"Magkaibigan. Eww. Anu ba namang klaseng sagot yan? Reah naman."

"Kim. Anu bang gusto mong isagot ko sayo? Na kami na ulet? Eh wala nga eh. Magkaibigan lang kami. Hanggang doon na lang." Madiin na sabi ko.

"At sinung naglagay ng label na yan sa inyong dalawa ha? Sasapakin ko." Inis na tanong nya.

"Si Kaye." Mahinang sagot ko.

"Si Kaye? Sinabi nya na magkaibigan lang kayo?" Gulat na tanong nya.

"Oo."

"Kailan?"

"Nakapag-usap na kami kahapon. Friends na lang daw muna." Sabi ko habang nakatingin kay Kaye. Nasa pila pa din silang dalawa ni Nicky.

"Sira ulong Kaye to ha." Galit na sabi ni Kim.

"Wag mo na kasing ipilit." Nakangiting sabi ko.

"Teka nga lang Reah. Matanong nga kita. Anu ba talaga si Kaye sayo ngayon? Sabihin mo nga sakin. Hanggang kaibigan lang ba talaga kayo? Kasi sa nakikita ko sa inyong dalawa. Parehas nyo pang gusto yung isa't isa kaya lang kasi ayaw nyo lang aminin eh. Alam ko naman kung bakit. Kasi parehas kayong natatakot sumubok ulet. Kasi parehas na kayong nasaktan dahil sa nangyari sa inyong dalawa. Pero hindi naman tama na pigilan nyo nararamdaman nyo ng dahil lang sa nakaraan nyo. Kung mahal mo pa si Kaye. Go for it! Sabihin mo sa kanya na hindi lang hanggang sa pagkakaibigan yung gusto mong mangyari sa inyong dalawa." Seryosong sabi nya.

"Kim hindi naman ganun kadali yun. At saka isa pa. Kahit naman gustuhin kong ibalik ulet lahat sa dati hindi ko na magagawa yun kasi nga..." Napatingin muna ako kay Kaye bago ko ituloy sasabihin ko.

".....ayaw nya na." Sabi ko pero parang pabulong lang dahil sa sobrang hina.

"Sinabi nya ba sayong hindi ka na nya mahal? Reah kung nakikita mo lang kung anung nakikita namin sa tuwing magkasama kayo. Maiintindihan mo kung bakit ganito ako. Bakit kasi hindi nyo subukan ulet?" Tanong nya. Napatingin ako kay Kim.

"Hindi madali yun Kim. Mahirap gawin yang sinasabi mo. Maraming bagay na dapat isipin. At isa pa. Alam kong ayaw mag take ng risk ni Kaye. Ramdam ko naman na gusto nya pang itry ulet kaya lang alam mo yun. Mas nararamdaman ko yung takot nya na baka masaktan ko ulet sya."

"Kaya nga patunayan mo sa kanya na hindi mo na gagawin yun."

"Hindi ko alam Kim. Natatakot lang din ako. Baka kasi maulet lang ulet. At saka kasi." Hindi ko na tinuloy sasabihin ko. Napaisip ako bigla kung sasabihin ko ba kay Kim. Pero parang alam nya na sasabihin ko.

"At saka anu? Si Michael? Tama ba ko? Kaya nahihirapan kang magdecide ngayon kasi may Michael kang iniisip?" Seryosong tanong nya.

"Kim kasi...."

"Tapatin mo nga ako Reah. Kayo ba?" Tanong nya.

"Ha? Nino?" Tanong ko.

"Ni Michael. Kayong dalawa ba?" Tanong nya.

"Hindi kami." Mahinang sagot ko.

"Pero muntikan ng maging kayo?"

Hindi ko na sya nasagot. Dumating na sila Kaye at Nicky.

"Bakit parang seryoso yata kayong dalawa? Anung pinag-uusapan nyo?" Tanong ni Nicky.

"Wala." Sagot ni Kim.

Napatingin na lang ako kay Kim. Hindi ko alam kung bakit pero parang nainis yata sya sakin. Alam ko naman na gustong gusto nyang magkabalikan kaming dalawa ni Kaye. Pero anung gagawin ko. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon. Kung pwede lang akong magdesisyon agad. Malamang may napili na ako. Pero hindi ganun kadaling mamili. Ayaw kong may masaktan na naman. Ayaw kong masaktan si Kaye at mas lalong ayaw ko ding saktan si Michael. Nasaktan ko na sya dati dahil sa mga ginawa ko pero pinatawad nya ako. Naging magkaibigan ulet kami. Sya lang dumamay at nagbigay ng oras sakin nung mga panahong malungkot ako. Sya lang yung natakbuhan ko nung mga oras na busy at wala si Kaye sa tabi ko. Kaya hindi madali para sakin na balewalain sya at yung mga pinagsamahan namin. Mula pagkabata ko si Michael na naging sandalan ko. Minsan na syang nawala sakin kaya hindi ko na ulet hahayaang mawala ulet yung pagkakaibigan na meron kami.













TWO HEARTS (Book 3)Where stories live. Discover now