Part 4

2.6K 83 19
                                    

"Anong klaseng bampira kayo? Bakit ganun kayo kumain? Bakit sa panaginip lang?"

Kibit-balikat ang itinugon ni Lathan. "We were born this way. Pasalamat nalang kayo at hindi kami kasing sama ng ibang lahi ng bampira. Pinoprotektahan pa nga namin kayo laban sa kanila."

Maski hindi niya gaanong naunawaan ay tumango nalang siya. Nalilito siya sa pagpapaliwanag nito. Kakaiba kasi at ngayon lang niya narinig na may ganoon palang klase ng bampira. Ang alam niya lang sa bampira ay yung mga classic stories na sumisipsip ng dugo ng tao hanggang sa mamatay ang biktima. O di kaya ay yung mga bampira na nagre-recruit para maging kalahi ng mga ito.

Pero kung anuman ang ibigsabihin ni Lathan na sa panaginip ng tao lamang ang mga ito nakakain at di naman pinapatay ang biktima, palagay niya ay hindi na rin iyon gaanong masama. May pakiramdam rin siya na katiwa-tiwala naman ang kagwapuhan nito.

As a matter of factly, hindi siya makaramdam ng panganib kasama ito. Mas nararamdaman pa nga niya ang panganib kapag wala ito sa tabi niya. Siguro dahil, masyado itong magandang lalaki para katakutan.

Napangiti siya sa naisip. Napakagwapo naman kasi nito. Kaya nga kahit nakakatakot ang mga ipinagtapat nito ay di pa din niya magawang lubusang kilabutan. Natakot siya nang una, ngunit napalis rin naman iyon kaagad. Lalo pa nga at kaakibat noon ang katotohanang hindi naman siya sinaktan ni Lathan.

"Pwedeng huwag mo akong basta iwan nalang ng ganon? Wala na nga akong makausap, bigla ka pang mawawala?"

"Para sa isang kaluluwa na hindi ko naman kilala, masyado ka naman yatang demanding." Sabi nito.

Inirapan naman niya si Lathan. "At ikaw, para sa isang bampira na nagta-transform bilang kabute, masyado kang arogante." Ganti niya rito.

Hindi niya alam kung namalik-mata lang ba siya o totoong nakita niyang sumilay ang ngiti sa maninipis at mamula-mula nitong mga labi.

"Teka, saan ka ba nagpunta kagabi? Bigla ka nalang nawala, tapos ngayon, nandito ka na naman."

Nag-iwas ng tingin si Lathan. "Kumain." Tugon nito."Kailangan ko din namang kumain matapos ang encounter ko sa Soul Sucker kagabi. Masyadong maraming enerhiya ang nawawala sa amin kapag napapasabak kami sa paglipol sa mga Avergou."

Oo nga. Naalala na niya. Sa bilis nitong kumilos kagabi habang nakikipambuno, maraming enerhiya ang nawala rito. Natural na kailangan din nitong mag-recharge.

"Avergou?"

"Ang angkan ng mga Avergou ay malalakas at makakapangyarihang Soul Suckers. At dahil mahirap silang kalaban, kailangan namin na parating busog para handa kami sa laban."

"Ngayon, busog ka na?"

Kibit-balikat ang itinugon ni Lathan.

"E bakit ka pala nandito?"

"Wala. Nainip lang ako sa tahanan namin. Tapos nakita kita."

"Sus! Sabihin mo, talagang hinahanap mo ako."

Isang malutong na halakhak ang pinakawalan ni Scylla nang makita ang parang nasukol na dagang reaksyon ni Lathan. Nagtiim-bagang ito pagkatapos.

"Your reaction, it's priceless!"

Pinigilan niya ang sariling matawa na naman. Dumidilim na kasi ang mukha ni Lathan. Nagmumukha itong mapanganib subalit hindi niya naman maramdaman ang takot rito. Bakit wala siyang maramdamang takot rito? Na-a-amaze pa nga siyang masdan ang pagbabago sa expression sa gwapo nitong mukha. He looks devilishly gorgeous!

"Bakit naman kita hahanapin?" pasupladong tanong nito. "Diyan ka na nga. Assuming ka masyado."

Bago pa makakilos si Lathan ay mabilis na niyang hinawakan ang braso nito.

"Ito naman, pikon agad."

Masama ang tingin nito sa kamay niyang nakahawak sa braso nito.

"Ay, bawal ba kitang hawakan? Sorry." Nginitian niya ito ng matamis. "Ikaw naman kasi, iiwan mo na naman ako. Kasasabi ko lang na wag mo akong basta iwan."

