"Anu ka ba naman Jessy? Bakit ka sasama sa dalawa? Mang-iistorbo ka lang." Galit na sabi ni Mama.

"Tita talaga kahit kailan patola! Syempre joke lang po." Biro ni Jessy sabay yakap kay Mama.

Natawa na lang kaming lahat sa sinabi ni Jessy.

Umalis na kami ng airport. Buti na lang at gabi na kami nakarating dito sa Manila. Hindi na kailangan pang magtago ng sobra ni Kaye. Gamit namin kotse nya dahil dito din naman sya nakapark nung pumunta sya ng Hong kong. Sya na din nagdrive. Kakaen na muna kami at ihahatid muna namin silang tatlo sa hotel na pagiistayan nila bago kami umuwi ni Kaye sa condo nya. Nakakaramdam ako ng excitement. Namiss ko na din matulog sa condo ni Kaye.


















Pagkalipas lang ng ilang oras tapos na kaming kumaen. Nagmadali na din kaming umalis sa resto na pinagkainan namin. Gusto na din kasi nilang matulog at magpahinga. Habang nagdadrive si Kaye nakatingin lang ako sa kanya. Halatang pagod na sya sa byahe namin. Kanina pa sya hindi nagsasalita pagkaalis namin ng resto. Hinawakan ko isa nyang kamay. Napatingin sya sakin.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

"Okay lang. Bakit?" Nakangiting tanong nya.

"Wala naman tahimik ka kasi hindi lang ako sanay." Pagkasabi ko nun ngumiti lang si Kaye at hinalikan nya yung kamay ko. Napangiti na lang din ako.

"Kayong dalawa. Hindi na ba kayo magsasawa sa isa't isa? Kanina pa kayo eh. Madidisgrasya tayo sa ginagawa nyo. Bitawan mo nga sya Reah. At ikaw naman Kaye hawakan mo ng maayos yang manibela. Etong dalawang to pag-uuntugin ko kayo eh." Galit na galit na sabi ni Jessy. Napatingin ako sa kanya. Nasa gitna sya nila Mama at Ninong.

"Ma umorder ka ba ng ampalaya kanina?." Tanong ko kay Mama.

"Ha? Wala naman akong inorder na ampalaya." Sagot ni Mama.

"Eh bakit ganyan si Jessy. Kanina pa napakabitter. Kumaen yata ng ampalaya yan eh." Natatawang sabi ko. Tumawa lang din si Kaye.

"Ampalaya your face!" Sigaw ni Jessy.

"Tama na yan. Hayaan mo na kasi silang dalawa Jess. Ganyan lang talaga pagmalapit ng ikasal. Naeexcite lang yang dalawa na yan." Sabi ni Mama.

Tumingin at dumila ako kay Jessy. Tinarayan nya lang ako. Natawa na lang ako sa reaksyon nya.

"Dito na tayo." Biglang sabi ni Kaye.

Napatingin ako sa labas. Tinggal na ni Kaye yung seat belt nya at lumabas na. Pinagbukasan nya ko ng pinto. Hinalikan ko sya pagkalabas ko. Lumabas na din silang tatlo. Tinulungan ko na din silang ibaba mga gamit nila sa kotse.

"Reah pumunta ka na lang dito bukas para sabay sabay na tayong pumunta ni Jessy dun sa branch. Para makita nyo muna bago natin gawin yung grand opening sa isang araw. At isa pa ipapakilala ko na din sa inyo yung mga makakasama nyo." Bilin ni Ninong.

"Yes po." Sagot ko.

"Kaye mag-iingat kayo ha dahan dahan sa pagdrive. Sige na umalis na kayo para makapagpahinga na din kayo. Magtext na lang agad Reah pagnakauwi na ha." Sabi ni Mama sabay yakap sakin.

Niyakap ko na lang din si Mama para makapagpaalam na. Ganun din kay Ninong at kay Jessy. Hindi na namin sila hinatid sa kwarto nila.

Pagkatapos naming magpaalam ni Kaye. Pumasok na kami sa kotse at nagdrive na din si Kaye. Nakakaramdam na din ako ng pagod at antok. Hindi na ko nagsalita simula ng umalis kami sa hotel. Nakasandal na lang ako sa upuan ko habang nakatingin sa labas.

TWO HEARTS (Book 3)Where stories live. Discover now