CHAPTER 3

2M 41.9K 18.5K
                                    

CHAPTER 3

"DO YOU HAVE her file?" tanong ni Evren sa secretary niyang si July. Ipinatawag niya ito pagkalabas na pagkalabas ni Faith Gabriel ng opisina niya para kausapin tungkol sa ipinagawa niya. "Nasaan na?"

Pinagsalikop ni July ang mga kamay. He had this silly smile on his face. "Attorney, fan po ako ni Miss Faith kaya naman ako na lang ang magsasabi sa inyo ng lahat tungkol sa kanya."

"Creepy," he mumbled then shook his head. "Fine. Start."

"Her full name is Faith Faye Gabriel," panimula ni July. "She's twenty-eight years old and she's in a relationship for two years now with the actor, Jace Dela Rosa. She's a well-known singer throughout Asia and she already received lot of awards in music from Awit Awards, PMPC Star Awards For Music, MTV Asia Awards for Favorite Female Artist, MYX Music Awards for Favorite Song of the Year, Mnet Asian Music Awards and MTV Asia Awards. At isa na rin siya sa mga highest paid singer in Asia. Marami na ring international talent shows na napili siya bilang isa sa mga judge. Siya rin ang napiling ambassador ng isang sikat na fashion line sa America dito sa Asia. Ang alam ko nga, kababalik lang niya galing sa Asia tour niya at nagpapahinga siya ngayon."

Nang tumigil sa pagsasalita si July, nag-angat siya at kumunot ang noo niya. "'Tapos?"

July shrugged. "'Yon na ho, Attorney."

Hindi pa siya satisfied sa nalaman. "'That's all?"

Tumango si July. "'Yan na lahat. Wala naman siyang nakasangkutan na scandals or rumors maliban na lang sa pagiging mataray daw niya minsan."

Minsan? Huh! That's an understatement of the century. That brat is really a snob.

"'Yon lang ang alam ko sa kanya," sabi ni July na may finality ang boses. "Actually, lahat ng fans niya alam 'yon."

Napatango-tango si Evren, saka napatitig sa folder na nasa ibabaw ng mesa kung saan naglalaman ng kasong gustong pahawakan ng brat na 'yon sa kanya.

Why did he even agree anyway?

"Attorney, huwag n'yo sanang mamasamain, ha? Pero bakit kayo nagtatanong tungkol kay Miss Faith? Hindi ba tinanggihan n'yo na ang kaso niya?"

That was before he knew that it was her. Darn it.

He sighed and tapped the folder. "Tinanggap ko na. She looks like she need my help anyway."

"Hindi po, Attorney." Umiling pa si July. Hindi ito kumbinsido sa ibinigay niyang rason. "Hindi 'yan ang hitsura niya kanina habang nagsisigawan kayo."

Pinukol niya ng masamang tingin ang secretary. "Mas magaling ka pa sa 'kin, eh, ako nga ang kasagutan niya."

"Kaya nga ho, Attorney. 'Yong mukha kanina ni Miss Faith, mas mukha 'yong amazona kaysa mukha ng may kailangan." Ngumiwi ito. "Eh, binato nga ho kayo ng sapatos, 'di ba?"

"Fuck," inis niyang mura, saka napailing-iling. "Para sa akin, kailangan niya ako."

"Attorney, para sa akin, sinisigawan ka niya."

He glared at July. "Ikaw kaya ang sigawan ko, gusto mo? Hindi mataas ang takong ng Italian shoes ko pero matigas ang suwelas nito. Kaya kang bigyan ng pasa."

Napakamot ito sa batok. "Nagtataka lang ho ako. Hindi ba, Attorney, ayaw n'yong humahawak ng mga kaso ng celebrity? Lalo naman kapag sikat."

July knew him too well, but not that well.

"Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo," pagtataboy niya rito.

Mabilis na tumango si July at mamalaki ang mga hakbang na lumabas ng opisina niya.

POSSESSIVE 13: Evren YilmazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon