CHAPTER 8
NAGISING si Faith sa isang estrangherong silid. Agad siyang napabalikwas at sinuri ang palaigid. Nasaan siya? Kaninong kuwarto 'to? Ang huling naalala niya ay nakatulog siya sa kotse ni Evren at wala na.
Mabilis siyang lumapit sa pinto at binuksan iyon. Natigilan siya nang makalabas ng kuwarto.
Expensive paintings. Fiberglass floor and walls and huge indoor plants. Napakasimple ng mga kagamitang nakikita niya pero alam niyang mahal ang mga 'yon.
Nang makarating sa puno ng hagdan, tumingin siya sa ibaba at sumikdo ang puso niya nang makita si Evren. Nakaupo ito sa sofa at abala sa harap ng laptop.
Mabilis na bumaba ng hagdan si Faith at nilapitan ang lalaki.
"Nasaan ako?" tanong niya.
Sa halip sa sagutin siya, iminuwestra nito ang pizza na nasa center table. "Eat."
Naglaway ang mga bagang niya nang makita ang pizza. It was her favorite food. "Nasaan muna ako?"
"You're in my house, brat." Abala pa rin ito sa pagtipa ng keyboard sa laptop habang nakikipag-usap sa kanya. "Kumain ka na. Hapon na. Wala pang laman ang tiyan mo."
"Ayoko." Humalukipkip siya. "Hindi ako kumakain ng pizza."
Napatigil si Evren sa pagtipa sa keyboard at nag-angat ng tingin sa kanya. "So you were lying on your interviews?"
She stilled. "What?"
"You said in your interviews that you love pizza." He had these questioning eyes. "So what, you're lying?"
Tumaas ang kilay niya. "So, you read my interviews?"
Maybe her eyes were just playing with her, but she really saw Evren cheeks reddened.
"Ahm..." Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin. "Just eat."
Slowly, her lips stretched into a grin. "So... binabasa mo ang mga interviews ko, huh?"
Bumalik na ito sa pagtipa sa keyboard ng laptop. "I didn't say that."
Mahina siyang natawa. "Hindi mo nga sinasabi pero nababasa ko naman sa mukha mo."
"Shut it, brat," inis nitong sabi.
Ngiting-ngiti na kumuha siya ng isang slice ng pizza, saka kumagat. Napapikit siya nang malasahan ang pizza. Damn! It tastes good! Hindi pa siya nakatikim ng ganito kasarap na pizza.
"This is good," komento niya habang inuubos ang isang slice. "Ang sarap nito." Natigilan siya sa pagkain nang mapansing nakatitig sa kanya si Evren at may pagnanasa sa mga mata nito. "What?"
"Nothing." Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. "Damn. Those lips look edible."
Faith rolled her eyes. "Ewan ko sa 'yo, Evren." Kumuha uli siya ng isang slice ng pizza. "Ang sarap naman nito."
"Thanks."
Napatigil siya sa pagkagat. "What?"
"I made that."
Napatitig siya sa pizza na hawak, kapagkuwan ay napatingin kay Evren. "You make this pizza?"
"Yeah." Isinara nito ang laptop, saka tumayo at namulsang humarap sa kanya. "You like it?"
Inubos niya ang isang slice ng pizza na hawak, saka kumuha pa ng isa. "Hindi ba halata?"
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "You're welcome, brat."
She rolled her eyes. "Whatever, ass."
Lumapit ito sa kanya at tumigil lang nang ilang dangkal na lang ang layo nila. Bahagya siyang napaigtad nang lumapat ang magkabilang kamay nito sa baywang niya.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 13: Evren Yilmaz
General FictionIn Evren Yilmaz life, everything, and everyone around him had a use and purpose. He was a ruthless lawyer after all, and he didn't get the title "ruthless" for nothing. Para sa kanya, ano ang silbi ng isang tao kung wala man lang siyang paggagamitan...