Part 5

1.1K 42 0
                                    


NAPATUNGANGA nalang si Scylla nang mapagtanto kung saan sila pupunta ni Lathan. Sa ICU. Pipigilan pa sana niya ito para tanungin subalit dere-deretso ito habang mabibilis ang hakbang.
"Idikta mo sa akin ang mga gusto mong sabihin sa kuya mo at ako ang magsasabi sa kanya." Pabulong na saad nito, ni hindi ito lumilingon sa kanya.
Ah, kaluluwa nga pala siya. Magmumukha lalo itong weird kung gagawin nito iyon. Weird na nga ito sa outfit nito, magsasalita pa ito ng mag-isa?
Dahil maliwanag sa pasilyo kahit gabi na dahil sa liwanag ng mga bombilya ay suot pa din ni Lathan ang shades nito. At wala naman itong kiyeme kung tinitingnan ito ng mangilan-ngilan nilang nakakasalubong.
"Ha? Teka? Bakit?" nalilitong tanong niya.
"Gusto mo siyang makausap, hindi ba? Pwede akong magpanggap na kaibigan mo at sabihin ang mga gusto mong sabihin sa kanya."
"Pero..."
"It is a wiser way. Kesa naman sa nauna mong naisip na mag-possess ng ibang katawan."
Oo nga naman. Bakit hindi niya iyon naisip? Napangiti siya sa sarili. Tinutulungan siya ni Lathan maski hindi niya hilingin. What a nice guy...
Deretsong pumasok si Lathan sa ICU kasunod siya. Tumagos lang siya sa pinto nang awtomatikong sumara iyon.
Halatang nagulat ang kapatid niya na tila naalipungatan sa pagkakatulog. Maigi nga at nakaagaw ito ng tulog habang nagbabantay sa kanya. Hindi pa ito natutulog buhat nang unang beses na sumugod ito sa ospital. At dahil liwanag pa nang makatulog ito, madilim ang silid, hindi na rin marahil binuhay ng hospital staff, bilang konsiderasyon sa natutulog.
"Hi! I'm Lathan. Kaibigan ako ni Scylla." Walang prenong pakilala nito sa sarili kay Kuya Timothy habang inaalis ang shade nito.
Napakurap-kurap lang ang kanyang kapatid. Pasimpleng binalingan naman siya ni Lathan. Alam na niya ang ibigsabihin noon. Kailangan na niyang ihanda ang linya niya. Pumuwesto siya sa likuran ng kapatid.
"I'm Timothy, kuya niya." Sandaling bumaling ang malungkot na mukha ng kapatid sa kanyang nakaratay na katawan. "Wait, buhayin ko lang ang ilaw."
"Don't bother. Hindi rin naman ako magtatagal. Gusto ko lang sumilip sa kanya sandali. At sabihin sayo ang ilang bagay na sinabi niya sa akin bago siya maaksidente."
Pilit inaninag ni Kuya Timothy ang mukha ni Lathan. Tila sinisino ang kaharap.
"Kaibigan ka ng kapatid ko? Boyfriend?" Takang tanong nito.
"Nope." Maagap na sagot ni Lathan. "Just a close friend. Madalas kaming magkakwentuhan at ikaw ang topic."
"Estudyante ka rin sa university nila?" Muli ay nagtatakang tanong ng kanyang kapatid. "Bakit hindi ka yata niya nababanggit sa akin?"
"Maybe, I'm not that important to her. But you. I know how important you are to her." Muli ay pasimpleng bumaling sa kanya si Lathan. Humanda naman na si Scylla.
"Pakisabi sa kanya na salamat sa lahat-lahat. Thank you for being such a perfect brother to me maski may pagkakataon na nagiging pasaway na ako. Thank you for spoiling me, for giving me everything more than I need. Thank you for taking good care of me up to the extent that he had forgotten to take care of himself. Inuuna niya parati ang kapakanan ko. He always make sure I'm more than okay." Tumulo ang masasaganang luha sa mga mata ni Scylla at buong pagmamahal na tinunghayan ang kapatid. Gusto niya itong yakapin. Pero alam naman niyang tatagos lang siya rito. Napahikbi nalang tuloy siya.
"Sabi niya sa akin sa huli naming pag-uusap bago ito mangyari sa kanya, nagpapasalamat raw siya dahil binigyan siya ng kapatid na kasing perfect mo. Kapatid na selfless at inuuna parati ang kapakanan ng kapatid. Ikaw na daw ang pinaka-the-best na kuya."
Hindi iyon ang eksaktong sinabi ni Scylla subalit namangha siya sa revision na ginawa ni Lathan. Ginawa nitong past at summarize. If it would sound present, hindi nga naman papaniwalaan ng kapatid niya. What a brilliant vampire he is.
"She was the only family I have. Kung hindi ko siya aalagaan, ano pa ang silbi ko rito sa mundo? I lived to protect my little sister. Ipinangako ko iyon sa mga magulang namin, pero nabigo ako." Batid ni Scylla ang labis na paninisi ni Kuya Timothy sa sarili nito. Gusto na naman niyang maghurumentado. Masyado na itong nalulubog sa kalungkutan at pagsisisi. Ayaw niyang patuloy itong malunod sa maling kaisipan na iyon.
"No, kuya! Hindi totoo iyan! Ibinigay mo na nga ang lahat sa akin. Ginawa mo ang lahat para sa akin. Hindi mo kasalanan ang aksidenteng nangyari sa akin. Kuya, wag ka namang ganyan. Babalik ako, pangako, babalik ako."
Tigmak sa luha na itinakip ni Scylla ang dalawang kamay sa mukha habang humahagulhol. Nakakainis. Mali yata ang desisyon ni Lathan na dalhin siya roon sa harap ng kapatid. Pakiramdam niya ay nade-drain ang energy niya habang ibinubuhos ang lahat ng emosyon. Hindi niya mapigilan, kusang bumubuhos ang kanyang damdamin dahil sa nakikitang estado ng pinakamamahal na kapatid. Sila nalang dalawa, sila nalang pero heto at hindi maganda ang kondisyon niya.
Natatakot siya na baka hindi magtagal at mag-break down ito. Kung bakit kasi kailangan niya ulit umiyak samantalang na-compose na nga niya ang sarili niya maghapon at ipinasyang pipiliting kumilos ng magaan at hindi nalulugmok sa lungkot para naman hindi maubusan ng energy. Pero anong nangyayari ngayon?
"Accidents happen everytime, Timothy. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Besides, alam ko na naging napakabuti mong kapatid kay Scylla. I knew it based on how she tolds me stories about you. Alam ko rin na babalik si Scylla. I believe she will be back. She was such a brave woman. Babalikan ka niya, bro." Tinapik-tapik pa ni Lathan ang balikat ng kapatid niya.
Ikinagulat na naman niya ang galing ni Lathan na humabi ng mga sasabihin. At alam niyang ang mga sinabing iyon nito sa kanyang kapatid ay nagpatatag sa loob nito para hintayin siya. She somehow felt better now. Kahit paano ay nabawasan na din ang nararamdaman niyang bigat sa dibdib. She smiled to Lathan and say her thank you. Lathan just nod at her.
"Tama, babalikan niya tayo." Bigla ay usal ni Kuya Timothy.
Sandaling tila nagulat si Lathan. Oo nga naman, nakakagulat ang ginamit na pantukoy ng kanyang kapatid. Dahil sa pagbabalik niya sa kanyang katawan, hindi naman kasama si Lathan sa kanyang babalikan.
"I guess I have served my purpose here. I have to go."
Hindi na hinintay ni Lathan na makasagot pa ang kanyang kapatid at tumalikod na ito. Kasabay ng pagbukas ng pinto ng ICU ang pag-usal ni Kuya Timothy ng pasasalamat. Sumunod siya kay Lathan at sa pagkagulat niya ay dagli siya nitong hinawakan sa braso saka tila ipu-ipong kumilos ito palabas ng ospital. Sa back door na swerteng hindi naka-lock sila dumaan. Napakabilis ng pagkilos ni Lathan na halos hindi niya namalayan kung paano siya natangay nito patungo roon sa rooftop ng ospital sa isang kisapmata lang.

***

A/N:

Ito po ay bahagi lamang ng nobela. Ang kabuuan ng kwento ay mababasa sa printed copies. Pasensiya na po. Hindi ako allowed na ipost ng buo dahil nabili na po ito ng PHR. Nasa kanila na po ang lahat ng karapatan sa pagpapublish ng nobela.

Maaari niyo po itong mabili kapag out na. Maraming Salamat.

#GazchelaAerienne

Connected (Completed-Published)Where stories live. Discover now