FLASHBACK (Signs Of Falling In Love)

Magsimula sa umpisa
                                    


"Mag best friend kami ni Michael matagal nya ng ginagawa yun. At saka bilin ni Papa yun sa kanya kaya nya lang ginagawa." Paliwanag ko.


"Bilin ka dyan. Eh panu mo ieexplain yung malalagkit na tingin at sulyap nya sayo aber?" Tanong ulet ni Chloe.


"Hindi ko nakikita yun." Sabi ko.


"Kami kitang kita namin. Kung alam mo lang Reah. Kung nakakamatay lang talaga ang pag tingin sa taong mahal mo malamang hundred times ka ng paulet ulet na deds." Natatawang sabi ni Vhanch.


"Eto lang tatandaan mo Reah. Walang mag best friend na lalaki't babae ang hindi nahuhulog sa isa't isa. At sa inyong dalawa ni Michael. Si Michael ang unang na-fall." Nakangiting sabi ni Kara.


Hindi na ko nakapagsalita. Hindi ko alam kung panu ko tatanggapin lahat ng sinabi nila.  


Walang mag best friend na lalaki't babae ang hindi nahuhulog sa isa't isa. At sa aming dalawa ni Michael. Si Michael ang unang na-fall . Totoo kaya lahat ng sinabi nila? Bakit hindi ko nakita na aabot kami sa ganito? Hindi ko na tuloy alam kung panu ko kakausapin ngayon si Michael na hindi ako naiilang sa kanya. Sana lang talaga mali ako at mali din sila. Sana lahat ng pinapakita sakin ni Michael ay dahil lang sa mahal nya ko bilang kaibigan lang.




















"Reah!!!" Sigaw ni Michael ng makita nya kong naglalakd sa hallway.


Hindi ko sya pinapansin naglakad lang ako palayo sa kanya.


"Hoy Reah! Bakit di mo ko pinapansin? May problema ba?" Tanong nya. Naabutan nya ako ang bilis nyang tumakbo.


"Wala." Sagot ko. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.


"Anung wala? Teka nga huminto ka nga muna. At saka amina yang dala mo." Kinukuha nya mga libro ko.


"Hindi na Khel kaya ko na."


"Reah. Amina sabi eh. Mabigat yang mga libro mo ayaw kong nahihirapan ka kaya amina ibigay mo na."


Napahinto ako sa paglalakad dahil sa mga sinabi nya. Bakit ganun? Dati naman kapag nagbibitaw ng mga ganitong salita sakin si Khel binabalewala ko lang. Pero bakit ngayon parang may kakaibang dating sakin yung mga sinasabi nya?


"Reah?" Tawag nya. Hindi ko napansin ang tagal ko na pa lang nakatingin sa kanya.


TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon