"Oh anu Kaye nasan na daw sya?" Tanong ni Kim.


"Ewan ko. Biglang namatay. Pero sabi nya on the way na daw sya. Tara na magsimula na tayo baka mamaya pa dumating yun." Sagot ko.


"Sure ka? Ok lang sa kanya?"


"Oo naman. Tara na. Nakakahiya naman sa mga bisita nyo ni Nicky."


"Ok tara." Nakangiting sagot ni Kim.


Nakakainis na sya. Kanina pa namin sya hinihintay. Sya na lang kulang para makapagsimula na kami. Pero parang hindi na namin sya mahihintay.
















*****

REAH'S P.O.V.



"Reaaahhhh!!!"


"OMG!!! Jessy!! Sorry late ako. Congratulations and Advance Happy Birthday Sis!"


"Hmp! Anu pa nga bang ieexpect ko. Eh palagi ka namang late."


"Hala sorry talaga. Traffic kasi. At saka nahirapan kasi akong hanapin to oh." Nakangiting sabi ko sabay abot ng regalo ko kay Jessy.


Kinuha nya yung regalo ko sa kanya. Abot tenga ang ngiti nya habang binubuksan nya regalo ko para sa kanya.


"Ohh My Gosh!! Ang ganda. Thank you Sis! I love you na talaga."


"Your welcome. Buti naman nagustuhan mo. Pahirapan ang pagbili ko nyan ha. Nakalimutan ko pa wallet ko sa kwarto kanina at buti na lang. Naikaskas ko yan sa credit card ko. Kaya alam mo na ha."


"Hoy! Grabe ka talaga! Don't tell me sakin mo pababayaran to?" Sigaw ni Jessy. Napatingin lahat ng bisita nya samin.


"Eto naman. Joke lang. Tara na. Teka nasan sila?" Tanong ko. Wala akong makitang kakilala ko sa mga bisita ni Jess. Ngayon kasi opening ng boutique nya. Puro mga kaibigan at mga kababata nya yung mga bisita.


"Nandyan lang yan. Ayun oh."















TWO HEARTS (Book 3)Where stories live. Discover now