"Kaye syempre namiss kita pero may importante kang lakad ngayon as in super importante kaya bumangon ka na ha. I love you." Sabi nya sabay halik sakin. Hinayaan ko na lang din syang makatayo. Napabugtong hininga na lang ako. Wala na kong magawa kasi tama sya, importante 'tong meeting ko ngayon.

"I love you too." Napangiti na lang sya sa'kin.

"Ihahatid kita ha bawal kumontra." Sabi ko habang tumatayo ako at palapit sa kanya. Nag-uumpisa na syang magluto ng breakfast namin.

"Kahit naman sabihin kong huwag na wala naman akong magagawa kasi wala dito yung kotse ko iniwan natin sa bahay remember?" Sabi nya sabay tingin ng masama sa'kin. Natawa ako bigla sa kanya alam nya kasing sinadya ko na ipaiwan yung kotse nya para mawalan sya ng dahilan para ihatid ko sya papasok sa office nya.

Hinayaan ko na lang na makapagluto si Reah. Tinignan ko cellphone ko para tignan kung may text at tawag sa'kin si Tyng at Princess pero nagulat ako ng wala akong makita. Mukhang hindi sila nag-aalala na malate ako ngayon ha. Hindi nila alam na magpapalate talaga ako ngayon madali lang namang lusutan. Sana lang hindi magalit yung producer sa paghihintay.

Ilang minuto lang natapos ng magluto si Reah. Kumaen na din kaming dalawa. Habang kumakaen kami naisingit na din naming pag-usapan yung kasal naming dalawa. Kung dati halos walang maisip at masabing idea si Reah pero ngayon natutuwa ako dahil sobrang dami nya ng sinasabi at gustong gawin.

"Pagnatapos lang talaga yung project namin this week, I promise aasikasuhin ko na 'tong wedding natin. Medyo busy pa din kasi ako eh tapos dagdag pa sa problema pagdating ng Daddy ni Sam today." Sabi nya habang inaayos nya na pinagkainan nya. Ang bilis nyang kumaen.

"May meeting ba kayo mamaya?" Tanong ko bago uminom ng tubig.

"Meron pero after work pa, dinner with Mr. Lee." Sagot nya.

"Mr. Lee?" Tanong ko. Naghuhugas na sya ng pinagkainan namin.

"Yep! Dad ni Sam."

"Ah okay. So mamaya na pala yung dinner nyo na sinasabi noon ni Sam?" Naalala ko bigla nung nasa elevator kaming tatlo at harap harapan pa talaga syang ininvite ni Sam ng dinner sa harap ko.

"Oo yun nga yun pero don't worry sa tingin ko saglit lang naman eh. Kayo ba, hindi ba kayo magdidinner later?" Tanong nya habang palapit sakin tapos na sya sa ginagawa nya.

"Hindi ko pa alam. Teka sinu maghahatid sayo pauwi mamaya?" Wala syang kotse ngayon, kung aalis sila mamaya hindi ko sya masusundo. Hindi ako papayag na ihatid sya ni Sam.

"Papasundo ako sayo? Okay lang ba?" Tanong nya sabay yakap sakin. Napangiti ako sa ginawa nya.

"Reah alam mo naman sagot dyan di ba?" Nakangiting tanong ko.

"Aahhh.. Hindi?" Sagot nya.

"Reah."

"Haha joke lang. I love you. Sige na ligo lang ako sunod ka na ha." Natatawang sabi nya.

"Susunod pa eh pwede namang sabay." Bulong ko pero mukhang narinig nya.

"Kaye may lakad ka pa at papasok pa ako kaya wag ka ng umisa dahil hindi pwede." Sabi nya sabay pasok sa C.R.

Natawa na lang sa sarili ko. Napalakas pala pagkakasabi ko. Bumalik na lang muna ulet ako sa pagkakahiga ko habang hinihintay kong matapos si Reah. Tinignan ko cellphone ko may text na galing kay Princess pinapapunta nya ako ng maaga dahil hindi makakapunta si Tyng, sya lang makakasama ko mamaya.

Hanggang ngayon wala pa din akong clue kung sinu tong kikitain namin mamaya. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako dahil sa mga sinabi kahapon ni Janna. Kilala ko daw kung sinu yung producer pero sinu sya? Kailan at paanu ko sya nakilala? Wala akong maisip na tao na kilala ko na pwedeng maglaan ng panahon at pera para sakin bukod kay Reah, Kim at Nicky. Sila lang naging malapit sakin bukod sa pamilya ko pwera na lang kung may mga kaibigan pa ako dati na naging close ko at ngayon bumabawi sakin. Wala talaga akong idea pero sana maayos syang katrabaho.

TWO HEARTS (Book 3)Where stories live. Discover now