CHAPTER 2
"BAKIT BA AYAW tanggapin ng abogadong 'yon ang kaso ko?" naiiritang tanong ni Faith sa manager niya. "Ano ba ang gusto niya? Pera? Eh, di sampalin mo ng pera."
Ang mga tao talaga ngayon, mga mukha nang pera!
Mommy Ricky, her manager, sighed. "Faith, mahal kong talent, alam mong ikaw ang mas lalo pang nagpapayaman sa akin pero..." Napangiwi ito. "The last thing I want to do is to slap Attorney Yilmaz with money."
Tumaas ang kilay niya. "At bakit? Sino ba ang abogadong 'yon?"
"He's the most sought-after lawyer in Asia. Sa isang sikat na university siya sa US gumraduate at with high honors pa. 'Tapos doon din siya nag-take ng Bar exam. Hindi lang siya basta nakapasa, kasali pa siya sa top ten. Ganoon siya kagaling. And in terms of monetary, mahal kong talent, kaya niyang triplehin ang kikitain mo sa sampung taon. May-ari ang pamilya niya ng isang malaki at sikat na law firm dito sa bansa at may mga iba pa silang negosyo."
"Pakialam ko naman sa mga 'yan." Faith rolled her eyes. "Hindi ba tayo puwedeng kumuha ng ibang attorney?"
Mommy Ricky sighed. "Faith, siya 'yong pinakamagaling sa lahat at kailangan natin iyong pinakamagaling para matalo natin iyang kompanya na pinipilit kang gawin ang isang bagay na akala natin wala sa kontrata pero nandoon pala at hindi natin nabasa nang maayos dahil gunggong 'yong nakuha nating attorney."
Tumaas ang kilay niya. "Mommy Ricky, it wasn't in the contract! Binago lang nila 'yon, 'tapos finorge nila ang pirma ko."
Napabuntong-hininga ito. "Mas makabubuti sigurong puntahan mo nang personal si Attorney Yilmaz—"
"And why would I do that?"
"Para may laban tayo."
Faith groaned. "Mommy Ricky naman, eh!"
Pinandilatan siya nito. "Sige na. Go na."
Parang bata na nagpapadyak si Faith na pumasok sa kuwarto niya. Ayaw niyang makipagbangayan kay Mommy Ricky. Tiyak naman na pipilitin siya nitong pumunta sa law firm na 'yon.
Pabagsak niyang ihiniga ang katawan sa kama, saka kinapa ang cell phone na nasa bedside table at tinawagan ang matalik na kaibigan.
"Hey, my singer friend," bati sa kanya ni Tessmarie sa kabilang linya. "Napatawag ka? Inuman tayo?"
Mahinang natawa si Faith. Itong si Tess talaga, palaging nag-aaya ng inom. "Magtatanong lang sana ako," sabi niya.
"And what is that?"
"May kilala ka bang magaling na abogado?"
"Oo," mabilis nitong sagot na ikinangiti niya.
Salamat naman at hindi na ako pupunta sa law firm na 'yon. "Sino?"
"Si Attorney Yilmaz."
Hindi agad maipinta ang mukha niya. "Ayoko sa attorney na 'yon."
"Huh?" Halatang naguluhan si Tess. "Bakit? Magaling 'yon. Trust me."
Naiinis na ginulo ni Faith ang sariling buhok. "Kainis! Ayoko nga sa kanya!"
"O, eh, di okay. Huwag mo akong sigawan. Sakalin kita diyan, eh," pagalit na sabi ni Tess pero alam ni Faith na hindi naman talaga ito galit. "Kapag sinigawan mo pa ako, magsusumbong ako kay Gladz, 'tapos ipapahila kita sa kanya sa kalsada."
Napangiti siya. "Kakatayin kayo ng fans ko."
"Asus." Nang-iinis ang boses nito. "Ipapalagay ko naman sila sa karton kay Ruthy, 'tapos isisilid sa cargo patungong Antarctica o kaya naman ipapakain ko sila sa alaga kong leon. Si Pelokghale."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 13: Evren Yilmaz
General FictionIn Evren Yilmaz life, everything, and everyone around him had a use and purpose. He was a ruthless lawyer after all, and he didn't get the title "ruthless" for nothing. Para sa kanya, ano ang silbi ng isang tao kung wala man lang siyang paggagamitan...