Kanina kitang kita ko yung concern nya sa mga tauhan nya. Nakita ko kung panu sya mas nasaktan nung nakita nya yung babae sa hospital kanina na iyak ng iyak. Alam kong naalala nya sarili nya sa babaeng yun. Matagal ng nangyari yun pero alam kong sariwa pa din lahat yun sa ala-ala ni Reah. Mahirap mga pinagdaanan nya noon para lang mabuhay yung Papa nya pero kahit anung pilit nya wala pa din syang nagawa dahil nawala din sa kanya si Tito.

Nung makita ko sya ulet after 3 years madaming nagbago kay Reah at mas lalo ko syang minahal dahil dun. Hindi sya basta-basta. Hindi sya katulad ng ibang babae na nakilala ko. Oo maganda sya pero hindi lang yun yung katangian nya na magugustuhan mo sa kanya. Madami pa at hindi ko kayang isa-isahin yun. Kaya maling mali talaga yung inisip ni Jane. Sobrang layo sa kanya ni Reah at hindi nya malalagpasan kung ganu kalaki at kalalim yung pagmamahal ko sa kanya.

Hindi na ko makakahanap pa ng katulad nya kaya iingatan ko sya. Hindi ako makakapayag na mawala lang sya na parang bula sakin. Itatama ko lahat ng mga pagkakamali ko. Hindi ako aalis sa tabi nya at hindi ko sya iiwan kahit na magalit sya sa oras na malaman nya lahat ng ginawa ko. Gagawin ko lahat mapatawad nya lang ako at maging masaya lang sya ulet dahil deserved nya yun. Dapat masaya lang si Reah. Hindi sya dapat nasasaktan at umiiyak katulad kanina. Hindi dapat.




























*****

REAH'S P.O.V.

"Hello Cherry. Nandyan na ba sila?" Tumawag muna ako kay Cherry bago ako magpahatid kay Kaye sa office.

"Kanina pa Reah. Nasa conference room sila nagmemeeting. Papunta ka na ba dito?" Tanong nya.

"On the way na. Sinu sinung kasama sa meeting?"

"Lahat ng board members. Kakarating lang ni Sir Rick kanina kasama si Mr. Lee Reah." Sagot nya. Lalo akong kinabahan sa mga narinig ko. Nakumpleto sila ngayon ng dahil sakin. "Nandito din si Nicky kanina pero umalis din sya agad." Dugtong nya. Pati pala si Nicky. Alam nya na din mga nangyari.

"Thank you Cherry. Kamusta na nga pala sa hospital may balita na ba kay Mang Ben?" Tanong ko habang naglalakad kami ni Kaye papunta sa kotse nya.

"Okay naman na daw sabi ng doctor pero under observation pa din kasi hanggang ngayon hindi pa din sya gumigising. Yung iba naman nakalabas na ng hospital kanina kasama si Jessy."

"Kamusta na nga pala si Jessy? Okay lang ba sya?" Tanong ko pagkapasok ko sa kotse. Nagstart na ding magdrive si Kaye.

"Oo okay na sya actually nandito sya ngayon at sinama sya sa meeting."

"Kasama sya sa meeting?" Gulat na tanong ko.

"Oo Reah kahit sya nagulat nung pinatawag sya. Hindi ko din alam kung bakit pero wag kang mag-alala magiging okay din ang lahat."

"Sana nga Cherry. Sana lang talaga. Sige na Cherry papunta na ako. Tawag ka lang pag may problema. Thank you."

"Okay. Ingat kayo." Pagkasabi nya nun binaba ko na agad yung cellphone ko.

"Hindi ko talaga alam gagawin ko. Halos lahat sila nasa office ngayon at pinag-uusapan yung nangyari kagabi." Naiiyak na sabi ko kay Kaye.

"Reah wag ka na munang mag-isip ng kung anu-anu ha." Sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

"Galing na din dun si Nicky. Anu kayang pinag-usapan nila bakit pati sya at si Jessy kasama sa meeting?" Tanong ko.

"Tumawag sakin si Nicky kanina kinakamusta ka nya. Nag-alala sila ni Kim sayo nung nabalitaan nila nangyari pero ang sabi ko okay ka lang naman kaya wag na silang mag-alala." Sagot nya.

TWO HEARTS (Book 3)Where stories live. Discover now