Ang ginawa na lang niya, tinupi niya pataas ang manggas ng long sleeves turtleneck shirt hanggang sa siko, saka maingat niyang pinunit ang nasa hita at binting bahagi ng jeans gamit ang kutsilyo.

Faith smiled when she saw her ripped jeans on the mirror. Hmm... more like a club dress now.

Kinuha niya ang bull cap na nasa ibabaw ng kama at isinukbit ang aviator glasses sa neckline ng kanyang damit. Mamaya na niya iyon isusuot kapag nasa club na siya para hindi siya gaanong makilala at pagkaguluhan.

Huminga siya nang malalim, saka lumabas na ng bahay ni Evren. Sumakay siya sa ikatlong sasakyan na pag-aari nito, ang Range Rover, saka maingat iyong minaneho patungo sa Club Inoxentes.

Agad naman siyang nakarating sa club at wala namang nangyaring hindi maganda sa kanya. Thank God for that. Mabilis siyang lumabas ng kotse at nagtungo sa entrance, saka pumasok.

Habang dahan-dahang naglalakad patungo sa bakanteng mesa na nakita niya, palinga-linga siya at hinahanap ng mga mata si Evren.

He's just here somewhere. May appointment daw, eh. So maybe he's sitting with someone.

Naputol ang atensiyon ni Faith sa paghahanap nang makarinig ng boses mula sa stage kung saan maraming kababaihan ang nakapalibot sa harap.

Hmm... must be a famous band is playing.

"It's nice to see you again tonight, ladies," sabi ng baritonong boses galing sa mikropono na nasa stage. Iyon yong klase ng boses na napakaguwapo sa pandinig. "It's me again, Zakharias. Hope you enjoy your night."

"I love you, Zakharias!"

"Buntisin mo ako, Ren! I love you!"

"Have sex with me, Four!"

"I'm crazy over you, Lazarus!"

Halos wala siyang marinig dahil sa tilian. Hindi niya makita kung sino ang bandang nagpe-perform dahil sa dami ng kababaihang parang nababaliw sa kilig. At dahil naiintriga siya kung sino ang pinagkakaguluhan, kahit naiipit, pilit siyang naglakad palapit.

"Tonight. Our first song is 'Animals' by Maroon 5."

Nakahinga nang maluwang si Faith nang makarating siya sa wakas sa unahan at kitang-kita niya ang napakaguwapong bokalista ng banda.

Tumaas ang kilay niya. Kaya pala tinitilian... guwapo, eh.

The vocalist smiled and all the female present screamed. "One... two... three..." pagbibilang ng bokalista bago ito kumanta.

Baby, I'm preying on you tonight

Hunt you down, eat you alive

Just like animals, animals, like animals, oh...

Napabaling ang atensiyon niya sa bahista ng banda na nakaawang ang mga labi habang kinakaskas ang gitara. Guwapo rin ang lalaki. Mayroon itong nakakabighaning mga mata na parang matutunaw ka kapag tumitig sa 'yo.

Maybe you think that you can hide

I can smell yourself in mine

Just like animals, animals, like animals, oh!

And when the drums started beating, her eyes settled on the drummer. Her breathing hitched. Her heart beat in a frenzy manner and her eyes widened as she took in every angle of Atty. Evren Yilmaz who was expertly playing the drums.

"Holy hell..." mahina niyang sambit habang nakatitig sa lalaki na nakapikit habang pinapalo ang stick na hawak sa drum set na nasa harap nito.

Faith couldn't take her eyes off of Evren. The way his hands and fingers moved, the way his head banged and the way he closed his eyes to feel the beat of the song.

POSSESSIVE 13: Evren YilmazTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon