Chapter Twenty-Seven(Modeling)

43.5K 746 5
                                    

Nasa veneu na kami ng photoshot kono ni Sungit at kasalukuyan akong nire-retouch. Ahem! Ako daw kasi ang partner niya.

"hindi tayo mahihirapan nito beks!" rinig ko pang chikahan ng dalawang bakla na nag re-retouch sakin.

"Tama, hindi mo pa nga na make-apan! Maganda natural na." puri niya pa. Napangiti naman ako. Nakakahiya na as in!

"Ahm, ma'am kong hindi nyo po mamasamain pwedeng magtanong.?" sabi pa nong nag ayos ng buhok ko.

"Opo sige po," ngiting sabi ko at tinignan siya sa salamin.

"Boyfriend nyo ba si Bryan Jones?" nakita ko naman silang nagtinginan at parang kinikilig.

"ahm, hindi po." sabi ko. Nakita ko namang lumungkot ang mukha nilang dalawa.

"Sayang naman, pero nanliligaw po?" tanong niya ulit.

"Parang?" alanganin kong sabi.

"Ano ka ba naman beks! Na ha-hot sit si Ms. Finch oh!" Sabi pa nong isa.

"Ay sorry po.."

Nagtawanan na lang kami, bigla naman bumukas ang pinto at niluwa nito ang isang beki din.

"Mga beks! Dalian nyo na dyan! Magbibihis pa yan.." sabi niya pa at sinara na ang pinto.

"Okey, done. Magbihis ka na, beks yong two piece niya.." tumayo na ako at binigay na sakin ang two piece daw.

Pumunta na akong banyo at nagbihis na. Shit! Ang hot ko! Lumabas na ako ng banyo at nakita silang dalawang naghihintay sakin.

"Perfect!" sabay na sabi nila na may halong palakpak.

"Ahm, my bathrobe kayo?" nilalamig kasi ako.

"Bathrobe? Wag mo ng itago yan bakla, e show mo na yan!" sabi pa nong isa. Ewan kong anong pangalan nila.

"eh kasi, nilalamig po kasi ako." mahina kong sabi.

"Nilalamig nga kasi bakla! Ikaw talaga! Wait ka lang dyan ha,"  binatukan niya naman ang kaibigan niya at kumuha na ng bathrobe. Pagkabigay niya sakin sinuot ko na at lumabas na kami. Nakalugay lang ang buhok ko at kinulot nila ng kunti.

"Presenting.....!" pasigaw na sabi ng baklang nasa kaliwa ko. Ang alam ko lang sa kanilang dalawa e! Brown ang kulay ng buhok nila at green. Napayuki naman ako sa atensyong nakikita ko. Jusko! Nakakakaba!

"Taas noo ka dapat no, walang hiya-hiya dito." sabi pa nong green ang buhok.

"Ano nga po ang pangalan nyo?" tinanong ko na, nangangati na kasi ang dila ko e!

"Ay. Oo nga pala! Ako si Liza." nakangiti niyang sabi.

"Liza? Di nga?" kuntra pa nong brown ang buhok.

"Liza delas alas! Tanga hindi pa ako tapos!" napahagalpak naman ako ng tawa ng batukan niya si Brown hair.

"Pero totoo nga, ako si Megs," sabi nong green hair. Ahh okey, ngumiti naman ako.

"Tsaka ako si Pia," sabi niya.

"Pia sure ka?" kuntra din ng isa.

"Pia. Yes! PIA ALONZO WURTZBACH PHILIPPINES!!' ginaya niya pa ang pagkasabi ni Pia sa pageant!

"Boba! Hindi ikaw yon!" binatukan niya naman si brown hair.

"Ay hindi ba!" pagmamaang maangan niya pa.

"Pero ito na nga, I'm Jessa, noon Joshua ngayon DYOSA!!" pabakla niya pang sabi. Dahil don hagalpak naman ang tawanan naming tatlo. Grabe sumasakit na ang tiyan ko.

My Strict Doctor √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon