CHAPTER 1

2.6M 43.6K 13.7K
                                    

CHAPTER 1

EVREN WAS BANGING his head as his hands expertly moved to rock the drums in front of him. Naghihiyawan ang mga taong nasa loob ng club pero wala roon ang atensiyon niya kundi sa instrumentong nasa harap niya. Sinasabayan ng bawat malakas niyang palo sa drums ang kanilang bokalista, bahista at lead guitarist.

"Ahhh!" sigawan ng kababaihang naroon. "I love you, Ren! I love you!"

"Wah! I love you, Zakh! I love you, Ren!"

"I love you, Lazarus!"

"I love you, Four!"

Evren heeded the women no attention. Nakapikit siya habang nagda-drums, tumutulo ang pawis niya at sumasakit ang mga daliri niya pero lalo siyang ginaganahan sa pagtugtog. Sinasabayan pa niya sa pagkanta ang bokalista nila habang ekspertong pinapaikot-ikot sa mga daliri at kamay ang drumstick na lalong nagpapaingay ng paligid.

Playing drums had always been his stress reliever from studying and now, from work. College pa lang ay nagbabanda na siya at palaging siya ang drummer. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng kapayapaan kapag maingay ang paligid. Lalo na kung ang ingay na 'yon ay nanggagaling sa drums na tinutugtog niya.

And as the song came to an end, he twirled the stick around his fingers, threw in unto the air, caught it and banged it on the drums.

"Thank you so much!" sigaw ng bokalista nilang si Zakharias Alkaev, isang half Russian na nakilala niya sa bar na iyon na tinutugtugan nila tuwing Biyernes. "Thank you! Thank you so much, girls! We'll be here again next week."

Nauna nang umalis si Evren sa stage. Pumunta siya sa backstage at binuksan ang backpack niyang dala para kunin ang cell phone niya at para na rin ipasok sa bag niya ang paborito niyang drumsticks.

It was always his habit to check his phone after performing. Evren sighed in irritation when he saw ten missed calls and twenty-seven messages. "Can they give me a fucking break?" Napailing-iling na lang siya, saka nag-call back sa secretary niya na siyang may pinakamaraming missed call. "What do you want? It's three in the morning for fuck's sake, July."

"Sorry, Attorney," hingi ng tawad ng nasa kabilang linya. "May natanggap kasi akong tawag. VIP case."

That made him more irritated. People with money always wanted to be treated differently. "Sino?"

"Isang sikat na singer at model."

Kumunot ang noo niya. "Bakit daw? Is it tax? Sexual harassment? What?"

"Void of contract."

Evren sighed. "Celebrities," iritado niyang sabi. "They think they can do whatever they please." Napailing-iling siya. "Hindi ko tatanggapin ang kasong 'yan. Ibalik mo sa kanila. Sabihin mong maghanap sila ng ibang abogadong masusuhulan nilang asikasuhin sila. I have too many cases to handle. 'Yong mga importante."

"Yes, Attorney."

"Good. Now go back to sleep and don't disturb me again," pagalit niyang sabi pero hindi naman talaga siya galit.

"Yes, Attorney."

Nang mawala ang secretary sa kabilang linya, binasa niya ang mga text na galing sa mga importanteng tao. Iyong galing sa mga babae, hindi binabasang binura niya dahil nakakarami lang ng laman ng inbox.

"Hey, bro." Boses iyon ni Zakharias sa likuran niya. "Going in? The boss offered us three buckets of beer with pulutan. Halika na."

'Yon palagi ang bayad sa kanila ng may-ari ng club. Hindi naman kasi sila nagpapabayad. May kanya-kanya silang stable na trabahong apat kaya hindi nila kailangan ng bayad. Nagpapasalamat nga sila at may club na pumayag patugtugin sila tuwing Biyernes, mula alas-onse ng gabi hanggang alas-tres ng madaling araw.

POSSESSIVE 13: Evren YilmazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon