Chapter Nine (Jealous)

61.9K 1K 23
                                    

Ryana's POV

Pagkagising ko agad na umupo ako sa kama habang nakapikit parin. Feeling ko iba ang scent ng kwarto ko ha.

Teka nga? Parang familliar ang amoy parang si?

Agad na dinilat ko ang mata ko at hindi nga ako nagkakamali nasa kwarto nga ako ni Sungit. Inikot ko ang paningin ko sa paligid ng kwarto at nakita ko si Sungit na natutulog sa lapag.

Ang baliw! Bat dyan siya natulog?


Bumaba ako ng kama at kinumutan siya. Ang gwapo lang ha, ang bait pa niya tignan. Sana tulog nalang to lagi! De joke.

Kinuha ko naman ang phone niya na nasa gilid niya at tinignan ang oras. Huh?

4:48? Ang aga pa!

Babalik nalang ako sa kwarto ko, hindi ko pa naman natanggal ang phone na na charge ko baka magkasunog dito kasalanan ko pa. Dahan dahan naman akong naglakad dahil baka magising siya.

Nang makalabas na ako agad na binuksan ko na ang lock ng kwarto ko at pumasok na.

Kaya siguro hindi niya ako nalagay sa kwarto ko dahil hindi na siya nag abalang kunin ang susi sa bulsa ko. Baka nga?


Nang makapasok na ako sa room ko agad na kumuha ako ng jacket at I un pluge my phone. Hindi ko feel maligo ngayon tsaka maaga pa naman e! lalabas na rin ako para makapag isip-isip.

Nang makalabas na ako, sobrang madilim pa kaya naglakad ako papunta sa may malalaking bato malapit sa dagat at maririnig mo ang hampas ng alon sa malalayong malalaking bato. Ang lamig grabe!

Hindi naman masyadong madilim dahil meron naman ng ilaw sa labas ng restaurant at iba pang ilaw sa gilid. Meron namang mga tao na pero kunti pa lang lalo na yung mga taga luto sa restaurant maaga talaga sila.

Tinignan ko naman ang dagat, madilim pa ito at wala kang matatanaw sa malayo.

Malakas na bunting hininga naman ang pinakawalan ko.


" hay, alam mo ang malas mo Ryanalene Finch. Diko na alam parang ewan nalilito ako. Meron namang side sakin na gusto mag undergo ng Opera pero 50-50 diba and hindi ko alam kong magiging success yon! At may takot naman akong ewan ang mga mahal ko sa buhay, lalo na sa kunting panahon na nakilala ko si Doc. Mabait naman pala siya and Yes! Unti-unti napapabago niya desisyon ko pero hindi parin sapat lalo na dahil si papa walang pakialam sa amin dahil puro na lang trabaho. Nakakainis!!" kausap ko sa sarili ko.


"AARRGG! NAKAKAINIS!" sigaw ko naman sa dagat!


"BAKIT ANG MALAS-MALAS KO HA!! BAKIT AKO PA?!! BAKIT!?" Sigaw ko ulit. Unti-unti namang tumulo ang mga luha ko. I forcefully wipe my eye's tear.


"Ma'am?" agad naman akong napalingon sa likod ko.


Isang matangkad na lalaki na maskulado katulad ni Sungit at hindi ko masyadong naaaninag ang mukha niya.


"B-bakit?" tumayo naman ako at bumaba sa malaking bato na inakyatan ko at lumapit sa kanya. Napansin ko naman na naka chief uniform siya.



"Ahm, sorry to interrup you but I think theres still people that are sleeping this time and just that and if you have any problem do you want to talk about it.?" nakangiti niyang sabi at ang cute niya grabe may dimple kasi siya dalawa sa pisngi.


"Ah, yeah pwede naman but I think your a busy person right? chief ka dito diba?" tanong ko naman sa kanya.

Tinignan niya naman ang suot niyang uniform saka bumalik ang tingin sakin. "As you can see yes," sabi niya. Kahit ngayon ko lang siya nakilala feeling ko mabait siya.


My Strict Doctor √Where stories live. Discover now