Chapter Thirty-Five(Shout at me)

39.7K 794 26
                                    

One week had pass, after my birthday and the double,triple or fourth times celebration. Haha! e! Masaya naman ang sumunod na mga araw.

Nasa elevator ako ngayon at papunta sa room ni Audry. Dadalawin ko siya dahil miss na miss ko na ang bulilit na yon!

Ting

Lumabas na ako and dumeretso sa kwarto ni Audry. Kumatok naman ako ng ilang beses, but wala sumagot.

"Excuse me ma'am may kailangan kayo?," napatingin naman ako sa babaing nurse.

"Ah, magtatanong lang sana ako kong may tao ba dito?" tanong ko ng harapin ko siya.

"Ay, ma'am wala na po dyan nilipat na po sa ICU po.." nanlaki naman ang mata ko.

"S-salamat," at tumango.na siya sabay alis.

Shit! Naglakad naman ako papunta sa Opisina ni Bryan. Kailangan ko siyang makausap. Wala ng katok-katok pumasok ako agad sa opisina niya.

Nakita ko naman siyang nagulat at may bisita din pala siya. Babae.

"Honey..." sabi niya at tumayo papalapit sakin. Hinalikan niya naman ako sa lips saglit.

"May itatanong lang sana ako bry, but next time na lang mukhang busy ka kasi" sabi ko. Hindi ko pa nakikita kong sino ang babae, hindi kasi siya tumingin sa dereksyon ko.

"No it's okey, what is it?" tanong niya binalik ko naman ang tingin ko sa kanya.

"About audry, asan siya?" tanong ko.

"His in ICU," walang buhay na sabi niya. Alam kong kinakabahan na siya sa mga nangyayari.

Bigla namang tumingin ang babae sa akin at namilog na lang ang mga mata ko sa galit.

"Ang kapal ng mukha mong pumunta dito!!" naglakad naman ako palapit sa kanya. Naka smirk pa ang demonyo!!

"Hello there," malandi na sabi niya.

"Buwisit ka! Bitawan mo ako bry! Babalatan ko lang ang animal nato!!" pilit niya kasi akong pinipigilan.

"tsk! I'm not here for a trouble.." tumayo siya at naglakad palapit sakin at huminto sa harap ko.

"Trouble? Nandito ka pa nga lang trouble na ang nagyayari e!.." galit king sabi at nakahawak parin si bryan sa dalawang kamay ko at nasa likod ko siya. Tumingin siya kay Bryan at nag smirk.

"Sige, I have to go.. Bye Ryana..." at naglakad na siya palabas.

Naku naku talaga!! Nakakaasar!

Binitawan na ako ni Bryan at humarap ako sa kanya.

"anong ginagawa ng babaing yon dito!?" nakataas ang kilay na tanong ko.

Naglakad naman siya pabalik sa table niya at sinuot ang glasses niya.

"Bumibisita lang, kahit na ganon siya, she's still be my friend.." hindi nakatinging sabi niya sakin.

"Bisita!? Wow grabe! Big word! Hindi mo ba napapansin! SHE'S FLIRTING WITH YO--"

"WILL YOU PLEASE SHUT THE FUCK UP!" nagulat naman ako sa pagsigaw niya. Sinigawan niya ako?

Bigla namang may namuong luha sa mga mata ko pero hindi ko hinayaang tumulo yon sa mga mata ko. I saw him soften his facial expression. Nag sink in na siguro sa kanya na nasigawan niya ako. Tumayo siya at lumapit sa akin. Nanatili naman ang paningin ko kong saan siya nakaupo kanina at hindi parin gumagalaw.

"I-I'm s-sorr-y.." at hinawakan niya ang dalawang balikat ko. Dahan-dahan naman na tumingin ako sa kanya. Hindi na ako nagtangkang magsalita dahil baka masigawan na naman niya ako.

My Strict Doctor √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon