Part 8

1.3K 40 1
                                    

Maya-maya, lumabas na ang doktor at naiwan nalang ang kanyang kuya roon.
“Kuya is waiting for you, Scylla. Come back to us, come back to me.” Narinig niyang bulong ng kapatid sa nakahimlay niyang katawan.
Anuman ang napag-usapan nito at nang doktor, natitiyak niyang magandang bagay iyon. Nakakangiti na kasi ang kanyang kapatid, hindi tulad ng unang araw niya sa ospital.
Napangiti nalang din siya saka nagtungo sa pinto at tumagos roon. Mauupo nalang siya sa labas ng silid nang mapansin ang kapatid ni Lathan na naengkwentro niya kagabi. Papalayo na iyon nang tawagin niya.
“Sandali, Tori!” pasigaw na tawag niya rito.
Nasa astral form ito kaya tulad niya ay wala ring nakakakita rito.
Lumingon ito. At hayun na naman ang nakakapangilabot na aura ng babae. Bakit ganoon? Bakit kapag nakakaharap niya ito, nakakaramdam siya ng kilabot samantalang kapag si Lathan ang nasa harapan niya, wala siyang maramdaman na ganoon? Kapanatagan pa nga ang nararamdaman niya sa halip na takot. To think na iisa ang lahi ng mga ito. Parehong bampira ang mga ito.
“It’s Lori.” Pagtatama nito. “I have to go.”
“Sandali lang!”
“Wala akong intensyon na magpakita sayo. Pinasilip ka lang sa akin ni Lathan. Hangga’t maaari, I don’t want to get near you. Nakakatakam ang amoy ng enerhiya ng dugo mo. Ang hirap magpigil. At baka hindi ako makapagpigil ay mapakialaman kita.” Napangisi ito nang tila may maisip. “Siguradong magwawala si Lathan.”

“N-Nasaan nga pala siya?” Gusto niyang makaharap ulit si Lathan. Pero saan niya hahanapin ang lalaki?
“Nasa astral plane at nagha-hunt.”
“Hanggang ngayon?” takang tanong niya.
Hindi ba’t kagabi pa kumakain si Lathan? Hanggang ngayon ba ay hindi pa din ito nabubusog?
“Gutom pa din siya. Isang gabi at isang araw na siyang hindi kumakain. Malaking diyeta na iyon para sa tulad namin. Lalo pa nga at dalawang beses na siyang napaengkwentro sa pangalawa sa panganay ng pamilya Avergou. Malaki na ang nabawas sa enerhiya niya.” Bumuntong-hininga si Lori. “Ano bang namamagitan sa inyo ng kapatid ko? Bakit masyado siyang protective sayo?”
“Ha?”
“Hindi siya dating ganyan na protective sa mga mortal. Oo at tumutulong kaming protektahan ang buhay ng mga pagkain namin, pero hindi up to the extent na pabayaan namin ang mga sarili namin.” Mataman siyang minasdan nito. “Bakit ganoon nalang ang pagprotekta niya sayo? Lumalabas siya kahit maliwanag pa para lang silipin ka, para siguraduhing ligtas ka. May pagkakataon na di siya nagha-hunt para lang bantayan ka.”
Ipinagtaka niya ang sinabing iyon ni Lori. Hindi niya iyon alam. Wala siyang alam sa mga sinasabi nito. But it somehow gave her heart a warm feeling.
Ginagawa ba talaga iyon ni Lathan para sa kanya?
Wala siyang kaalam-alam!
“Source of food ang tingin niya sa akin, kaya siguro siya ganon.”
Bigla niyang naalala ang dahilan ng mga ginagawa ni Lathan para sa kanya. Bago pa maging siya ay maniwala na din sa ideyang may ibang damdamin para sa kanya si Lathan.
“Kahit minarkahan ka na niya ng ganoon, hindi iyon ang nakikita namin ni Helios.”
“Sinong Helios?”
“Panganay na kapatid namin.” Isang buntong-hininga ang pinakawalan nitong muli. “Hindi sumusuway sa family rules si Lathan. Pero ngayon, ginawa niya iyon. Para lang matuklasan ni Helios na ikaw ang pupuntahan niya. Bakit? Ano bang meron sayo? Anong meron sa inyo?”
Umawang ang bibig niya. Hindi niya ito maunawaan.
“Ano man ang meron sa inyo, putulin mo na. Kung kinakailangang isalin ko sa iyo ang enerhiya na nahigop ko para lang lumakas ka na ulit at makabalik sa katawan mo ay gagawin ko, tigilan mo nalang siya. Ipapahamak mo lang siya. Hindi kayo para sa isa’t-isa.” Matigas na sambit ni Lori.

***

A/N:

Ito po ay bahagi lamang ng nobela. Ang kabuuan ng kwento ay mababasa sa printed copies. Pasensiya na po. Hindi ako allowed na ipost ng buo dahil nabili na po ito ng PHR. Nasa kanila na po ang lahat ng karapatan sa pagpapublish ng nobela.

Maaari niyo po itong mabili kapag out na. Maraming Salamat.

#GazchelaAerienne

Connected (Completed-Published)Where stories live. Discover now