Part 15

1.2K 27 1
                                    


KINABUKASAN, dinalaw ni Scylla ang kanyang psychologist. Ikinonsulta niya ang mga kakaibang nangyayari sa kanya. Hindi na muna niya ipinaalam ang mga iyon sa kapatid dahil ayaw niyang mag-alala ito. Kailangan na magpokus ito sa nalalapit nitong kasal.
“That was an OBE, or an Out of the Body Experience, Scylla. Karamihan sa mga tulad mo na na-coma ang hindi na mawawala ang ganyan na kakayahan. Dahil noong mga panahon na comatose ka, naglayag din ang kaluluwa mo sa other dimension of the world. Posible nga na may nakilala ka din roon, pero hindi mo nalang maalala.” Paliwanag ni Doc. Grant.
Dahil matagal na din naman siyang pasyente ng mabait na doctor ay naging magkaibigan na din sila. Kumpiyansa siyang ilabas rito lahat ng bumabagabag sa kanya dahil nauunawaan siya nito. Hindi tulad ng iba na malamang ay agad na husgahan siya o pag-isipang nababaliw. Well, iyon din naman ang una niyang sapantaha matapos maranasan ang mga kakaibang bagay na iyon.
“Posible ba iyon, Doc?”
Tumango ito.
“May kaibigan akong astral traveller kaya naniniwala ako sa OBE. Isa pa, may paliwanag ang siyensa sa mga ganyang bagay. Hindi nalang iyan dala ng imahinasyon, kundi totoo na may elemental world.”
Napatango-tango si Scylla. Pschologist ito. Alam nito kung ano ang sinasabi nito.
“Kung minsan, kailangan mong timbangin at alamin kung alin ang totoo at kung alin ang imahinasyon. Kailangan mong ihiwalay ang imahinasyon sa realidad. May malaking pader na naghahati sa dalawa. Kapag gumuho ang pader, magkakaroon ng malaking problema ang isang tao. Kaya kailangan mong maging maingat sa pagpili kung alin ang dapat na paniwalaan at ang hindi.”
Nilimi niyang maigi ang sinabi ni Doc. Grant. At mukhang nauunawaan na niya ang ibig nitong sabihin. May mga bagay na dulot lang ng imahinasyon at meron din na totoong nag-e-exist. Mahirap mang paniwalaan, pero totoo. Sigurado siyang hindi siya nababaliw, hindi pa gumuguho ang pader na naghihiwalay sa dalawang bagay na iyon sa kanyang isip. Hindi siya nababaliw dahil alam niyang totoo at nag-e-exist ang mga bagay na nakikita at naririnig niya. Naniniwala siyang totoo ang lahat ng iyon. Hindi siya dapat na mangamba na magkakaroon siya ng malaking problema patungkol sa bagay na pinaniniwalaan.
Ang kailangan niya lang ngayon ay taong tutulong sa kanyang ipaunawa ang lahat ng nangyayari sa kanya. Isang taong dinadanas din ang dinadanas niya.
“Doc,” Bumuntong-hininga siya. “Pwede mo ba akong ipakilala sa kaibigan mong astral traveller?”
NAGING madali para kay Scylla na i-master ang lahat ng itinuro sa kanya ni Theron De Juego, ito ang kaibigan ni Doc. Grant na astral traveller. Dahil na-experience na niya ang mag-OBE, hindi na ganoon kahirap na mag-adjust sa pagsasagawa noon. Mahigit isang buwan din ang ginugol niya para makabisa ng mas maayos ang pag-a-astral travelling. Kung minsan nga ay nagkakasabay pa sila sa iisang astral plane. That was such a great experience. Pero bakit ganoon? Bakit hindi siya masaya? Hindi siya makontento. Hindi niya kasi makita ang hinahanap niya. Wala sa kahit saang astral plane ang nilalang na hinahanap niya. Nawala rin ang boses na kung minsan ay naririnig niyang bumubulong sa kanya. Nawala ang pakiramdam niya na may kasama siya sa silid niya. Hindi na ito nagpaparamdam sa kanya. At mas lalong di na rin niya nakikita maski ang guni-guni man lang ng anyo nito. Nasaan na ito? Nawala na yata ng tuluyan ang koneksyon nila ng estranghero sa kanyang panaginip.
Panaginip.
Oo, sa panaginip niya ito unang nakita. Subalit nakaharap niya ito sa reyalidad. Nais na tuloy niyang malito. Nasaan na nga ba ang hinahanap niya? Nasa kabilang dimension ng daigdig o nasa realidad? The other dimension of the world was real, it wasn’t an imagination. She believe that because she now experienced bringing her soul into that dimension and woke up in real world after. Pero kung hindi niya makita ang kanyang hinahanap sa kabilang dimensyon, at kung hindi niya rin iyon makita sa reyalidad, saan pa niya ito hahanapin?
“Don’t you think it was nonsense finding that stranger?” untag ni Theron sa kanya.
Naroroon sila sa isang café malapit sa business building nila. Lunch, at napagkasunduan nilang magkita dahil gusto niyang ibahagi rito ang gumugulo sa kanyang isip. Kung dati ay kay Doc. Grant siya naglalabas ng saloobin, ngayon, mas madalas na siyang magbukas kay Theron. Afterall, alam niyang nauunawaan siya nito. He became her buddy. He protected her when they were doing the OBE and being in the other dimension.
Dahil ang pagiging astral traveller ay hindi isang simpleng gawain lamang. May hatid rin iyong panganib sa mga nagsasagawa noon. May mga masasamang elemento sa kabilang dimesyon ng daigdig ang pipigil sa isang astral traveller na makabalik sa kanyang katawan. At kapag nangyari iyon, magkakaroon ng malaking problema.
Naging dependent na yata siya rito, pero ano bang magagawa niya? Bukod kay Doc. Grant, ito lang ang makakaunawa sa kanya.
“I mean, bakit mo siya pinag-aaksayahan ng panahon na hanapin samantalang di mo naman siya kilala? Ni hindi mo nga alam kung ano ang pakay mo sa paghahanap mo sa kanya?”
Sumimsim ng lemonade si Scylla at saka hinarap si Theron. “Yun nga ang dahilan kung bakit ko siya hinahanap. Alam ko, kapag nakaharap ko siya, malalaman ko ang dahilan ng curiousity ko kung bakit ganoon nalang ako kaaligaga na hanapin at sundan siya, maski sa kabilang dimensyon ng mundo pa iyon.”
Theron sighed heavily. “Hindi kaya, hinahanap mo siya dahil fascinated ka lang? Sabi mo nga, gwapo.”
“Nah!” Natawa siya sa sinabi nito. “Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa curiosity ng mga babae?”
“Hmm, minsan.”
Inirapan niya si Theron. “Gwapo ka din, ibigsabihin, iniisip mo na fascinated ako sayo?”
“Pwede…” At pabiro nitong inabot ang isa niyang kamay na nasa ibabaw ng mesa.
“E kung salaksakin kaya kita ng tinidor diyan?” pabirong saad niya at hinablot ang kamay mula rito. “Ikaw ha? Hindi ko alam na may pagka-flirt ka pala.”
“Minsan lang. At sa mga interesting lang na katulad mo—Oh, shit!” Napaigtad si Theron nang matapunan ito ng ice tea na dala ng lalaking dumaraan sa tapat nila.
Lumipad ang atensyon ni Scylla sa lalaki, sa napakagwapong lalaki. Maski hindi niya nakikita ang buong mukha nito, alam niyang napakagwapo nito. Sa tikas palang ng tindig nito, alam na alam na niya.
Naka-black shades ang gwapong estranghero. Naka-zipper hanggang baba ang itim rin nitong jacket at nakatalukbong ang hood noon sa ulo nito.
Jacket? Sa katirikan ng araw?
Oo nga at fully airconditioned ang buong café pero eksaherado naman yata kung pati ang hood ay isasaklob pa nito sa ulo habang nasa loob ng café?
Subalit hindi iyon ang higit na nakaagaw ng atensyon niya kundi ang aura nito. Magkahalong lagim at pagkasabik ang dulot ng aura na iyon sa kanya…
“Sorry, buddy.” Paumanhin nito.
That voice!
Napatunganga nalang siya sa nagsalitang lalaki habang naglalakad naman iyon palabas ng café. Nasundan pa niya ito ng tingin hanggang sa makabawi na siya. Dagli ay tumayo si Scylla at walang sabi-sabing sinundan ang estranghero. Ni hindi niya pinansin ang pagtawag ni Theron sa kanya. Hinanap niya ang estranghero, nagpalinga-linga siya sa paligid subalit wala. Hindi na iyon mahagilap ng kanyang mga mata.
Bakit kay bilis naman nitong naglaho? Kay bilis naman nitong kumilos? Kung sumakay ito sa isa sa mga sasakyan sa parking space ng café, bakit wala naman siyang napansin na umalis na sasakyan?
Nag-flash sa isip niya ang mga eksena sa dilim noong nagpunta sila sa bar ng kanyang mga kaibigan. Kay bilis ding kumilos ng estranghero. Sa sobrang bilis, parang gusto niyang magdalawang isip kung talaga bang nangyari nga ang mga bagay na nakita niya nang gabing iyon.
“Scylla…” Dagling napabaling si Scylla sa humawak sa kanyang braso. Si Theron. “Bakit bigla kang tumakbo?”
“Y-Yung lalaki…” kandautal na tugon niya.
“Ha?”
“Siya ‘yun! Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ‘yung hinahanap ko!” Bulalas niya bigla.
Napatanga naman sa kanya si Theron. Tila hindi rin nito alam kung ano ang sasabihin.
Siya naman ay muling nagulo ang mundo. Bakit ba nagpapakita sa kanya ang estranghero na iyon subalit ayaw naman siyang harapin at kausapin? Bakit siya nito ginugulo, bakit ginugulo nito ang isip at damdamin niya?
Nararamdaman niyang kailangan nilang magkaharap ng estranghero. Kailangan nilang magkausap. Kailangang maliwanagan ang mga bagay na gumugulo sa kanya. Pero paano? Paano niya magagawa iyon kung ganito na pasulpot-sulpot lang ang mahiwagang estranghero na iyon? Ni wala nga yatang balak na harapin siya.
Sana ay di nalang ito dumadaan-daan sa harapan niya para naman di na siya nagugulo ng ganoon.

***

Connected (Completed-Published)Where stories live. Discover now