Chapter Sixteen(Nabitin)

52.8K 1K 6
                                    

Umaga na ngayon at naghahanda na ako para pumuntang Ospital. Diba nag sabi ko kahapon kay Audry na pupunta ako e! Wala naman akong gagawin kaya pupunta na lang ako.

Bumaba na ako at lalabas na sana ng bigla akong tawagin ni mama.

"Oy oy! Saan ka pupunta?" pigil naman niya sakin.

"Lalabas ma." sagot ko lang sabay turo ng pinto.

"Ibig sabihin saang lupalop ng daigdig ka pupunta?" tanong niya ulit at inirapan pa ako.

"Sa Ospital lang naman ma, kayo talaga!" sabi ko.

"Talaga? Napapadalas ka ah, improving na ba ang relationship nyo!" taas babang kilay niyang sabi.

"Ewan ko sayo ma, alis na ako ha, mamayang hapon na ako Uuwi, ba-bye ma...." at lumabas na ako ng tuluyan.

Pagkalabas ko ay nagpara na ako ng taxi at sinabi ko na kong saan ang destinasyon ko.

Hindi alam ni Sungit na pupunta ako ngayon. Nang makarating na ako sa Ospital agad na binarayan ko na si Manong at pumasok na. Ng nasa lobby na ako bigla namang nag beep ang phone ko.

From: Strict Doctor:)

Don't you try to go somewhere, I will watch over you. Wag mong pagurin sarili mo,.tener cuidaddo..

Hindi ko alam kong sincere ba siya O pinagbabantaan niya ako. Tapos meron pang word na hindi ko maintindihan, Ewan ko sa kanya.

Ni replayan ko naman siya.

To: Strict Doctor:)

Whatever! We're not close! We're not even friends...!

At sinend ko na bigla ulit na tumunog ang phone ko.

"Ang bilis ahh," bulong ko. Sa hagdanan naman ako dumaan dahil feel ko lang.

From: Strict Doctor:)

Try me silly!

Hala! Nagalit yata! Hindi ko na lang siya nereplayan dahil baka magalit nga. Pagdating ko sa 5 Floor ay hingal na hingal naman ako. Ano ba yan! Nakalimutan kong malayo pala! Kainis.

Pumunta na lang ako sa kwarto ni Audry at kumatok muna. Pinagbuksan naman ako ng isang babae na bago lang sa paningin ko.

"Sino po sila ma'am?" tanong niya.

"ahm, Ry. Bibisitahin ko lang si Audry..." sabi ko naman.

"Okey po. Pasok po kayo.." at pinapasok niya naman ako. Nakita ko naman si Audry na naglalaro ng chain na bigay ko sa kanya.

"Audry......" tawag ko sa kanya.

"Ate Ry!!" masayang tawag niya sakin.

"Grabe siya na miss mo talaga ako no?" sabi ko at niyakap ko siya.

"Oo naman po. Dahil girlfriend kayo ni Doc. Jones e! You will be my friend too, my closest friend to be exact. I treat him like my father, and I will treat you as my second mom..." sabi naman niya. Grabe ang batang to kong magisip ang lawak ng imagination.

"Sige na nga, Asan nga pala mama mo?" tanong ko naman sa kanya at umupo malapit sa bed niya.

"In her work po," sagot niya lang.
"Did you eat already?" tanong ko ulit. "I did." at tumango naman ako.

Many hours had pass and I just enjoy the day with this little kid in front of me. He says a lot of things in his life like, kahit nasa Ospital siya naiinjoy niya parin. All of his life nandito lang siya sa Ospital, hindi niya naranasang maglaro with his cousin's or some other kids pwera na lang pag may bumibisita sa kanya. At higit sa lahat na sinabi niya is, si Bryan daw ang pinaka closebuddy niya, Bryan always make him happy.

My Strict Doctor √Where stories live. Discover now