Halos lahat na yata ng bagay na kinakikiligan ko kayang kaya nyang gawin sakin. Ang dami daming babaeng gustong ginagawa sa kanila to ng boyfriend nila kaya sobrang swerte ko dahil sobrang sweet ni Kaye. Hindi sya nawawalan ng surprises pagdating sakin. Sana lang hindi sya magsawang gawin to sakin. Sana lang magstay lang sya sa pagiging ganito.






















Pagkatapos kumanta ni Kaye. Napayakap na lang ako sa kanya. Natawa sya ng konti sa ginawa ko. Ang saya saya ko lang talaga kaya hindi ko mapigilan na yakapin sya ng sobrang higpit.

Tinanggal ko pagkakayakap ko sa kanya. Humarap ako sa kanya at hinalikan ko sya. Napangiti sya sa halik ko. Hindi ko alam kung bakit ginawa nya to ngayon pero kung anuman yung dahilan nya. Isa lang masasabi ko at siguro ako na ginawa nya lahat to.

Dahil mahal nya ko.






"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya.

"Sobra. Thank you. Kinilig na naman ako. Anung meron bakit may surprise ka na naman?" Tanong ko.

"Wala lang. Gusto ko lang." Nakangiting sagot nya.

Napangiti na lang din ako. Niyakap ko lang ulet si Kaye. Hindi ko talaga alam kung bakit sobrang saya ko ngayon. Ang tagal namin sa posisyon namin. Hindi pa din nawawala yung ngiti sa muka ko.

"Gusto mo na bang kumaen? Nagluto ako." Nagulat ako sa sinabi nya. Umalis ako sa pagkakayakap ko at napatingin ako sa kanya.

"Talaga? Nagluto ka?"

"Oo. Gusto mong tikman?" Proud na proud na tanong nya.

"Oo naman. Wow ha. Hindi ko ineexpect to. Akala ko kasi oorder lang tayo." Natatawang sabi ko.

"Wala ka bang tiwala sa luto ko Reah?" Natatawang tanong nya.

"Meron naman. Nagulat lang talaga ako." Umayos na ko sa pagkakatayo ko.

"Nagpatulong lang din ako kay Mama. Pero syempre ako talaga yung nagluto." Sabi nya.

Pinaupo nya ko sa upuan sa harap ng table na inayos nya. Pagkaupo ko nilagay ko sa table yung hawak kong pink rose. Maya maya lang nagulat ako na may bumungad sa harapan ko na napakalaking bouquet ng pink roses. Ang ganda. Ngayon nya lang ako binigyan ng pink. Kadalasan kasi puro red. Pero kahit anu namang ibigay ni Kaye sakin maganda yun sa paningin ko.

"Thank you." Abot tenga yung ngiti ko. Sobrang saya ko talaga.

"I-serve ko dinner natin. Wait lang." Pagkasabi nya nun dumaretso na sya sa kitchen.

Pagkabalik ni Kaye natawa ako sa kanya. Para syang waiter na nagseserve ng food namin.

"Here's your food for tonight Ms. Beautiful. Enjoy." Nakangising sabi nya.

"Wow. Thank you."

Nakakatuwa. Mukang masarap pagkakaluto nya sa Steak. Pagkaupo ni Kaye tinikman ko na agad yung luto nya. Habang ngumunguya ako napatingin ako kay Kaye. Hinihintay nya reaksyon ko sa luto nya. Natatawa na lang ako sa kanya. Para syang kinakabahan.

"Di ko alam may talent ka din pala sa pagluluto." Nakangiting sabi ko.

Biglang huminga ng malalim si Kaye at sumandal sa upuan nya. Sabi ko na nga ba kinakabahan sya sa magiging reaksyon ko.

"Hahaha. Natatawa ako sa muka mo Kaye. Kinabahan ka ba?" Tanong ko.

"Oo Reah. Kung alam mo lang. Sobrang kinakabahan ako. Pinaghirapan ko kaya yan. Hindi ko kasi alam kung magugustuhan mo. Para kasing hindi masarap. Hindi ko alam kung na over cooked ko ba sya o sakto lang." Paliwanag nya.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon