CHAPTER 23
NAMAMAGA ANG MGA MATANG bumangon si Faith sa kama para pagbuksan ang nagdo-doorbell sa pinto ng condo niya. Her eyes were red and swollen because she couldn't help crying last night. Pagkatapos hindi sagutin ni Evren ang tanong niya kagabi, pakiramdam niya ay sinasakal ang puso niya sa sakit.
At aminin man niya sa sarili o hindi, hinihintay niya si Evren na kumatok sa pinto ng condo niya pero maggagabi na at wala pa rin ito. Tumigil na siya sa kakaasang susuyuin siya nito. At hindi na rin siya umaaasa na si Evren ang nasa labas ng pinto ng condo niya.
Nang makarating sa pinto, binuksan niya iyon at agad na napaatras sa takot nang makita si Jace. Mabilis sana niyang isasara ang pinto nang iharang nito ang paa sa pinto kaya hindi agad niya iyon naisara.
"Please, Faith, talk to me." May pagsusumamo sa boses nito. "Hindi ako nandito para saktan ka."
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. "Ano'ng kailangan mo?" kinakabahan niyang tanong habang sinusuri ang mukha ng kaharap na puno ng pasa. May sugat ito sa mga labi at kilay at may black eye din sa kaliwang mata. "Ano'ng nangyari sa 'yo?"
Namulsa ito at walang buhay na ngumiti. "Your boyfriend happened. He kidnapped me and beat me up. Ngayon lang nila ako hinayaang makaalis pagkatapos nila akong balaan na kapag nagsumbong ako sa pulis dahil sa pambubogbog ng boyfriend mo sa akin, mararamdaman ko raw kung paano sila magalit." Parang hindi ito makapaniwalang napailing-iling. "Hindi pa sila galit sa ginawa nila sa akin? Damn those billionaire bastards. Muntik na akong mamatay sa kamay ng boyfriend mo. 'Buti at may pumigil sa kanya."
Umingos siya. "Buti nga sa 'yo."
Mahina itong natawa. "Bagay nga kayong dalawa." Nanatili itong nakatayo sa labas ng pinto at nakapamulsa. "Anyway, I just want to say sorry for what I did. Alam kong hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko pero ang importante ay nakahingi ako ng tawad sa 'yo." Huminga ito nang malalim. "Nagpagamit ako kay Yleena Vicander. Galit na galit kasi ako sa 'yo dahil parang inapakan mo ang pride ko bilang isang lalaki—"
"Yleena Vicander?" She frowned, confused. "Ano'ng ginawa niya?"
Kumunot din ang noo ni Jace. "Wait... your boyfriend didn't tell you about her, being the mastermind of it all?"
Umiling siya. "No... he didn't."
"Well, I'm sure he already threatened her too." Bumuga si Jace ng marahas na hininga at napailing-iling. "Anyway, alam kong kakapalan ito ng mukha pero gusto ko rin sanang makiusap na iurong mo ang kasong libel at assualt sa akin." Nagmamakaawa ang mga mata nito. "Please? Please? Ayokong makulong, Faith. Ayoko. At alam kong makukulong ako kasi magaling ang abogado mo at hindi titigil ang boyfriend mo hangga't hindi ako nagbabayad sa ginawa ko. Faith, parang awa mo na, huwag mo akong ipapakulong. Magpapabugbog ako kahit kanino basta huwag mo lang akong ipapakulong. Ayokong tuluyang masira ang career ko."
"Umalis ka na, Jace—"
"No." Hinawakan siya nito sa kamay. "Please, Faith, I'm begging you. Huwag mo akong ipapakulong. Hindi ko kakayanin sa loob. Kawawa ang mga magulang at kapatid ko. Ako lang ang inaasahan nila, alam mo 'yon. Wala na bang halaga sa 'yo ang dalawang taong pinagsamahan natin?"
Inagaw niya ang kamay na hawak nito. "Sana inisip mo 'yan bago ka nakipagsabwatan sa Yleena na 'yon at bago mo ako sinakal!" Malakas niyang isinara ang pinto, saka hinagilap ang cell phone.
Agad niyang tinawagan si Evren pero hindi sumasagot ang lalaki. Gusto niyang itanong ang tungkol kay Yleena, na ang babae pala ang may pakana ng lahat, pero ayaw ng lalaki sagutin ang mga tawag niya.
Naiinis na humigpit ang hawak niya sa kanyang cell phone.
Yleena Vicander. That woman. She gritted her teeth in anger. Ang babaeng 'yon pala ang may pakana ng lahat. Magbabayad talaga 'to nang malaki sa ginawang paninira sa kanya at sa laki ng problemang idinulot nito sa kanya. Nadamay pa pati mga magulang niyang nananahimik sa Sweden na walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanya.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 13: Evren Yilmaz
General FictionIn Evren Yilmaz life, everything, and everyone around him had a use and purpose. He was a ruthless lawyer after all, and he didn't get the title "ruthless" for nothing. Para sa kanya, ano ang silbi ng isang tao kung wala man lang siyang paggagamitan...