Part 25

1.4K 27 1
                                    

ISANG MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Scylla habang naglalakad sa overpass. Dapit-hapon na naman. Sa tuwing makikita niya ang takip-silim, muling nananariwa ang sakit. Hindi niya makalimutan ang sakit maski isang buwan na ang nakakaraan magmula nang makumpirma niya ang tuluyang pagtalikod sa kanya ni Lathan.
Ah, kung tutuusin, siya naman itong nananakit sa kanyang sarili. Pwede namang hindi niya makita ang takip-silim. Pwedeng umuwi siya ng mas maaga o umuwi ng mas gabi na. Hindi niya rin kailangang maglakad sa lansangan dahil may sarili naman siyang sasakyan. Pero dahil isa siyang masokista, gusto pa rin niyang makita ang papalubog na araw at ang pagsabog ng dilim sa buong paligid.
Bakit? Dahil mas madaling alalahanin nalang ang alaala nila ni Lathan kesa kalimutan ang mga iyon.
Napahinto siya sa paglalakad at minasdan ang papalubog na haring araw sa kanluran. Ang haring araw na isa sa mga dahilan kung bakit limitado lang silang kung magkasama ni Lathan dahil hindi nito kayang tumagal sa maliwanag na sinag noon.
Napabuntong-hininga na naman siya habang nakatalungko sa maruming bakod ng overpass at nilalanghap ang polusyon ng buong siyudad. Maya-maya ay kinapa niya sa bulsa ng bag ang kanyang planner. Nakasipit roon ang isang manipis na notepad. Ang notepad ay ibinigay sa kanya ni Theron. Naglalaman iyon ng orasyon para raw tantanan na siya ng masasamang elemento mula sa kabilang dimensyon ng daigdig. Para raw maging safe ang paglabas niya sa gabi.
Kung naroroon si Lathan sa tabi niya, sigurado siyang gugustuhin rin nitong mailayo siya sa mga masasamang elemento. Pero maski matagal nang naibigay sa kanya ni Theron ang notepad ay hindi pa rin niya isinasagawa ang orasyon. Malamang kasi na maitaboy rin ng orasyon ang mga tulad ni Lathan. Hindi man masama ang mga ito pero kaanib pa rin ng dilim ang mga astral vampires.
Ayaw niyang mawalan ng koneksyon sa mga tulad ni Lathan. She still wanted to be connected with them even though they had no intentions of connecting with her. Ang mahalaga, bukas pa rin ang koneksyon niya sa mga tulad nito.
Sa sandaling isagawa niya ang orasyon, ibigsabihin rin noon na permanente na niyang isinasara ang koneksyon niya sa kabilang mundo. She will be protected but she will never be connected with them. At hindi pa niya magawang magdesisyon.
Muling tinanaw ni Scylla ang lumulubog nang araw. Umihip ang malamig at maruming hangin at nilipad ang ilang hibla ng alon-alon niyang buhok kasabay ng paglipad rin ng laylayan ng kanyang half-thigh length dress. Nagmukha lang siyang naka-corporate dahil pinatungan niya iyon ng ladies coat.
“Maybe it is about time to let go. Pero kaya ko ba, Lathan?” Pumatak ang ilang butil ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Ayun na naman ang sakit sa loob ng kanyang puso. Akala niya, namatay na iyon. Pero bakit ganoon? Bakit nasasaktan pa rin ang puso niya? Wala na ba talagang katapusan ang sakit? “Pagod na pagod na akong maghintay. Oo, naghihintay pa din ako maski alam ko na wala na akong hinihintay. Ang tanga ko di ba?” pabulong na pagkausap niya sa lumulubog na araw.
“Miss na miss na kita.” Umagos na naman ang mga luha niya. “Bigyan mo naman ako ng sign kung dapat na ba akong huminto. Kasi ang sakit-sakit na.”
Hindi niya alam kung gaano katagal siya sa ganoon. Hindi niya rin alam kung hanggang kailan niya pa gagawin iyon. Basta kasi maisipan niyang lumabas ng dapit-hapon ay nagco-commute nalang siya para makakapaglakad-lakad siya.
Nang magsawa na siya sa pagtunganga sa overpass ay ipinasya na niyang umuwi. Kailangan na niyang umuwi dahil baka mag-alala pa ang kapatid niya kung magtatagal pa siya roon. Mabuti nga at hindi siya isinumbong ni Theron sa kagagahan na ginawa niya nang gabi ng kasal ng kapatid.
And speaking of Theron, he was so persistent. Tinapat na niya ito na di niya alam kung kailan siya hihintong magmahal kay Lathan o kung posible pa iyon, pero hindi pa rin ito humihinto sa pagpapahiwatig sa kanya ng damdamin kaya sa huli ay pinabayaan nalang niya si Theron.
Tumunog ang cellphone ni Scylla bago pa man siya makasakay ng taxi pagkababa niya ng overpass. Sumakay muna siya bago hinagilap ang cellphone.
“Where the hell are you, Scylla? Kanina ka pa raw umalis ng office at iniwan mo na naman ang kotse mo. Saan ka ba talaga nagpupunta sa tuwing gagawin mo iyan?”
Napabuga siya ng hangin. Sinasabi na nga ba at napaparanoid na ang kapatid niya, maski kaunti pa lang siyang oras na nale-late pag-uwi.
“On the way na. I’m in a cab.”
“Okay.” Bumuntong-hininga ito. Tila na-relieve. “You take care ha? We’ll wait for you para sa dinner.”
Isa pa ang dinner issue na iyon.
“May I remind you na huwag mo nang lalagyan ng pampatulog ang pagkain ko kasi, I swear, hindi na ako nag-o-OBE. Maski itanong mo pa kay Theron.”
Pero siyempre, kasinungalingan iyon. Dahil sa opisina naman niya ginagawa ang mag-OBE. Matigas nga siguro ang ulo niya. Pero ano ba, nagmamahal lang siya. Nagmamahal at patuloy na umaasa.
Natuklasan niya ang ginagawa ng kapatid minsang palihim na nahuli niya ang paglalagay nito ng gamot sa inumin niya. Hindi niya ininom ang juice at hindi rin siya agad nakatulog. Nakumpirma niya na ang kapatid ang dahilan kung bakit noon ay madali siyang makatulog. Nagsawalang-kibo siya at inisip ang dahilan ng kapatid kung bakit ginagawa iyon hanggang isang umaga, pag-angat niya ng landline sa silid niya ay narinig niya sa extension phone mula sa ibaba na kausap ni Kuya Timothy si Theron at ang tungkol sa OBE ang pinag-uusapan.
So, alam na pala ng kapatid niya ang patungkol sa OBE. Hindi na siya mahihirapang ipaliwanag rito ang patungkol kay Lathan. Ang hindi niya lang alam ay kung bakit nito hinahadlangan ang pag-o-OBE niya.
“How did you know?” litong tanong nito.
“I caught you. Nagsawalang kibo lang ako.”
Bumuntong hininga si Kuya Timothy. “I am sorry. I just want to protect you. It is not safe to interlope with the other world. Lalo pa, may mga underworld creature ka na posibleng ma-encounter doon at-”
“Yeah, I know Kuya.” awat niya rito. “And I know my limitations. Don’t worry. Hindi ko na ginagawa iyon ngayon.” pagsisinungaling niya.
Hindi nagsalita ang kapatid. Alam niyang hindi ito lubos na naniniwala.
“Wala nang dahilan para gawin ko pa iyon.” dagdag pa niya.
“Ganoon mo ba siya kamahal para magsinungaling ka sa sarili mong kapatid?”
Nanlamig ang buong katawan ni Scylla. Kung ganoon, maski ang panakaw na oras niya sa office ay natutunugan rin nito?
Bumuntong-hininga ito. “Nagpalagay ako ng hidden camera sa nap room mo.” Tila paliwanag ng kanyang kapatid.
“Kuya…” Hindi tuloy malaman ni Scylla kung paano magpapalusot kay Kuya Timothy.
“All I want is for you to be happy. Oo, siguro nga masaya ka sa pagtawid mo sa kabilang mundo. Pero huwag mong asahan na hindi ako mag-aalala para sayo dahil mapanganib ang ginagawa mo.”
“Pero kaya akong protektahan ni Lathan, kuya. Naniniwala akong hindi niya ako pababayaan.”
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila ng kapatid. “Kung hindi ko lang nalaman na bampira si Lathan… baka…” Humugot na naman ito ng malalim na hininga. “…baka nagustuhan ko siya para sayo.”
“Ano ba ang kinakatakot mo kuya?” Inis na singhal niya sa kapatid. “Bampira siya, oo. Pero sa kabila ng katotohanang iyon, ni minsan, hindi niya ako pisikal na sinaktan. Dahil kung nangyari iyon, sana… sana wala na ako sa mundo, Kuya. Bakit hindi mo maintindihan na mahal niya ako. Mahal ko siya. Mahal namin ang isa’t-isa!”
Yun nga lang, sumuko na siya.
Hindi niya napigilan ang mapahagulhol. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap na isinuko na siya ni Lathan.
“Stop crying, sweetheart. Alam mong ayoko nang umiiyak ka.”
“Kasalanan mo.”
“Sige na, umuwi ka na. Mag-usap tayo."

Connected (Completed-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon