CHAPTER 18
NAGISING SI FAITH na parang may kakaiba sa tiyan niya kaya mabilis siyang bumangon at hinanap ang banyo. Nang makita, pumasok siya at tamang-tama namang nagsuka siya.
Nasapo niya ang tiyan nang magduwal na naman siya. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa gilid ng lababo habang sumusuka siya. Nang kumalma na ang tiyan niya, nagmumog siya, saka hinang-hinang bumalik sa kama at naupo sa gilid niyon. Hapong-hapo siya dahil sa pagduduwal na hindi niya alam kung bakit.
Faith stilled when she realized that she was not in her room. Mabilis niyang inilibot ang tingin, kapagkuwan ay napakagat-labi nang ma-realize na nasa kuwarto siya ni Evren.
After she fell asleep in the chopper last night, wala na siyang maalala pang iba. Mukhang hindi siya inuwi ng lalaki sa condo niya tulad ng sinabi nito.
Urgh!
Naglakad si Faith patungo sa pinto at bubuksan na 'yon nang mapansin ang may kalakihang Post-it note na nakadikit sa pinto. At may nakasulat doon na agad niyang binasa.
"Hey, brat. Kapag nabasa mo 'to, nasa office na siguro ako. I have a busy day ahead so I won't be able to call you. Anyway, nasa mesa sa komedor ang agahan mo. May pizza rin akong ginawa para sa 'yo, initin mo na lang. After you eat it, mag-rest ka na, okay? Don't make me worry, brat. Your Attorney." Napangiti siya. "Ang lalaking 'yon talaga."
Hinanap niya ang bag, saka kinuha doon ang cell phone niya. Lumabas na siya ng kuwarto at nagtungo sa komedor.
Habang iniinit ang agahan, ang pizza ang kinain niya. Wala siyang pakialam kung malamig na. Nanunubig na kasi ang mga bagang niya. At habang kumakain ng pizza, nag-selfie siya, saka isinend iyon kay Evren.
Parang tumalon ang puso niya nang agad mag-reply ang lalaki. Mabilis niya iyong binasa. "Taste good? Nag-breakfast ka na?"
Nakangiti siyang nag-reply. Hindi pa. Iniinit ko pa. Inuna ko na 'yong pizza. Nanunubig kasi bagang ko, eh. Thank you, by the way. Mwah!
Inilapag niya ang cell phone sa mesa, saka nilapitan ang microwave dahil tumunog na 'yon. Mukhang tapos na ang iniinit niya.
Hanggang sa pinaghain niya ang sarili, nakakain siya at nakapaghugas, hindi pa rin nagre-reply si Evren. Kaya naman nakasimangot siyang bumalik sa kuwarto at nahiga sa kama.
Minutes passed, still no reply from Evren.
Lalong humaba ang nguso niya. "Ano kaya ang ginagawa ng lalaking 'yon—"
Her phone beeped.
Mabilis niyang pinulot ang cell phone, saka tiningnan kung sino ang nag-text. Napangiti siya nang makitang kay Evren galing ang text.
Sorry, brat. May kliyente akong kinausap. Anyway, magpahinga ka diyan sa bahay ko. Huwag ka nang mag-reply sa text kong 'to. I'll be busy. May hearing ako. Take care, brat.
Bumalik uli ang ngiti sa mga labi ni Faith, saka inilagay niya ang cell phone sa dibdib at nakangiting niyakap 'yon. Ipinikit niya ang mga mata, saka bumuntong-hininga. "Sana nandito si Evren..." mahina niyang sambit.
Akmang tatagilid niya nang maramdamang parang umikot ang paningin niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at nang imulat iyon, nakahinga siya nang maluwang nang mawala ang pagkahilo niya.
"Masyado ba akong napagod?" tanong niya sa sarili, saka ipinikit uli ang mga mata para magpahinga.
Hindi namalayan ni Faith na nakatulog pala siya. Napabalikwas na lang siya bigla at napalinga-linga sa paligid.
Anong oras na ba?
Hinagilap niya ang cell phone, saka tiningnan ang oras.
3 PM.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 13: Evren Yilmaz
General FictionIn Evren Yilmaz life, everything, and everyone around him had a use and purpose. He was a ruthless lawyer after all, and he didn't get the title "ruthless" for nothing. Para sa kanya, ano ang silbi ng isang tao kung wala man lang siyang paggagamitan...