"Masarap." Sabi ko sabay isang subo pa ng pagkaen ko.

"Talaga?" Tanong nya.

Tumango na lang ako sa kanya. Hindi na ko makapagsalita dahil puno na ng pagkaen yung bibig ko. Napangiti na lang sya sakin. First time akong pinaglutuan ni Kaye. Nakakasurprise tong gabi na to. Mas lalo tuloy akong naexcite na makasama na sya ulet sa isang bahay. Sana palagi lang kaming ganito.







Habang kumakaen kami kinuwento ko kay Kaye lahat ng mga nangyari sakin kanina sa office. Pati na yung pagpapaalam ko sa lahat ng mga kasama ko sa office kanina. Nagkwento lang din siya sakin ng mga ginawa nila ni Mama kanina nung magkasama sila.

"Bakit Pink?" Tanong ko.

"Ha?"

"Bakit Pink?" Inulet ko yung tanong ko habang nakatingin ako sa mga bulaklak sa gilid ko.

"Ahh. Yan ba. Wala lang. Naisipan ko lang. Para maiba naman di ba. Madalas kasi red binibigay ko sayo. At saka mas bagay kasi sayo yan." Nakangiting sabi nya.

"Bagay sakin?" Tanong ko.

"Oo. Nung una kasing nakita ko yan sa flower shop ikaw agad naalala ko. Ang ganda. Ang simple. Babaeng babae." Nakangising sabi nya.

"Babaeng babae talaga? Hahaha. Sira ka talaga." Natawa na lang ako sa sinabi nya.

"Oo. Bakit may masama ba sa sinabi ko? Kasi nitong mga nakaraang araw may mga napapansin ako sayo. Lalo na kung panu ka na manamit ngayon. Ibang iba na. Dati hindi ka mahilig magsuot ng mga ganyan pero ngayon..." Hindi nya tinapos sasabihin nya. Seryoso syang nakatingin sakin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala lang. Gusto lang kitang tignan." Sagot nya. Hindi nya inaalis tingin nya sakin. Hindi ko alam kung bakit pero yung mga tingin nya parang may ibang sinasabi.

"Kaye?" Tawag ko.

Hindi sya sumagot. Nakatingin lang talaga sya sakin. Lumakas bigla yung tibok ng puso ko dahil sa tingin nya. Bigla syang tumayo. Binuksan nya yung wine at nilagyan nya yung baso ko. Bumalik din sya agad sa pagkakaupo nya.

"Cheers." Tinaas nya yung baso nya. Ginawa ko lang din ginawa nya. Tahimik na kaming dalawa ni Kaye. Nakatingin pa din sya sa akin habang umiinom sya.

"Kaye wag mo naman akong tignan ng ganyan." Mahinang sabi ko pagkainom ko.

"Bakit masama ba?" Tanong nya sabay punas sa labi nya. Hindi ko maiwasan hindi mapatingin sa labi nya.

"Hindi naman. Hindi ko kasi alam kung anung iniisip mo." Sagot ko.

"Ikaw lang naman iniisip ko." Seryosong sabi nya.

"Kaye. Bakit ba ganyan ka makatingin?" Tanong ko.

"Wala lang. Ang ganda mo kasi." Nakangising sagot nya.

"Para mo na kong hinahalikan sa tingin mo alam mo ba yun?" Tanong ko. Hindi ko talaga matagalan tingin nya.

"Alam mo ba na kanina ka pa walang suot sa paningin ko." Nagulat ako sa sinabi nya.

"Kaye! Baliw ka talaga!"

Natawa sya sa reaksyon ko. Napainom na lang tuloy ulet ako.

"Reah?" Tawag nya.

"Bakit?"

"Sigurado ka na ba?" Biglang tanong nya.

"Ha? Anung sinasabi mo?" Tanong ko. Hindi ko sya maintindihan.

"Sigurado ka na bang gusto mo nang magpakasal sakin?" Tanong ni Kaye.

"Kaye naman. Tinatanong pa ba yan. Syempre Oo. Masaya ako sayo at yun naman yung importante dun di ba? Mahal kita Kaye." Nakangiting sagot ko.

TWO HEARTS (Book 3)Where stories live. Discover now