CHAPTER 12
"SILA PA RIN BA hanggang ngayon o naghiwalay na sila sa maikling panahong pinagsamahan nila? Atty. Evren Yilmaz was seen last night with Yleena Vicander, a famous model in Europe. Ano ang ibig sabihin nito? Hiwalay na ba si Attorney at si Faith Gabriel? Nang tanungin namin si Atty. Yilmaz ay hindi naman ito sumagot at sinabing, 'Faith knew the real score between us.'"
Inis na pinatay ni Faith ang TV. Kaya naman pala dalawang araw na niyang hindi nakikita si Evren pagkatapos ng sagutan nila sa club dahil may ibang babae pala itong pinagkakaabalahan.
Men! Mga walang ipinagkaiba! Ngayon malinaw pa sa sikat ng araw ang pakay sa kanya ni Evren. It was just sex. Plain raw sex. No emotion involved. Siya lang naman itong si tanga na nagkagusto sa lalaki.
Shit talaga ang lalaking 'yon.
Naputol ang galit niyang pag-iisip nang tumunog ang cell phone niya. Her heart froze. Is it Evren?
Marahas niyang pinilig ang ulo. Sa dalawang araw na hindi niya ito nakita, ni isang tawag o text ay wala siyang natanggap mula. Kaya bakit ba umaasa siya na tatawag ito?
And she was right. It was Mommy Ricky.
"Hello, Mommy," sabi niya.
"Hi, honey," sabi ni Mommy Ricky sa kabilang linya. "Anyway, alam kong bakasyon ka ngayon pero mapilit ang isang 'to, eh. Gusto ka nilang maging guest sa isang late show. Sikat ang host nila dito kaya pumayag na rin ako kasi siyempre, dagdag exposure at dagdag pera rin. Malaki kasi ang ibabayad nila sa 'yo. They badly want you on the show. Wala ka namang gagawin kundi ang kumanta ng isang kanta sa latest album mo at sumagot din ng ilang katanungan ng host."
Kumunot ang noo niya. "Katanungan? Anong klaseng katanungan?"
"That's the twist, honeybee. Hindi nila sinabi sa akin. Ganoon daw talaga ang show na 'yon. They will ask you impromptu questions and you just have to answer honestly or lie excellently."
Napabuntong-hininga si Faith. "Kailan 'yon?"
"Mamayang gabi na."
Mahina siyang napamura. "Sige. Just text me the address and the exact time. I'll be there."
Matinis na tumili si Mommy Ricky. "Thank you, honeybee. Thank you talaga."
Tipid siyang ngumiti. "Welcome po, Mommy Ricky. Thank you din po."
"O, sige, hija. Beauty rest, okay?"
"Yes."
Nang mawala si Mommy Ricky sa kabilang linya, napatingin siya sa pinto ng condo niya nang marinig ang pag-iingay ng doorbell.
"Sino naman kaya 'to?" tanong niya sa sarili, saka tumayo at naglakad patungong pinto at binuksan 'yon.
Nilukob siya ng inis nang makita si Evren sa labas ng pinto. Naka-suit ito at may dalang attaché case. He looked all business and shit. No emotion on his face. Nothing.
"Ano'ng kailangan mo?" malamig ang boses na tanong niya.
"I'm here for your case."
Bahagya siyang natigilan. Oh. Her case. Bakit ba nawala iyon sa isip niya? "Ano naman ang mayroon sa kaso ko?"
"Nakalimutan mo bang ngayon ang meeting natin sa kabilang panig?"
Namilog ang mga mata niya. "Shit!"
Mabilis siyang tumakbo patungo sa kuwarto niya sa second floor para magbihis. Mabilis ang bawat galaw niya, wala siyang sinayang na oras. Nang matapos siyang magbihis at ayusan ang sarili. Tiningnan muna niya ang sarili sa salamin bago bumaba sa first floor.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 13: Evren Yilmaz
General FictionIn Evren Yilmaz life, everything, and everyone around him had a use and purpose. He was a ruthless lawyer after all, and he didn't get the title "ruthless" for nothing. Para sa kanya, ano ang silbi ng isang tao kung wala man lang siyang paggagamitan...