Habang kinikuha namin yung mga beer at iba pang snacks napansin kong ngingiti ngiti si Bessy, hanggang sa nasa may pinto na kami at tanaw sila sa labas. Bigla syang tumigil kaya napatingin din ako.

“ Alam mo Bru, ang oa mo po! Effort naman nung tao na pansinin mo oh, nagmumukang tanga na nga yung isa dun eh.” sabay nguso kay Seth.

“ Ha? Ako oa?”

 

“ Hindi Bru! Ako, ako talaga yung oa eh. Ikaw bobo te? Halatang halata naman yung mga sulyapan nyo kanina pa eh! Paalala ko lang sayo ha, hindi lang po ako ang may asawa na dito pati po ikaw meron na! Makatitigan moment naman kayo kala mo ligawan palang!” sabay ismid sakin.

“ Ehhh, kami pa? Kayo ngang dalawa dyan ni Jigs ang mahaharot no. Paalala ko lang rin po Charlie, may kasama kayong iba, bawas bawas ang lambingan aba! Tyaka hindi mo man lang ba ako namiss, tinataboy mo na ata ako!” tyaka ako nagpuppy eyes sa kanya.

 

“ Yan nga ang sinasabi ko, namimiss kita pero mas priority ko ang asawa ko! Minsan lang to kaya dapat grab lang ng grab kung baga  GIVE IT TO ME BABY!” take note sinasbi nya yan habang gumigiling at sa malanding tono. Tyaka sya naunang lumakad habang tinatawag ang pangalang ni Jigs.

Tsk. Tsk, sabi ko nga diba? Iba talagang yang si Bru, nagiisa sa mundo yan eh!

Nang makabalik na ako sa lugar kung nasan sila napansin kong may hawak ng gitara si Yvo. This time kinakantahan nya si Divina. Whoo, medyo kinikilig naman ako sa kanilang dalawa. Naaalala ko nanaman tuloy yung kanina, at napatingin pa ako sa lalaking y’un na nakatingin din sakin. Kaya ako na agad ang umiwas ng tingin, mahirap na baka magtitigan pa kami dito alam ko namang dehado ako.

Paupo na sana ako sa kaninang pwesto ko ng biglang umisod si Bessy, at tiningnan ako ng masama. Ayan nanaman sya eh, itinataboy nya na ako dahil hindi daw sya makaiskor. Hoy sya may sabi nyan ha!

Pinipilit kong magkasya kaso talagang umiisod pa sya, tumingin naman ako sa ibang pwesto pero para silang may sariling utak na bawat tingnan ko  iisudan nila at viola wala ng space! Teka, meron pala ang kaso sa tabi nung supladong y’un. Kaya bumalik ang tingin ko kay Bessy.

“ Bessy, usug ka nga kasi!”

 

“ Wala ng space oh, d’un ka nga kay Seth! Tsupi!”

Aba’t yung babaeng y’un talaga! I Knew it! Talagang ginawa nya to on purpose para magtabi kami. Ano pa nga bang gagawin ko, kesa naman mangisay ako dito habang nakatayo. Tyaka medyo mainit init kasi sa pwesto ni Seth hindi kagaya doon, dagat yung nasa likod ko. Dito batuhan kaya harang ang hangin, hindi na ganong maginaw.

“ Panalangin ko sa habang buhay,

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon