Chapter Six(What was that for?)

64.7K 1.1K 24
                                    

"Wala naman!" at pumasok na siya sa kwarto niya. Problema non!

                       ~°°~

Gabi na at nasa kwarto na ako para magpahinga. Humiga na ako sa kama ko ng biglang tumunog ang phone ko agad ko namang kinuha ito sa side table. Napagod ako sa mga ginawa namin kanina.


Nakita ko namang si kuya ang tumatawag.


"kuya napatawag ka?" masayang tanong ko kay kuya.


"Wala lang naman, hindi ka nagpaalam sa akin ah, nandito pa naman ate Cass mo bukas! Ano uuwi ka na?" tanong naman niya.

"Kuya naman nag e-enjoy pa ako dito tsaka nagpaalam na ako kay mama, tsaka kasama ko din ang doktor ko. Kaya wag kang mag alala." paliwanag ko naman sa kanya.

"Mabuti naman,"

"Basta kuya wag mo munang pauwiin si ate ha, sa linggo na naman ako uuwi e! Sinusulit ko lang ang stay ko dito ha! Oh! Sige na magpapahinga na ako."

"Oh sige, bye goodnight princess" nagpaalam na din ako at binaba na ang tawag.


Makapag youtube nga, wait? Yung mga pictures nga pala!
Mangiisturbo muna ako sa kabilang kwarto.


Bumangon ako at naglakad palabas ng kwarto ko. Nang makalabas na ako sinarado ko na ang pinto ko at pumunta sa tapat na kwarto.

*knock**knock*


Agad naman na bumukas ang pinto pagkatapos kong kumatok.

"hi!" bati ko sa kanya. Ow! Topless? God nasisilaw ako! towel in his neck? Ang hot tignan! Tapos naka jogging pants lang siya. Mamaya na nga yang pantasya!

"hi. What do you want?" tanong naman niya.

"A-ano m-magpapapasa lang sana ako nong pictures Sungit please" sabi ko sa kanya at diretso lang tingin sa mata.

"Yeah sure. Come in" pumasok naman na ako agad sa kwarto niya.

Ang bango ah, lalaking lalaki ang amoy. At dahil kwarto lang to dumiritso ako sa kama niya at umupo. Wala naman akong hiya no?


"Sungit Asan phone mo?" tanong ko ng nakaupo na. Siya kasi pumasok sa banyo.

Nilabas naman niya ang ulo niya sa pinto at nakita ko na may toothbrush sa bibig niya.

"Sa ilalim ng unan," sabi niya habang nakatoothbrush at inalis na ang ulo niya na nakadungaw sa pinto. Kinuha ko naman ang phone niya na nasa ilalim ng unan.

Binuksan ko na ang phone niya at laking gulat ko nalang na ang wallpaper niya ay yung picture naming dalawa na naka smile. Gondo ha.

Pinasa ko na sa phone ko. Narinig ko namang bumukas ang pinto ng CR.

Tinignan ko siya saglit at agad naman na binalik ang tingin ko sa cellphone niya. Naramdaman ko namang tumabi siya sakin nasa edge lang kasi ako ng kama nakaupo.

"Nice wallpaper huh." sabi ko habang nakatingin parin sa cellphone. Nagtaka naman ako bat hindi siya sumagot. At dahil matangkad siya kahit nakaupo Tumingala naman ako.

*Tsup*

Shit!


"S-s-sorry!" sambit ko. Napatayo naman ako agad at agad-agad na naglakad palabas sana pero ng nasa pinto na ako at pipihitin na sana ang doornob ng may humawak sa kamay ko. Ang tinignan ko naman siya.

My Strict Doctor √Where stories live. Discover now