Part 21

1K 19 1
                                    

“KAMUSTA?”
Napangiti si Timothy sa tono ng kausap. Ngayon nalang ulit kumonekta sa kanya si Theron matapos ang huli nilang pag-uusap. Ang totoo, noong una ay hindi niya talaga pinaniniwalaan ang mga pinagsasasabi nito. Iniisip pa nga niya na nababaliw na ito at kung anu-ano ang mga sinasabi. Hanggang sa nabanggit nito si Dr, Grant. Iyon ang doktor ni Scylla. Magkaibigan raw ang dalawa. Ang una niyang naisip ay posibleng pasyente rin ito ni Dr. Grant tutal ay lahat naman ng pasyente ng doktor ay nagiging kaibigan noon. Nagdesisyon siyang puntahan si Dr. Grant. At doon niya nalaman ang mga out of this world experience ni Theron. Ayon kay Dr. Grant, bihasa si Theron sa mga karanasan sa kabilang dimensyon ng daigdig. Kaya kung ganoon na winawarning-an siya ni Theron, syento porsyento na totoo ang mga iyon.
Hindi na nga siya nagdalawang isip pa na gumawa ng hakbang. Kung si Dr. Grant na professional ay naniniwala sa mga weird activities ni Theron, siya pa kaya ang hindi? Besides, si Scylla at ang kaligtasan na ng kapatid ang pinag-uusapan. Kapag ganoon na ang tema, walang hindi siya gagawin, masigurado lang na hindi mapapahamak ang kapatid.
Sinubukan niya ang mungkahi ni Theron na lagyan ng pampatulog ang alinman sa pagkain sa hapunan ni Scylla. Sa gayon, dere-deretso ang tulog nito at di na maglalakbay ang kaluluwa sa kabilang daigdig. At effective naman iyon bagaman nakikita niya na parating hindi maganda ang gising ni Scylla. Nagpapatay malisya nalang siya kesa naman sa parati siyang mag-aalala na kasa-kasama nito ang mapanganib na bampira sa panaginip nito.
Ni hindi niya nalaman na may mga ganoong aktibidades na pala ang kapatid. Wala siyang kaalam-alam na tumatawid na pala si Scylla sa kabilang mundo. Hindi man lang ini-open up sa kanya ng kapatid ang tungkol roon. Ah, dapat rin niyang sisihin ang sarili dahil hindi na niya nakakamusta ang kapatid. Masyado siyang abala sa paglagay niya sa tahimik. Minsan na ngang muntik mawala sa kanya si Scylla. Hindi na siya papayag na mangyari ulit iyon. Hindi siya papayag na agawin sa kanya ni Lathan si Scylla.
“Well, okay naman. Gumana ang suggestion mo.”
“Talaga?” Tila na-excite ang nasa kabilang linya.
“May hihilingin sana ako sayo, Theron.” pabuntong-hiningang saad niya.
Tumikhim si Theron. “Ano ‘yun?”
“Pwede bang libangin mo si Scylla? Date her. Ilabas mo siya. Out of the town, anywhere. Basta libangin mo siya. Hindi na rin kasi maganda na idepende ko sa narcotic ang kaligtasan niya laban sa kabilang mundo na pinupuntahan niyo.”
Mas mapapanatag pa naman siya kung si Theron ang makakatuluyan ng kapatid kesa kay Lathan. Siyempre, hindi tao si Lathan. At ang tao ay para sa tao lamang. Besides, alam naman niyang mabuting tao si Theron.
“What do you mean? Sa tono mo, parang sinasabi mo na gusto mong ligawan ko si Scylla?”
“Kung gusto mo, pwede rin.” mabilis na tugon niya.
“Are you serious? Basta mo nalang ibibigay sa akin ang kapatid mo?”
“Hindi ko siya basta ibibigay sayo. Pero kung ikaw ang paraan para mailayo siya sa bampirang si Lathan... Well, palagay ko, mas safe na ikaw ang kasama niya.”
“Ibigsabihin nga, payag ka na ligawan ko ang kapatid mo?”
“Walang problema sa akin. Palagay ko, kay Scylla ka magkakaproblema lalo pa nga at sinabi mo na humaling na humaling siya sa Lathan na iyon.”
Natahimik ang nasa kabilang linya. Mukhang alam na niya ang iniisip nito.
“Ano, Theron? Wala pa nga, susuko ka na?” paghahamon niya sa binata.
“Hindi naman sa ganoon. Pero kasi, kahit kailan ay hindi matuturuan ang puso kung sino ang dapat nitong mahalin.”
Natahimik siya. Alam niya at nauunawaan niya ang ibigsabihin ni Theron. Pinagdaanan na rin naman niya iyon.
“Pero hindi rin ibigsabihin na porke may mahal siyang iba ay susukuan mo nalang. Come on, dude. Magkaibang nilalang sina Scylla at Lathan. Kailangan mo lang ipaunawa sa kapatid ko kung bakit mali at hindi pwedeng magkatuluyan ang isang tao at bampira. Kapag nag-succeed kang gawin iyon, tapos na ang problema mo. Makaka-entrada ka na sa kanya. Anong malay mo at mapasok mo rin ang puso niya sakaling mabakante na iyon? Hindi ka dapat mawalan ng pag-asa.”
At kung anu-ano pang pampalakas ng loob ang sinabi niya kay Theron. Ngayon niya lubos na naunawaan kung bakit hindi nito pinopormahan ang kapatid niya sa kabila ng pagiging malapit ng dalawa. Dahil hindi pa man nagsisimula ang laban ay sumuko na ito. Tinanggap na nitong si Lathan ang panalo.
Pero bilang kapatid ni Scylla, hindi siya papayag na manalo si Lathan. Hindi siya papayag na mapunta ang kapatid sa isang mapanganib na bampira.

Connected (Completed-Published)Where stories live. Discover now