"Kaye?" Nagulat ako bigla ng tawagin ako ni Reah. Napaupo ako. Tapos na syang maligo ang tagal ko na pa lang nakatulala kakaisip kung sinu yung imemeet namin mamaya.

"Ang bilis mo yata?" Tanong ko.

"Para makaligo ka na agad baka malate ka pa ihahatid mo pa ako kaya sige na pasok na sa loob." Sabi nya habang tinutulungan nya akong tumayo. Pagkatayo ko hinawakan nya ko sa likod ko at tinutulak papasok ng CR.

"Bilisan mo ha." Nakangiting sabi nya.

"Oo na po." Sabi ko sabay pasok sa loob ng CR.














*****

REAH'S P.O.V.

"Mamaya susunduin kita itext mo lang ako ha." Pahabol na bilin ni Kaye pagkababa ko ng kotse nya. Hindi ko na sya sinagot hinalikan ko na lang sya ng mabilis lang sabay ngiti sa kanya.

"I love you Reah."

"I love you Kaye. Ingat ka ha. Dalian mo na baka malate ka."

"Opo eto na." Pagkasabi ni Kaye nun pumasok na sya sa loob ng kotse nya tumingin at ngumiti lang sya saglit sakin bago nya ii-start yung kotse nya.

Pagkaalis ni Kaye pumasok na agad ako sa office ko. Pagkaupo ko pa lang sa table ko nakita ko na agad yung tambak kong trabaho. Palagi na lang akong ganito.

"Haaay naku naman. Paanu ako makakapagrelax nito kung sa araw-araw naman na papasok ako ganito makikita ko." Kausap ko na naman sarili ko.

"Go----od Mornin' my beautiful sistah!" Nagulat ako ng biglang pumasok sa loob ng office ko si Jessy.

"Jessy! Hindi ka ba talaga marunong kumatok? At saka ang ingay-ingay mo naririnig ka sa labas."

"Ops sorry. Naexcite lang akong makita ka."

"Bakit anung kailangan mo?" Tanong ko habang sinisimulan ko na trabaho ko.

"Wow ha ang sunget ang aga-aga."

"Anu ba kasing kailangan mo? At ang aga-aga nanggugulo ka."

"Hoy teka nga Reah. Meron ka ba? Bakit ang sunget mo? Don't tell me nag-away kayo ni Kaye?" Hindi ko sya sinagot tinignan ko lang sya ng masama.

"Grabe sya oh. Oo na sige na may kailangan nga ako kaya ako nandito. Gusto ko kasi humingi ng favor mo eh. Need ko mag-leave for a week."

"What?!"

"Reah narinig mo ako please wag mo nang ipaulet pa."

"Bakit? Saan ka pupunta?"

"Good question. I need to go to Paris." Nakangiting sagot nya pero hindi ako natutuwa sa kanya.

"Paris? Anung gagawin mo dun? At saka bakit ngayon pa kung kailan napaka-busy nating lahat Jessy?" Naiinis na tanong ko.

"Reah please kaya nga ako sayo lumapit eh kasi alam kong matutulungan at maiintindihan mo naman ako."

"Anu ba kasing gagawin mo dun?" Tanong ko.

"Kasi yung friend ko nagtayo sya ng fashion boutique nya dun and ininvite nya ako na magpunta. Reah please gustong gustong gusto kong pumunta. Alam mo naman na yun yung passion ko di ba at hindi etong business na to, kaya please help me." Naiiyak na sabi nya.

TWO HEARTS (Book 3)Where stories live. Discover now