Chapter Ten (Bullshit!)

54.3K 933 18
                                    

Last day na namin sa Resort and this time maliligo ako ng dagat isang beses lang kasi ako naka ligo kaya last na. Ang mga kasama ko naman tulog pa at dahil mahilig akong gumising ng maaga pero this time ala singko na.

Sinuot ko naman ang bikini ko para saan pa ang ni-ready ko kong hindi ko naman susuotin diba?.

Maganda to dahil malamig pa, kasi pag malamig mainit ang ilalim ng dagat. Nang nasa medyo malalim na ako lumangoy na ako at ninamnam ang init ng dagat.

Buti na lang at maliwanag na dahil makikita ko na ang ilalim ng dagat makikita ko ang corals sa ilalim. Sumisid naman ako at pag nararamdaman kong nawawalan ako ng hangin ay inaahon ko ang ulo ko. Tinanaw ko naman ang resort medyo malayo-layo na din ako. Or sabihin na nating malayo na talaga.

Kaya nag pasya ako na bumalik na. Pag-ahon ko naman may tatlong lalaking amerikano akong nakita na nakatanaw sa dagat.

Dahil sa sobrang lagkit ng titig nila sakin. Agad na nagmadali akong maglakad at para ewasan narin sila pero hindi, dahil ang isang lalaki ay hinawakan ako sa pulso.

"Where are you going Miss?" tanong niya pa with a devilish smile. Parang impakto tong animal na to ah!

Nakita ko namang pinalibutan nila ako. "What the! Can you just please leave me alone!!" sigaw ko sa kanila. At pinilit na alisin ang kamay ng impaktong kanong ito na hinahawakan ang wrist ko.

"Want to out with us, You know, you're sexy.." sabi nong isa at hinaplos ang balikat ko. At dahil libre ang isang kamay ko sinapak ko siya but sad to say nahawakan niya ito.

"Not so fast, babe." silang tatlo naman ay may mala demonyong ngiti!

"MGA GAGO PALA KAYO e!!!" sigaw ko sa kanila ng kaladkarin ako nong animal na nakahawak sa akin. Pinagsisipa ko naman sila pero wala talagang use!

AAAARRRGGG!!!!

"What the FUCK!! You Bullshit!!" may narinig naman akong nagsalita sa likod at nakita ko naman ang dalawang amerikano na nakahandusay na.

Mga walang hiya ang duduwag pala!!

"YOU!!" agad naman na napatingin ako sa lalaking nasa harap ko ngayon, iba siya!! Bakit? Parang iba siya ngayon!

"Me? Haha oh common!" bigla naman akong ewinaksi nong impakto at biglang sinugod si Sungit!

Ang huling nalaman ko nalang ay nakahandusay na rin ang amerikano at nakita kong inupuan pa ni Sungit ang tiyan ng amerikano at pinagsusuntok ito.

"Bry! Tama na yan!" pigil ko sa kanya. Pero hindi pa rin siya nakikinig, panay parin ang suntok niya.

"Bry!" wala parin.

"BRYAN JONES!!! ANO BA!! SABI NG TAMA NA DIBA! TUMIGIL KA NA!! NAPAPATAY MO SIYA SA GINAGAWA MO!! Sigaw ko sa kanya at hinatak hatak siya.

Bigla namang nanikip ang dibdib ko at napaatras ako dahil nahihirapan akong huminga at si Bryan hindi parin huminto. Bigla naman ako napaupo at hinawakan ng mahigpit ang dibdib ko.

"b-b-bry..." mahina kong tawag sa kanya. Nakapikit naman ako at sobrang nahihirapan na sa paghinga!

"Fuck!" narinig kong mura niya at naramdaman ko nalang na binuhat niya ako. Nanatili naman akong nakapikit at diniin pa ang pagpisil ng dibdib ko. Minsan naiisip kong doktor ba talaga siya? Makamura eh!

"Shit! Hang on,!" naramdaman ko namang hiniga niya ako sa isang kama.

*Panting*

"Breath! Just relax.." sabi niya nang mahinahun para hindi na rin ako kabahan din.

Binigay naman nita sakin ang inhaler at ginamit ko ito. Unti-unti naman ay naging okey na ang pakiramdam ko.

"Ry! Ry!" rinig kong tawag nila sakin. Unti-unti namang humihinga ako ng normal.

"Gosh! Buti na lang nandito ka bry!" sabi naman ni angel at lumapit sa kama na kinahihigaan ko.

"Okey ka na ba?" tanong naman ni Kenna na nasa kabilang banda ng kama. Tumango naman ako, binabawi ko pa kasi ang hangin ko.

"Jusko naman te, bakit ba kasi ang hilig mong gumising ng maaga, ayan tuloy.." napatingin naman ako kay Sungit na ngayon ay naka cross arm at nakasandal sa pader na nagsasalubong ang kilay at nakatingin sa kawalan.

"Ahm, asan si Jm at Harold also Tg.?" tanong ko sa kanila at umayos ng upu. Ngayon ko lang naalala na naka bikini lang pala ako kaya malamig.

"Ayon ni-reklamo yong tatlong amerikano,.buti na lang at dumating tong si Bry, at hindi nila nagawa ang kong ano man ang plano nila." sabi naman ni kath.

Naalala kong nakabikini lang pala ako kaya umupo ako ng maayos. "Sige sa kwarto muna ako," at tumayo na ako at dinaanan lang si Sungit. Walang buhay naman na pumasok ako sa kwarto ko.

Tss! Naman e! Nakikita ko na naman ang awa sa mga mata nila! Hindi ko naman namalayan na tumutulo na ang mga luha ko.

Dumiretso naman ako sa banyo at naligo na.

Bakit ganon? Bakit ako na yata ang pinakamalas sa lahat. Kasi kong sana nakita nato ng doktor noon ang sakit ko mas maaga mas naagapan na sana pero hindi. Dahil hanggang sa lumaki na ako tsaka lang napansin ang sakit ko, simula ng high school ako. Buti na nga lang noon pinapayagan pa ako ni mama na mag aral sa labas.

Pero sa lahat ng ayaw ko ay yong feeling na may awa akong nakikita sa mga mata nila. That kind of pitiness makes my heart aches harder.

My father. He's one of the reason why I do not want to undergo surgery. He commetted a lot of mistake towards to my mom and hindi ko alam kong mapapatawad ko pa ba siya. Dahil sa kanya nagkaganito ako, kong hindi lang sana siya nambabae at kong hindi lang sana nalaman ni mama na may babae siya hindi sana ma de-depress si mama at dahil smoke ang nakakapag pagaan ng loob ni mama noon, gamit naman siya ng gamit AT DAHIL YON SA WALANG HIYA KONG AMA!! Oo alam kong masama.

But I'm a kind of person that is good enough to forgive him BUT! I'm not that Stupid to trust him again or never. Ilang beses na niyang sinaktan ang mama ko poro na lang negosyo! Mayaman nga siya Oo. Pero kaya bang palitan ang yaman ng kasiyahan ng pamilya!

Family is only our happiness. And never kong naramdaman ang pagmamahal na isang ama, dahil simula't sapul! Kahit sino sa amin ni kuya O ni mama hindi niya nabigyan ng tamang atensyon.

SANA MAGING MASAYA SIYA KASAMA ANG YAMAN NIYA!!

~°~

Nasa kama lang ako at nakatunganga! Parang nawalan ako ng ganang gumalaw galaw. Sana tumigil na ang mundong to! Sana dumating ang mga Alien at kunin na ako. Nakakapagod na ang mabuhay, hindi naiiwasan na may maiiwan kang mahal sa buhay pero kailangan. Kasi para saan pa ang buhay ko!?

Mamatay kong mamatay!

*knock*knock*

"Ry, tara na bonding tayo for our last day here," rinig ko namang tinig ni kathy.

"No. I'm okey here, " sagot ko lang sa kanya.

"Are you sure?" tanong niya ulit.

"I'm super sure.!" I sounded happy, I know they're worrying. Tsk! I'm happy outside but inside it's really killing me when I saw them with there merciful look.

"Okey," sabi niya lang. Nagpakawala naman ako ng buntong hininga. Uuwi na naman ako bukas time to face the reality again! Sabihin na lang nating, Oras na para harapin Ang kamatayan!.

"Len! Open the door!!" narinig ko namang kinakalabag ang pinto ng kwarto ko!

My Strict Doctor √Where stories live. Discover now