"Alam mo?" Bumaling ito sa kanya at humalukipkip. Nahigit ni Scylla ang hininga nang unti-unting lumapit ang mukha ni Lathan sa kanya. Napatda siya sa kinatatayuan. Hindi niya maunawaan ang sarili pero bigla siyang kinabahan nang magtagpo ang kanilang mga mata. Titig na titig ito sa kanya. "Para sa isang kaluluwang nanganganib na nga ang buhay ng pisikal na katawan, hindi ba masyado yatang in-appropriate ang mga reaksyon mo ngayon? Nagagawa mo pang ngumiti sa ganitong sitwasyon?"

Noon siya nagkaroon ng pagkakataon na bawiin ang mga paningin. Lumamlam ang pakiramdam niya. Positibong uri siya ng tao kaya naman kahit nasa mabigat na sitwasyon siya ngayon, pinipilit niyang maging masaya at pagaanin ang damdamin sa kabila ng mabigat na pinagdadaanan.

"E kasi, kung parati akong iiyak, wala naman iyong maitutulong sa sitwasyon ko. I should atleast... you know, make my self strong. Ang pagiging masaya ang magpapatatag sa akin. Ayokong magpakalunod sa lungkot dahil kapag ganoon, mawawalan ako ng pag-asa. Gusto ko pa ding maging positive at isiping mabubuhay ako. At habang nagpapakatatag, naghahanap ako ng paraan para makabalik sa katawan ko." Sumimangot siya matapos maalala ang biglaan nitong pagsingit sa plano niya kanina. "Sabi mo, magtatanong ka sa mga kasamahan mo ng pwedeng makatulong sa akin. Pero mukha namang wala kang maibibigay na tulong. At yung paraan ko sana na naisip kanina, sinabotahe mo pa." asar na singhal niya rito.

Bumuntong-hininga ito. "Kasi, hindi tamang pakialaman mo ang katawan ng iba. Sasanib ka na din lang, dun pa sa mukhang hindi pa nakakapagpahinga. Have a heart."

Iningusan niya ito. "Have a heart, have a heart ka diyan. Sabihin mo, ayaw mo lang maagawan ng pagkain. Ganyan kayo e." Inirapan niya ulit si Lathan.

Pumalatak lang ito. Yamot namang humalukipkip siya.

"Ano nang balak mo ngayon?" tanong nito pagkuwan.

Pinandilatan nga niya ng mga mata ang gwapong lalaki. "Balak? Ano pa sa palagay mo? Yung balak kong gawin, sinabotahe mo na." asar na angil niya.

Parang wala lang rito ang pagkaasar niya. Muli itong nagkibit-balikat. At nakakainis iyon. Bakit ba parang wala itong pakialam sa mga reaksyon niya? Ganoon ba talaga ang mga bampira? Mga walang pakiramdam? Pero yung mga napapanood naman niya, mga marurunong naman magmahal. Ibigsabihin, nakakaramdam rin ang mga bampira.

'Nobela ang mga iyon, ano ka ba? This is the reality. Totoo ang kaharap mo. At ang lalaking iyan ay bampirang arogante, walang damdamin at walang pakialam.'

"Alam mo, nakakaloko ka na a?"

"What did I do?" kalmado at painosenteng tanong nito.

"Maang-maangan ka pa. Ewan ko sayo!"

Pinakatitigan niya si Lathan pagkuwan. Ang gwapo talaga ng loko. At mukhang wala naman itong pakialam pagdating sa bagay na iyon. Parang di ito aware na kulang nalang ay pagpantasyahan niya ang kagwapuhan sa kanyang harapan.

Pantasya?

What the heck is she thinking? Talagang sa ganitong sitwasyon pa niya naisip ang bagay na iyon ha?

Naiinis sa sariling ipinilig niya ang ulo. Kung anu-anong iniisip niya. Magnanasa nalang din siya, sa bampira pa?

Ano bang iniisip niya? Kapag bumalik siya sa katawan niya, hindi na niya ito makikita pa muli. Pwera nalang kung kumain ito sa kanyang panaginip.

"May itatanong pala ako sayo." Untag niya kay Lathan na nakatunganga lang din sa kanya.

"Ano iyon?"

"Kung bampira ka, paano kayo nakaka-survive sa pagkain lang sa panaginip? Isn't that absurd? I mean―"

***

A/N:

Ito po ay bahagi lamang ng nobela. Ang kabuuan ng kwento ay mababasa sa printed copies. Pasensiya na po. Hindi ako allowed na ipost ng buo dahil nabili na po ito ng PHR. Nasa kanila na po ang lahat ng karapatan sa pagpapublish ng nobela.

Maaari niyo po itong mabili kapag out na. Maraming Salamat.

#GazchelaAerienne

Connected (Completed-Published)Where stories live. Discover now