Chapter Fifteen(Old Friend)

47.2K 912 5
                                    

Agad naman na niyakap ko siya.

"It's been a long time since we last met..." tuwang-tuwa niyang sabi.

"Oo nga. Na miss kita! Sobra! Bes may gagawin ka?" tanong ko naman sa kanya.

"Wala naman bakit?" sabi niya habang nakapaskil ang ngiti sa mga labi niya.

"Mall tayo.." suggest ko.

"Sige ba.." payag naman niya.

"Wait? Were are you going?" bingi naman tong doktor na to!

"Sa mall po Doc. Bakit?" sabi ko.

"Tsk! Okey magkita nalang tayo next time bye.." at naglakad na siya papalayo. Problema non!?

"Girl, ang gwafo ah! Jowa mo?" tanong naman ni Rica.

"Hindi no, para ka namang tanga! Nga pala alam na ba nila Angel na nandito ka na sa pilipinas?" excited na tanong ko.

"Oo naman, galing akong Ospital and I just check the place, kasi it's the most super duper popular Hospital in the world and that hunk kanina na kasama mo ay ang pinakasikat na model slash Doctor." sabi niya pa na may paghanga! Tsk! Ang pangit kaya ng ugali non!

"Ewan ko lang! Asan ba sasakyan mo?" sabi ko at nagtanong.

"Nasa harap mo lang...." sabi niya. Tinignan ko naman. Siya na! Isang gray Vios car. Nice!

"Sabi ko nga tara na," papasok na sana ako pero pinigilan ko siya.

"Teka nga?"

"bakit?"

"Yong totoo bes Doktor ka ba talaga O Ano?" kasi naman ito kasi siya pag manamit sobrang bongga pero ang simple lang ngayon.

"Taga bundok ako bes!!" sabi niya. Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na sa kotse.

Mall

"Bes, anong uunahin natin?" tanong ko naman ng makapasok na kami.

" ahm, dress muna tayo tara!" tumango lang ako at pumasok na kami sa isang botique.

Kalahating oras na ang lumipas at natapos na rin kami, pagkatapos magbayad sa cashier ay naka apat na paper bag siya ng mga damit samantalang ako ay dalawa lang.

"San ang susunod..?" tanong naman niya.

"Anong susunod? Ang dami na kaya n'yan!" sabi ko naman.

"Oo nga no, hhmmmm" sabi niya at nag isip-isip.

"Bili na lang tayo ng books!" suggest niya.

"Sige, matagal-tagal na rin akong hindi nakakabasa ng stories e! Halos lahat yata ng books sa bahay nabasa ko na." sabi ko naman at naglakad na kami ng makita namin ang bilihan ng books ay pumasok na kami, iniwan naman namin ang binili namin malapit kay manong guard.

Ako naman dumiretso sa mga Romance bookself. Dyan ako mahilig e!

Rica's POV

Pagpasok namin I quickly went to the 'Mystery and Action bookself' yes! Makakabasa na ako ulit! Kinuha ko na ang napili kong story at pagtalikod ko agad naman na may bakabangga ako!

"Fuck!" rinig kong sabi niya. Ang bastos nito ah!

"Fuck-fuck ka diyan! Fuck you sayo! Hindi kita ina ano dyan! Kong maka mura ka!" galit na sabi ko sa kanya.

"What's your problem?" tanong naman niya na nakakunot ang nuo. Inirapan ko lang siya, agad naman na nagbago ang expresyon ng mukha niya at bigla akong tinignan from head to toe. Nakita ko naman siyang nag smirk!

My Strict Doctor √Where stories live. Discover now