"Wala daw eh bakit may pangiti-ngiti pa kayong dalawa dyan ha. Anu ba kasing nangyari kanina habang wala kayo? Nakapag-usap na ba kayo? Kayo na ba ulet? Share naman." Natawa ako bigla sa mga tanong ni Sandy.

"Alam mo ikaw kumaen ka na lang nga dun at kung anu-anung naiisip mo." Natatawang sabi ko.

"Hoy wag nyo ng tuksuhin yung dalawa mukang alam ko na kung bakit ayaw sumagot ni Reah." Biglang sabi ni Chloe.

"Bakit?" Sabay sabay na tanong nila.

"Eto oh!" Sabi ni Chloe sabay taas sa kaliwang kamay ko. "Engagement ring to no?" Tanong nya. Napatingin silang lahat sakin habang hinihintay yung sagot ko. Tumango na lang ako sa kanila. Kahit magkahiwalay kaming dalawa ni Kaye ngayon wala akong balak hubarin tong sing-sing na bigay nya.

"Ay engaged na pala. Wala na! Nag-uumpisa pa lang talo na agad yung bata natin." Kamot ulong sabi ni Vhanch.

"Hindi pa naman kasal eh may pag-asa pa." Nagulat ako sa sinabi ni Klara.

"Alam nyo kayo tama na nga yan ang dami dami namang pwedeng pag-usapan bakit yan pa topic natin." Natatawang sabi ko.

"Kung sa bagay. Saan ka nga pala ngayon nagwowork Reah?" Tanong ni Sandy.

"Ha?" Gulat na tanong ko. Hindi ko alam isasagot ko.

"Saan ka nagwowork? Anung pinagkakaabalahan mo?" Tanong ulet ni Sandy.

"Guys dun tayo sa sala umupo muna tayo." Aya ni Chloe. Sumunod kaming lahat kay Chloe bago ko sagutin si Sandy.

"Sa Hong Kong ako nagwork for four years pero this year lang naassigned din ako dito sa Manila dito na din kami nakatira ni Mama." Sagot ko.

"Wait! What? You mean bumalik si Tita?" Gulat na tanong ni Sandy. Nakatingin silang lahat sakin. Lahat sila nagulat sa sinabi ko alam kasi nila na iniwan kami ni Mama noon.

"Oo bumalik sya last year lang nung nasa Hong Kong pa kami ni Papa." Sagot ko.

"So naabutan pa nyang buhay si Tito?" Biglang tanong ni Vhanch.

"Hoy Vhanch! Hinay hinay naman sa pagtatanong nakakaloka ka." Sabi ni Klara na may kasamang sabunot. Natawa ako bigla sa kanila.

"Oo nagising pa si Papa nun. Nakumpleto pa kaming tatlo bago nawala si Papa." Sagot ko.

"Okay change topic. Nasaan si Husband to be mo? Bakit di mo sya kasama?" Biglang tanong ni Chloe. Napangiti na lang ako sa kanya dahil sa tanong nya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba sya o hindi.

"Tama na muna yan. Alam kong namiss nyo si Reah pero pakainin nyo na muna sya ha." Biglang singet ni Lola. Buti na lang dumating sya.

"Tara na kumaen na muna tayo." Aya ni Lola sa lahat.

Sumunod na kaming lahat sa kanya at pumunta sa table. Sobrang dami namin nakakatuwa. Parang ngayon lang yata dumami ng ganito mga bisita dito sa bahay ni Lola.

"Michael dito ka." Biglang sabi ni Vhanch. Hinila nya si Michael sa tabi ko. Nagkatinginan kaming dalawa ni Michael sabay tawa.

Umupo na kaming lahat at nag-umpisa ng kumaen. May kanya kanya na din silang pinag-uusapan at parang kaming dalawa lang ni Michael yung tahimik at napansin ng mga baliw kong kaibigan yun.

"Tahimik yung dalawa napansin nyo ba?" Biglang tanong ni Vhanch. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Oo nga eh para namang others ayaw mag-usap." Sagot ni Klara. Nagkatinginan kaming dalawa ni Michael.

"Eh panung mag-uusap eh nandito pa tayong lahat." Dugtong ni Kuya Jojo. Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa kanila.

"Gusto nila silang dalawa lang mag-uusap kaya dalian nyo na." Nagulat ako ng pati si Lola nakisali sa kanila. Napahawak na lang ako sa noo ko at napabugtong hininga.

TWO HEARTS (Book 3)Where stories live. Discover now