Chapter Twenty-Six(Dating)

49.1K 782 16
                                    

One week had pass at nakabalik na kami sa bahay namin. Nitong mga nakaraang araw naman panay ang pagpapasweet ni Bryan. Si Maxine naman ayon! Pagkainumagahan nong nangyaring kiss nila umuwi! Sabi niya pa hindi daw siya pinapansin ni Bryan, sorry na lang siya sakin ang atensyon ni bryan. Tapos sakto namang dumating ang mama ni Bryan non! Gulat nga siya kong bakit nandon si Maxine. At nalaman ko pa na hindi niya gusto si Maxine, dahil nakakadiri daw ang mga sinusuot nito. Tapos panay pa ang kapit niya kay Bryan, well may kakampi na ako.

Noon daw gusto niya naman ito, pero ng lumaki parang nagiba daw ang tingin niya, hindi na kasi siya yong Maxine na nakilala niya. Pero ito naman daw si bryan na anak niya panay parin ang kausap. Ang dahilan naman nito dahil matalik na kaibigan niya to.

Ewan ko ba! Napapakwento tuloy ako! Nga pala nasa bahay pang ako nanunuod ng movie. In titled 'Miracle in cell no.7'
Nasa part na ako na bibitayin na siya, panay naman ang iyak ko. Grabe na talaga! Yong klaseng iyak na, binuhos muna lahat, sobrang sakit talaga kasi ng Movie e!

Panay naman ang punas ko sa luha ko at naubos ko na ang buong box ng tissue, grabe naman kasi!

"Anak nan---" napatingin naman ako kay mama.

"Anong nangyari sayo!? Bakit ka umiiyak!" alalang tanong niya agad din na lumapit siya sakin.

"huhuhu mama naman e! Ang OA! Nanunuod lang ako ng movie!" umiiyak na sabi ko. Agad naman na binatukan niya ako. Napahawak naman ako sa batok ko. Medyo malakas din yong batok niya.

"Ma naman!!" saway ko sa kanya.

"Tse! Sasabihin ko lang sana nandyan yong boyfriend mo, magbihis ka! ang pangit ng mukha mo..." panglalait niya pa.

"Salamat sa suporta ma ha, thank you talaga!" sarkastiko kong sabi.

"Tsaka hindi ko siya boyfriend FYI!" sabi ko pa at napatayo na.

"Hindi pa lang..." agad naman akong napatingin sa taong nagsalita.

"Yiiee! Ayan tayo e!" sabi pa ni mama na may halong palakpak. Inirapan ko naman siya. Singhot naman ako ng singhot dahil tumutulo ang sipon ko dahil sa kakaiyak ko sa movie.

"Ma ang singitira mo!" sabi ko pa, inirapan naman ako ni mama at naglakad na siya paalis.

"Anong ginagawa mo dito.?" tanong ko ng lumapit na siya sakin. Hinawi niya naman ang buhok ko dahil natatakpan na ang mata ko.

"Wala bang welcome kiss dyan?" nakangiti niyang sabi. Hahalikan niya sana ako pero bigla akong umatras.

"Asus! Cha-chansing ka pa! Ano ngang ginagawa mo dito! Ikaw doktor ka ang libog mo!" at hinampas ko siya ng mahina sa nuo tumawa lang naman siya.

"Let's have a date." sabi niya.

"Date?" tanong ko ulit.

"Yup! Let's go.." hahatakin niya sana ako para umalis na pero pinuhikan ko siya.

"Bakit?" tanong niya naman. Agad naman.na nagsalubong ang kilay ko.

"Seryoso ka? Aalis tayo ng nakaganito ako." sabi ko sabay pakita sa kanya ng sinuot ko. Naka pajama lang at hoody.

"ow, nakalimutan ko. Get ready first.." at naglakad na ako papunta sa kwarto ko.

Ang ewan niya talaga! Teka lang? Ano kayang susuotin ko?
e! Kasi siya naka pants tapos white shirt then lether jacket, yong parang nag mo-motor tapos vans na sapatos white. Ewan! Nagsuot na lang ako ng high waiste na black then tapos t-shirt na hindi matatakpan ang high waiste na suot ko.

Bumaba na ako at hinanap siya.

"Tara na.." tumingin naman siya sakin ay nagsalubong ang kilay. Ayan na naman tayo! Palagi na lang!

My Strict Doctor √Where stories live. Discover now