nababasa ko sa mga mata nila na nagtutulakan sila kong sino ang pagsasabi.

"Okey lang alam kong si mama.." nakangiting sabi ko at sumubo ulit. Ngumiti naman silang lahat sakin ng pilit.

"So...." pambabasag ko ng katahimikan.

"May dapat ba akong malaman O may dapat ba kayong sabihin sakin.?" tanong ko. Hindi na kasi ako mapakali e! Iba talaga ang titig nila sakin. Parang may pinapahiwatig.

"a-a-ah k-kasi..." utal-utal na sabi ni Angel. Tinignan ko naman siya na nagtatanong.

"k-kasi..." ulit naman niya. Ano ba yan.

"Ituloy mo na kaya para kang siraulo pautal-utal!" sabi ko sa kanya. Kinakabahan tuloy ako.

"H-hindi s-s-si t-tita ang n-nagsabi s-samin." kabading sabi niya. Halata nga e! Kinakabahan silang lahat.

"Sino nga?" tanong ko.

"s-si---"

"Si Bryan Okey!" biglang sabi ni Tg.

Nanlaki naman ang mata ko. S-sino?

Bakit siya?

Bakit niya alam?

Bakit?

"A-a-ano?" kabadong tanong ko. Ngayon ako na naman ang kinakabahan.

"b-bakit n-niya a-alam?" kabadong tanong ko parin at palipat lipat lang ang tingin ko sa kanila.

"Matagal na niyang alam kong nasan ka, sinabi niya sa amin susugod na nga dapat siya dito pero pinakiusapan namin siyang wag muna..." paliwanag naman ni Angel. Napansin ko namang tumulo ang mga luha ko. Bakit ba ayaw niya akong pakawalan?

Pinakawalan ko na siya.

"For that two years na wala ka, ikaw lang palagi ang bukang bibig niya, naawa na nga kami sa kanya, dahil simula ng mawala ka, ang cold niya na sa mga tao, hindi na siya nag mo-modeling, nag fo-focus lang siya sa Ospital..." dagdag ni Kath.

"P-pano n-niya nalaman?" I ask.

"Mayaman siya besh, maraming connection, dahil matalino siya, pinatatong niya sa mga tauhan niya sa airport kong saan ang flight mo, but one month ang lumipas bago niya nalaman.. Masaya nga kami ng malaman naming Okey ka lang," paliwanag din ni Kenna.

"Why the hell! His not letting me go!!" galit na bulung ko pero alam ko narinig nila.

"He loves you, na sa punto e gagawin niya ang lahat makita ka lang.." sabi ni Angel.

"Talaga? Gagawin ang lahat. Oo gagawin niya talaga! Sa laki ba naman ng kasalanan niya!!" tatawa tawa kong sabi. Pero puno ng galit.

"Ry, you Should let him explain.." sabi ni Kath.

"haha explain? Nong nakita ko sila yon na yon wala ng iba!" sabi ko.

"bakit ayaw mo pa siyang patawarin Ry,?" sabi naman ni tg.

"One's a cheater always a cheater!" madiin na sabi ko at tumayo na.

"Saan ka Ry?" tanong ni Harold.

"Aalis, magpapalipas lang, magkita na lang tayo sa bahay, sure naman akong alam nyo na yon.." at naglakad na ako palabas mg restau.

I can't believe this!

I don't want him anymore!

Sumakay na ako ng kotse ko at nagmaneho at hindi ko alam kong saan ako pupunta magpapalipas lang ng sama ng loob.

Ilang minuto ang nakakalipas, huminto ako sa pagmamaniho at tanaw na tanaw ko ang dagat sa hinintuan ko.

"BAKIT KA PA BUMALIK!!" sigaw ko sa dagat. Wala namang makakrinig dahil sasakyan pang ang dumadaan at dagat lang ang makikita dito kunting puno at wala ng iba.

"OKEY NA SANA EH! PERO ITO K---! AAHHH" napasigaw ako ng may biglang bumuhat sakin na para bang isa akong sako ng bigas.

"WHO THE FUCK ARE YOU!?" tanong ko. Napagtanto kong lalaki pala siya. At maskulado. Pinalo-palo ko naman ang likod niya.

"Bitawan mo ako! TULONGG!" sigaw ko. Useless naman ang pagsigaw ko wala palang katao-tao sa lugar nato.

"Shut up Len!!"Natigilan na lang ako bigla.

L-len?

My Strict Doctor √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon