Part 19

1K 30 1
                                    

HALOS isang buwan rin ang matuling lumipas at ganoon ang naging set up ng buhay ni Scylla. She would meet Lathan on her dreams. But most of the time, when she was doing an OBE. Binawalan na siya nito na magpagabi sa daan. As he said, being connected with him was too dangerous. Naroroon lang si Lach Avergou na anumang sandali ay pwedeng sumalakay sa kanya at magpanggap na ito. But of course, she will knew who the real Lathan is.
He was always there to protect her. Pero hindi naman ibigsabihin noon na hindi na siya mag-iingat. She was doing her part to protect herself too. Para naman hindi gaanong mahirapan si Lathan. May mga obligasyon rin itong inaasikaso at para hindi magkaroon ng komplikasyon, kailangan pa din nitong matupad ang duty nito.
Scylla was about to sleep when she notice a piece of paper na nakaipit sa planner niyang nakapatong sa ibabaw ng kanyang bedside table. Hinugot niya iyon sa planner at binasa. Ah. Naalala na niya. Iyon ang chant na ibinigay sa kanya ni Theron. An added protection for her.
Hindi naman na siya ulit sinalakay ng demonyong rapist pero mas maganda na rin siguro na gamitin niya ang chant na iyon sa pag-o-OBE para dagdag proteksyon. Para na rin hindi na gaanong nahihirapan si Lathan na protektahan siya sa mga masasamang elemento sa kabilang dimensyon ng daigdig. Kapag kasi tumatawid siya roon, madalas na may ma-engkwentro siyang hindi kanais-nais na elemento. Siyempre ay naroroon si Lathan para protektahan siya. Pero parati nalang bang ganon? She should also do something para hindi gaanong nahihirapan si Lathan.
Pumayag na nga ito na tumawid siya sa mundo nito, pahihirapan pa ba niya itong siguraduhing ligtas siya?
Hindi.
She should do her part. Baka dumating ang araw na mapagod na ito sa kakaprotekta sa kanya.
As for her brother, maigi na rin na abala ito sa preparasyon ng kasal nitong malapit na malapit nang maganap. Dahil doon, di nito napapansin ang mga pinagkakaabalahan niya sa buhay.
Everything runs smoothly. Ayaw rin naman niyang mag-alala ang kapatid. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya itatago ang lahat sa kanyang kuya. Pero mas maigi na rin na wala itong alam. Mas makakabuti iyon para sa kanilang lahat.
Matapos mahiga sa sariling kama ay iniusal ni Scylla ang chant na nakasulat sa papel na ibinigay ni Theron.
Exorcizamus te, Omnis immunde spiritus,
Omni satanica potestas, Ominis incursion
Infernalis adversarii, Omnis legio,
Omnis congregation et secta diabolica,
In nomini et virtute, Domini nostril ab
Animabus ad imaginem
Dei conditis ac pretioso divini
Agni sanguine redemptis
It seems so effective dahil nang ipikit niya ang mga mata, hindi niya nararamdaman ang mga negatibong aura na nararamdaman niya sa pagsisimula pa lamang ng kanyang pagkonekta sa kabilang mundo.
Nang nasa astral form na si Scylla ay lumabas na siya ng kanyang silid, deretso sa astral plane na madalas nilang tagpuan ni Lathan. A place where they have peace.
Sa tabing dagat marahang naglakad-lakad si Scylla habang hinihintay si Lathan na sumulpot. Iyon ang astral plane o lugar na madalas nilang pasyalan ng lalaki sa tuwing nag-o-OBE. Hindi rin totoo ang liwanag ng papalubog na araw na nakalatag sa paligid, siyempre ay kasama lang iyon sa mga effects ng astral plane na kinaroroonan nila o sa madaling salita ay isang imahinasyon ang lugar na iyon.
The truth is it was night time. Kaya naman hindi masusunog si Lathan maski tila maliwanag. Isa pa, masusunog lang si Lathan kung direktang liwanag ng araw ang tatama sa balat nito. Kung mga liwanag na artipisyal naman ay di makakaapekto rito. Kaya kahit tamaan ito ng malamlam na fluorescent light ay hindi naman ito maaano, pwera sa nasisilaw si Lathan.
“Scylla…”
Nakangiting bumaling si Scylla sa tumawag sa kanya. Si Lathan.
Napakagwapo nito habang nakangiting naglalakad palapit sa kanya. Puting long sleeve na nakatupi hanggang siko ang mga manggas at tila pabara nalang na nakasuot rito dahil ilang butones lang ang nakasara. Ang mula sa itaas ay nakabuyangyang at tila nanunukso pa ang hangin na ipinasisilip sa kanya ang malapad na dibdib nito. Naka-board shorts ito sa pang-ibaba at walang sapin sa paa habang naglalakad sa buhanginan.
Muli ay napangiti siya at buong paghanga na sinalubong ito. Marahang pinalis ni Scylla ang ilang hibla ng buhok na nililipad ng hangin. Masayang-masaya ang pakiramdam niya dahil muli ay magkakasama na naman sila ni Lathan. Hindi na siya makapaghintay na mayakap ang lalaki. Sabik na siyang matikman muli ang matatamis nitong mga labi.
Hindi nila napapag-usapan ang kung ano ang meron sa pagitan nila. Pero mahalaga pa ba iyon? Alam nilang pareho ang damdamin nila para sa isa’t-isa. Sapat na iyon. Hindi na kailangan ng anu pa mang pormalidad. Nagkakaintindihan naman ang kanilang mga damdamin.
Kung kailan halos isang dipa nalang ang pagitan nila ni Lathan ay may kung anong harang na pumipigil sa kanya para muling humakbang. Sa pagpipilit naman niya, nagulantang nalang siyang makitang sumalya palayo si Lathan. Buong pagtataka na tumitig sa kanya ito. Maski siya ay nagtataka at naguguluhan rin. Tumayo ito at muling nagtangkang lumapit sa kanya ngunit sa pagkakataong iyon ay mas malakas na ang pagkakasalya nito palayo sa kanya.
Noon lang niya napansin ang tila maasul na liwanag na nakabalot at pumoprotekta sa kanya. Nagsisilbing harang nila. Tila isang malakas na enerhiyang sa kanya mismo nagmumula at pumoprotekta sa kanya.
Ano ang nangyayari? Bakit hindi niya magawang makalapit kay Lathan?
“What did you do?” Tila may hinanakit sa tinig ni Lathan na tanong nito sa kanya.
Nagtataka at naguguluhang tinunghayan niya ito. Hindi niya ito maunawaan. “W-Wala. Hindi ko alam ang sinasabi mo.”
“You used a chant to drive me away from you, Scylla.” Tiyak na turan ni Lathan. “Why?” masama ang loob na dugsong pa nito.
“H-Hindi…”
Bakit naman niya itutulak palayo si Lathan? Samantalang ito nga ang dahilan kung bakit siya nag-o-OBE. Ang makita at makasama ito, iyon lang ang tanging dahilan kaya siya naroroon ngayon.
Pinilit niyang humakbang subalit sa tuwing magpipilit siya ay sumasalya naman palayo si Lathan. Napuno ng panangis at daing ni Lathan ang lugar. Nagkandapunit-punit na rin ang suot nitong polo dahil sa bawat pagsalya nito ay tila may kung anong malakas na pwersa rin ang humahagupit rito.

Connected (Completed-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon