Nagpatuloy pa kami sa pagpapractice. Nadistract lang kami ng may isang babae ang tumili.

"Oh my god! Si Marco!" Automatic na napalingon kaming lahat. Si Marco nga ang na lalakad papalapit saamin.

"Bro!" Sigaw naman ng ilan saamin. Hindi ko alam pero iba yung pakiramdam ko sa pagdating ni Marco. Naalala ko kasi lahat ng kinuwento ni Alli sakin.

Oo, alam ko na ngayon lahat ng naganap nung nawala ako. I swear a transparency oath to Alli. We, actually.

Lumapit sakin si King at tinapik yung balikat ko. "Okay ka lang ba?" Tanong niya.

"Oo naman."

Naglakad papunta sa direksyon ko si Marco kaya lang biglang dumating si Leo.

"Nasan si Alli?" Tanong ko kaagad sa kanya.

Cool na cool pa siyang nag lalakad papunta samin.

"Nasa clinic siya. Nadulas siya eh?" Pagkarinig ko ng balita niya napamura ako at nagmadali akong tumakbo sa clinic.

Ikinagulat ko ng marinig kong may kasunod akong tumatakbo at si Marco yun.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre nag aalala din ako kay Alli. Siya naman talaga pinunta ko dito ngayon." Sagot niya. Napahilamos ako. Fuck sake! Una si Leong kupal ang inaalala ko ngayon may isa pang asungot?!

"Pare, ayokong sirain ang araw mo. Please, wag mo munang lapitan ang girlfriend ko?" Mahinahon kong paki usap kay Marco.

He smirked, "Fine."

At pinagpatuloy ko ang pag lakad ko sa clinic. Damn! Hindi ko naman gustong kumulo ang dugo ko sa kanya. Ewan ko ba! Siguro nadagdagan lang ng inis ko kay Leo kaya ganito ang pakiramdam ko.

Pagkarating ko sa clinic nakita ko si Alli na nakahiga.

"Bae, ayos ka lang ba?!"

"Oo naman. Masakit lang yung balakang ko saka medyo na sprain yung paa ko." Sagot niya. Agad kong hinalikan yung noo niya at inayos ang ilang hibla ng bubok niya na nakaharang sa mukha niya.

"Ay. Ang sweet naman." Comment niya. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Bakit ka ba nadulas? Kasalanan ba ni Leo to?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Hindi, walang kasalanan si Leo dito. Nadulas ako sa balat ng saging. At si Leo ang... t-tumulong sakin." Sagot ni Alli parang natatakot pa. Medyo nainis ako nang marinig ang pangalan ni Leo pero hindi ito ang oras para pagtalunan yun. May tiwala ako kay Alli.

"Okay ka na ba?" Kung gusto mo iuuwi na kita para sa bahay ka na lang mag pahinga." Sabi ko.

"Hindi ka ba galit na si Leo ang tumulong sakin?" Tanong niya. Pinisil ko ng mahina ang pisngi niya.

"Alam mo 'Li, minsan ang gulo mo. Kapag ba nagalit ako kay Leo hindi ka maiinis? I'm sure sasabihin mo na tinulungan ka lang niya di ba?"

Ngumiti lang siya at tumango.

"Halika, uwi na tayo." Yaya ko sa kanya. Tumango lang uli siya at kinarga ko siya paupo sa wheel chair.

Habang tulak ko ang wheel chair, marami ang nakatingin saaming dalawa. Marami ding mga nag bubulungan, negative and positive words, pero kagaya nga ng expression ni Alli, keri lang!

-Allisandra's POV-

Dahan-dahan akong kinarga ni Raymond pasakay ng kotse niya. Buti na lang at hindi motor ang dinala niya kanina kung hindi patay na us. Nag thank you ako sa kanya nang maisakay niya ako.

Habang karga niya nga ako, naalala ko yung amoy ni Leo, yung matigas na braso niya, at yung gentleness ng pagkarga niya sakin. I shook my thoughts away. Bakit ba di Leo ang naalala ko?

"Ayos ka lang ba, bae?" Tanong niya habang nag mamaneho.

"Oo, okay lang naman ako." Pagkukunwari ko. Hindi talaga ako okay! Shit ka talagang malanding jutak!

"Okay sabi mo eh. I love you."

"I love you more." Sabay ngiti ko sa kanya. Kinuha naman niya yung kamay ko st hinalikan niya.

By his kiss and touch, I know that I can forget this unusual feeling towards Leo. I hate this feeling! Napaka unfair nito kay Raymond dahil hindi naman niya sakin to ginagawa. Lahat ng pag eeffort binibigay niya. Lahat ng nangyari saming dalawa, binabawi niya.

Lumiko kami drive thru at nag order. Pagkatapos, umuwi kami at nanood ng Netflix. (Salamat kay Jas, hinawahan kami ng panonood.)

Kanina pa ako tahimik. Hindi ko alam ang bumabagabag sa loob ko.

"Bae, nakabalik na nga pala si Marco." Naputol ang pag iisip ko sa sinabi niya.

Sumakit ata ulo ko! Leo on the left, Marco on the right? Ganern? Fuck!

"Pero alam mo, kahit nandyan siya hindi ako kinakabahan." Sabi niya. Lumingon ako sa kanya.

"Kasi alam kong sakin ka lang. At kung ano man yung nangyari sa past niyo, wala na yun. Gagawin ko ang lahat para hindi na maulit lahat." Sabi niya.

Naguilty ako bigla sa sinabi niya. Lord, help me to do my part...

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Kde žijí příběhy. Začni objevovat